HAILEY'S P.O.V
Hindi parin natila 'yung ulan, wala pa din sina Kai. Napakaboring.
"Babe?" Si Kaizer kaya napatingin ako sa kan'ya.
"Bakit?" Tanong ko naman.
"Nakatulog ka ba ng maayos kagabi?" Pagtatanong n'ya.
"Oo naman, bakit ikaw? Hindi?" Sagot ko.
"Hindi nga eh, nabangungot ako kagabi." Sabi naman n'ya.
"Bakit anong nangyari?"
"S'yempre hindi ako makagalaw, gusto kong sumigaw pero, hindi ko magawa, may babaeng nakaitim yung nakadagan sa'kin at sinasakal ako, hirap na hirap akong huminga, pero buti na lang ginising ako ni Cohen." Kwento ni Kaizer na ikinatakot ko.
"Hindi ka kasi nagdadasal bago matulog e." Sabi ko naman.
"Ah yung tungkol pala kay Cohen, kagabi kumatok s'ya sa pinto, tapos tinanong ni Jeralene kung sino 'yun, sumagot naman s'ya na akala n'ya tulog na daw kami, e nag ke-kwentuhan pa kami no'n, tapos ayun umalis din s'ya." Kwento ko pa.
"Ha? Eh simula nung kumain tayo kagabi tapos pag pasok namin sa kwarto hindi na kami lumabas." Takang sabi ni Kaizer.
"We? Seryoso?" Kunot noong tanong ko.
"Diba Cohen, hindi ka na lumabas kagabi nung pagkatapos kumain, kumatok ka pa daw sa room nila e." Sabi ni Kaizer kay Cohen.
"Oo kumatok s'ya kagabi." Sabi naman ni Ruth.
"Oo, kumatok s'ya, nakausap ko pa nga s'ya e." Sabi din ni Jeralene.
"Hoy hindi ah, sabi din ni Eri kumatok daw ako doon." Si Cohen at tumingin kay Eri.
"Kasi nagising ako kagabi e tulog na sila, tapos kumatok ka pa, gabing gabi na 'yun. Tapos tinanong ko si Cohen kung sino 'yan, sumagot naman s'ya, tapos nung bumaba ako, bumaba din si Cohen at kakagising lang n'ya, ibig sabihin hindi s'ya 'yung kumatok at nakausap namin ni Jeralene." Kwento ni Eri na ikinagulat namin.
Nakatingin lang silang lahat kay Eri at takot na takot.
"Shit, e sino 'yung unang kumatok doon na nakausap pa ni Jeralene, tapos kumatok ulit na nakausap naman ni Eri? Hindi kaya multo 'yun?" Natatakot na sabi ni Akisha.
"Tapos kanina." Si Ruth kaya napatingin kaming lahat sa kan'ya.
"Kanina nga si Dylan, sabi n'ya nakita n'ya ako sa taas sa c.r e nandito naman ako sa baba, nagulat pa nga s'ya nung nakasalubong n'ya ako dahil nandoon nga daw ako sa c.r." Kwento ni Ruth.
"Hindi kaya minumulto tayo? Baka may nagambala tayo?" Tanong ni Dwayne.
"Siguro nga." Sabi naman ni Lily.
Natahimik naman kaming lahat ng biglang may kumatok na ikinagulat naming lahat.
"May tao." Sabi ni Akisha.
"Ang tahimik n'yo kasi masyado e, nakakagulat tuloy." Si Ruth.
Agad namang binuksan ni Jeralene 'yung pinto at isang babae 'yung nandoon at nakapayong.
"Ah ano po 'yung kailangan n'yo?" Tanong ni Jeralene.
Hindi matanda 'yung babae, ka edad lang din namin s'ya at ang ganda n'ya.
"Ah, pinapasabi po kasi ni Kai na mawawalan daw ng kuryente yung mga bahay dito hanggang mamayang gabi, ito daw yung kandila, baka daw hapon na sila makauwi e." Sabi nung babae
"Ah ganon ba, sige, ano palang pangalan mo?" Tanong ni Jeralene at kinuha 'yung mga kandila.
"Ako si Yuna, kababata ako ni Kai." Ngiting sabi n'ya.
YOU ARE READING
Haunted House 2: The Forest (COMPLETED)
HorrorHindi pa natatapos ang lahat, imposibleng maulit yung mga nangyari dati pero posible ding maulit yun. Napag-planuhan nyong mag-bakasyon at sa gitna pa ng kagubatan. Hindi kayo ligtas kahit saan. May papatay sayo o ikaw ang mamamatay. Iaalay ka lang...
