ODETTE
Hapon na at pauwi na kami ni Pearl, dito kami dumaan sa short-cut. Nakakatakot nga lang dahil ang daming puno at ang tataas pa. Kaya medyo madilim na, palubog na din kasi yung araw. Mas mabilis daw kung dito kami dadaan, pero kanina pa kami nag-lalakad hindi pa rin kami nakaka-alis dito.
Walang mga bahay bahay dito.
******
Tuluyan na nga kaming inabot ng dilim dito, natatakot na ako sobra, tanging liwanag lang ng buwan ang nag-bibigay ng liwanag sa amin para makita ang daan.
Napaka-tahimik ng buong paligid.
"Pearl malapit na ba tayo? Kanina pa tayo dito, natatakot na ako." Ako.
Tahimik lang sya at patuloy lang sa pag-lalakad.
Parang may kakaiba, hanggang sa.
HAILEY
Nandito ako sa kwarto ko at nakahiga. Gabi na naman, haysst, hindi ko pa din malimot limot yung mga nangyari nung gabing yun. Akala ko mamatay na ako pero ito buhay pa din. Mahigit isang taon nung nangyari samin yun.
Iniisip ko, pano kaya kung maulit yun? Mabubuhay pa kaya ako. Syempre hindi na yun mauulit, kalokohan. Pero nakakatakot. Nakakatakot yung mga nangyari, nakita mo kung pano mamatay yung mga kasama mo sa harap mo.
Ayokong maulit yun.
Bakasyon ngayon, wala kaming mga pasok.
Nag-pa-plano sila kung saan magandang pumunta, ewan ko nga kung sasama ako eh. Nag-iisip pa ako at saka nag-pa-plano pa naman sila.
Nag-open na lang ako sa messenger dahil wala akong magawa.
"Babe? Tulog ka na ba?" Si Kaizer.
"Hindi pa, ikaw tutulog ka na? kumain ka na ba?" Ako.
"Hindi pa, Oo kakatapos ko lang, ikaw kumain ka na?" Si Kaizer.
"Oo kanina pa." Ako.
"Babe sasama ka ba?" Si Kaizer.
"Saan?" Ako.
"Mag-babakasyon daw tayo doon sa lola nina Kai, sasama ka? Sina Red at Aiden kasama, pati yung iba." Si Kaizer.
"Kelan daw ang alis?" Ako.
"Sa Monday, ano sasama ka? Ipag-papa-alam kita kay na tita, sigurado naman akong papayag, hindi lang naman ito ang una nating napuntahan, ang dami na nating nagalaan, pinayagan ka naman diba." Si Kaizer.
"Sige po." Ako.
"Bukas pupunta ako dyan, mamili na rin tayo ng mga dadalhin natin, pati yung ibang mga ka-kailanganin natin." Si Kaizer.
"Sige po, saan ba tayo doon? Anong gagawin natin doon pag-dating." Ako.
"Sabi nila camp daw sa tabi ng ilog, overnight daw doon sa gubat, parang kagaya nung pinuntahan natin." Si Kaizer.
"Ahh okay, may ilog pala doon." Ako.
"Ahh oo nga daw." Si Kaizer.
"Sige na babe tutulog na ko, bukas na lang, i love you." Ako.
"Sige po, i love you more, sleep well, sweet dreams." Si Kaizer.
"Babye mwaaah!" Ako.
******
Kinabukasan, nandito na nga si Kaizer at pinag-paalam ako, pumayag naman sila. Kaya ito papunta na kaming mall, ewan ko kung anong bibilhin namin, siguro pagkain, linggo na kasi ngayon, bukas lunes na.
YOU ARE READING
Haunted House 2: The Forest (COMPLETED)
HorrorHindi pa natatapos ang lahat. Imposibleng maulit yung mga nangyari dati. Pero posible ding maulit yun. Napag-planuhan nyong mag-bakasyon at sa gitna pa ng kagubatan. Hindi kayo ligtas kahit saan. May papatay sayo o ikaw ang mamamatay. Iaalay ka lang...