CHAPTER 12 - HINDI PAGKAKAINTINDIHAN

1.5K 17 0
                                        

JERALENE'S P.O.V

Tumaas na kami ni Kai, para puntahan sina Aiden, kasama din nila si Yuna nang makaakyat kami.

"Anong ibig sabihin nito Yuna?" Pagtatanong ko kaya napatingin sila sa akin.

"Mag papaliwanag ako, pero bago 'yun, nasaan sina Hailey? Nandoon pa ba sila sa ilog?" Kunot noong sabi ni Yuna.

"Sino si Pearl? Ano ba talagang nangyayari Yuna?!" Tumaas na yung boses ko.

"Mamaya na ako mag papaliwanag, kailangan ng umalis nina Hailey doon sa ilog, papatayin sila nina Pearl, papatayin nila tayong lahat." Sabi naman n'ya na ikinagulat namin.

.
.
.

HAILEY'S P.O.V

"Hays, hindi pa din ako mapakali! Ang tagal nila, umalis pa 'yung tatlo tapos hindi padin nahahanap sina Bryson at Owen." Nag aalalang sabi ni Akisha at paikot ikot na s'ya sa paligid.

"Bakit? Gusto mo sumunod sa mga 'yun?" Tanong ni Cohen

"Bakit may sinabi ba ako?" Inis na sabi ni Akisha.

"Anong gagawin natin dito? Maghihintay na lang?" Tanong naman ni Dwayne.

"Akala ko naman masaya ang bakasyon na 'to, pero puro awayan lang, may pa prank pa kayong nalalaman, pampagulo lang yan e." Si Naomi.

"Hay nako, sinabi mo pa." Sabi ni Akisha.

"Baka prank nga lang e." Si Dwayne.

"Baka nga prank, baka lang, paano pag hindi pala prank? O ano? Edi napahamak silang lahat doon, may masama nga daw nangyari e at kailangan nila ng tulong." Si Akisha.

"Ang oa n'yo talaga, makakapag text ba si Yuna kung nasa panganib silang lahat doon? O?" Si Dwayne.

"Ang sabi nina Ruth, may masama daw nangyari doon sa bahay nina Yuna at kailangan ng tulong, baka kung ano lang 'yun, nakapag text nga si Yuna 'di ba, kailangan ko pa bang ipaliwanag?" Dugtong pa nito.

"Pinaliwanag mo na 'di ba." Si Akisha at may pag kainis sa mukha nito.

"At ang tinutukoy kong prank ay about doon sa tinext ni Yuna, dahil baka nandoon na yung dalawa, sina Bryson at Owen, sinabi lang nila na may masamang nangyari at sa sobrang arte naman nung tatlong babae na sina Lily ay nag si alisan naman." Sabi pa ni Dwayne.

"O tapos? i explain mo naman bakit kailangan tayong paalisin ni Yuna dito dahil mapapahamak tayo, bida bida ka e." Sabi ni Akisha at inis pa din.

"Baka nga kasi pran-" Si Dwayne pero nag salita agad si Akisha.

"Prank na naman? Mukha mo prank, itsura mo palang di na mapag kakatiwalaan!" Sigaw ni Akisha at kita sa mukha ni Dwayne ang pag kainis.

Napatawa naman si Cohen at 'yung iba.

"Walang nakaka alam kung ano talagang nangyari, kasi wala namang sinabi kung anong talagang nangyari, ang gulo lang talaga nila, pinapagulo lang nila lahat kaya mag hintay nalang tayo dito." Sabi ni Kaito at tumahimik nalang kami.

Kanina ko pa talaga pinag iisipan 'to, may hindi sinasabi si Ruth sa amin.

Kung ano talagang nangyayari doon, kaya mas lalong gumulo. Hindi naman kami papaalisin dito ni Yuna kung walang mangyayaring masama sa amin, si Ruth at Kai lang ang nakabasa nung message ni Yuna.

Ibig sabihin alam ni Ruth kung anong nangyayari doon, bakit s'ya aalis kung hindi n'ya alam ang nangyayari, pero ang ginawa n'ya umalis s'ya kaya mapapahamak kami dito.

"Nasaan na kaya sina Bryson at Owen?" Tanong naman ni Jennie at hindi na rin mapakali.

"Umalis na tay-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng nakarinig kami ng putok ng baril, sinasabi ko na nga ba.

Haunted House 2: The Forest (COMPLETED)Where stories live. Discover now