CHAPTER 14 - MGA BAGONG SANGKAP

1.4K 18 0
                                        

NAOMI'S P.O.V

Sobrang sakit ng balikat ko at patuloy parin ito sa pag dugo. Hindi ko alam kung buhay pa ba 'tong si Cohen dahil mas malala 'yung mga tama n'ya.

Nababaliw na 'tong babae sa harapan namin pati na rin 'yung lalaking kasama n'ya.

"Bago tayo umalis dito gusto ko munang maglaro tayong lahat, para wala ng malungkot 'di ba?" Ngiting sabi nito.

Nababaliw na s'ya.

"Magbibilang ako ng sampo habang tinuturo ko ang bawat isa sa kanila at kung saan tumama ang pang sampo, barilin mo." Tuwang sabi nung pa n'ya at natawa na rin 'yung lalaking kasama n'ya.

Ginamit n'ya pa talaga si Dwayne sa kabaliwan n'ya, nagawa n'ya pa itong utuin. Kinakabahan ako dahil baka ako 'yung pang sampo.

Sa aming apat lang naman magbibilang kung sinong pipiliin.

Ako si Akisha, Kaizer at Kaito, si Cohen nakahilata na at hindi ko alam kung buhay pa ba s'ya.

"Isa." Turo nito kay Kaizer.

"Dalawa." Turo naman nito sa akin, sabay ng pag patak ng pawis at pagkabog ng dibdib ko.

"Tatlo." Turo nito kay Kaito.

"Apat." Kay Akisha naman.

"Teka, mukhang napatay ko yata 'tong isang kasamahan n'yo, i'm so sorry at may isa pa pala dito, patay din." Yung babae at nakangiti habang nakatingin kay na Cohen at Owen.

"Lima." Pag papatuloy nito sa akin na ikinagulat ko.

"Anim." Turo nito kay Kaito.

"Pito." Turo naman nito kay Kaizer.

"Walo." Turo nito kay Akisha.

"Ooppss! Dalawa na lang, swerte naman nung mapipili." Yung babae habang natatawa.

"Siyam." Sabi nito at biglang tumuro sa'kin kaya napalunok ako, lumipat din ito isa isa kay na Kaizer, Akisha at Kaito.

"Siyam!" At kay Kaizer tumapat 'yun.

"At ang pang sampo ay ikaw." Turo nito kay Kaito na ikinagulat namin.

Gagawin ba talaga 'to ni Dwayne?

"Ano pang hinihintay mo Dwayne? Barilin mo na s'ya." Ngiting sabi nung babae.

Dahan dahan nang itinututok ni Dwayne 'yung baril kay Kaito.

"Sandali, Dwayne, seryoso ka ba?" Kunot noong tanong no Kaizer.

"Tumahimik ka nga, gusto mo ikaw na lang?" Pagpigil nung babae.

"A-ako! Ako 'yung napili 'di ba? Sige gawin mo na." Lakas loob na sabi ni Kaito.

"Gawin mo na daw." Sabi pa nung lalaki.

Pinikit ko ang aking mga mata para hindi makita kung anong gagawin ni Dwayne kay Kaito.

Maya maya pa ay narinig ko na ang pag putok ng baril at sigaw ni Kaito.

Agad kong iminulat yung mga mata ko at nag palakpakan naman 'yung dalawa sa ginawa ni Dwayne.

Ginawa n'ya nga, hindi ako makapaniwala.

Sa hita tinamaan si Kaito, nararamdaman ko 'yung sakit, s'yempre natamaan din ako.

"Ngayon kayong tatlo lumuhod." Sabi nung babae na agad naming ginawa.

"Dwayne, lagyan mo ng plastic 'yung mga ulo nila at itali mo 'yun sa may leeg nila." Utos pa nung babae.

"Ikaw naman itali mo 'yung mga kamay nila." Utos pa nito sa kasama n'yang lalaki.

Haunted House 2: The Forest (COMPLETED)Where stories live. Discover now