CHAPTER 7 - DUDA

1.8K 25 0
                                        

KAI'S P.O.V

Mag aalastres nang dumating sina Tito, kasama 'yung dalawa kong pinsan na lalaki. Nagulat pa kami dahil may kasama silang babaeng walang malay, basang basa 'yun sa ulan at putikan ang katawan.

"Jusko! Anong nangyari dyan?" Reaksyon ni Lola nang makita ang babae.

"Nakita lang po naming kumakaway doon sa daan, tapos biglang natumba kaya tinulungan na po namin." Sabi nung isa sa mga pinsan ko.

"Ano kayang nangyari d'yan?" Takang tanong din ni Tito.

.
.

Nag papahinga na 'yung babae doon sa kwarto, nilinisan s'ya ni Dylan at pag-mkatapos pinakain na din namin.

Gutom na gutom na daw kasi s'ya. Tinanong namin kung anong nangyari, pero ang sabi n'ya kailangan daw ng mga kaibigan n'ya ng tulong, kinulong daw doon sa may bahay na malaki sa gitna ng gubat. Hindi kami naniniwala sa kanya kasi wala nama daw bahay doon.

Hindi kaya baliw s'ya.

.
.
.

ANGELA'S P.O.V

Baliw daw ako, pakinig kong pinag uusapan nila ako, kailangan gumawa ako ng paraan, baka palayasin nila ako dito.

Sasabihin ko na lang na di ko na maalala yung mga nangyari, babalikan ko sina Calvin para tulungan.

.
.
.

HAILEY'S P.O.V

Dinalhan na nga kami ni Yuna ng pagkain kaninang alas tres, so ayun. Boring pa din mag aalasingko na at mdilim na agad sa labas, sa tataas ba naman ng mga puno dito, wala pang kuryente.

Nag sindi na nga sila ng ilang mga kandila. Sa ngayon, magkakasama kaming matutulog, kasama namin yung boy's sa kwarto pero sa sahig silang lahat hihiga, s'yempre pwede ko namang katabi si Kaizer.

.
.
.

RED'S P.O.V

Nakabili na kami sa palengke dahil medyo tumila na 'yung ulan, isasama din namin itong babae doon pabalik. Sabi n'ya nakalimutan daw n'ya yung mga nangyari.

Pero sa tingin ko nag sisinungaling s'ya, may tinatago ang babae na 'to na kailangan naming malaman.

Imposibleng walang nangyari sa kan'ya at bakit s'ya umabot sa gan'yang sitwasyon.

.
.
.

JERALENE'S P.O.V

Medyo tumila na nga 'yung ulan at alas sais na, ang tagal umuwi nina Kai.

"Oy guys! Kahit papaano may signal." Sabi ni Darius kaya chineck ko naman 'yung phone.

Nakita ko namang may tinawagan si Aiden at si Red yun panigurado.

"Baby? Nasaan na kayo?" Tanong ni Aiden, nakatingin naman kaming lahat sa kan'ya, ni loud speaker n'ya din para pakinig namin.

"Pauwi na kami, buti may signal d'yan." Si Red sa kabilang linya.

"Ah oo, medyo tumila kasi yung ulan." Si Aiden.

"Baby, sabihin mo daw kay Jeralene na mag luto ng maraming kanin, sabi ni Kai."

"Ah sige, sasabihin ko." Si Aiden at tumingin sa'kin kaya kumilos na ako.

"Samahan na kita." Si Akisha at bitbit 'yung isang kandila.

.
.

7:00 pm.

May sasakyan na tumigil sa labas at i-pinark 'yun, sina Kai na 'yun.

Haunted House 2: The Forest (COMPLETED)Where stories live. Discover now