ANGELA
Papasok na ako sa bahay, dahan dahan akong pumunta sa likod, may malaking gate pala sa likod at laking gulat ko na lang na may malaking butas doon. Naalala ko tuloy yung pinag-ke-kwentuhan nila doon, nung nasa bahay pa ako. Yung tungkol doon sa mga sinusunog na tao. Wala na naman daw gumagawa no'n dito. Pero baka yung kumuha kay na Calvin, sila yung gumagawa, naisip ko na din to nung papunta ako dito eh, posible naman yun diba, bakit nila kami ta-tang-kaing kuhanin kung wala silang kailangan at yung babaeng nag-papakita sunog sya diba. Kailangan ko silang mailigtas.
Tuluyan na akong pumasok sa bahay, napakalawak, ang daming pintuan, saan ko sila hahanapin dito. May mga ilaw, pero mahihina lang ito at nag-papatay bukas. Inilibot ko muna yung paningin ko sa buong paligid, kung may tao ba o wala.
"Huwebes na bukas, kailangan pa natin ng mga tao, kulang pa sila." Boses ng isang matandang babae.
"Makakahanap pa tayo ng mga tao lola." Boses ng lalaki.
"Pero nakatakas yung isa diba! Oh pano na yun?!" Sigaw na ng matanda sa galit. Malayo pa sila pero pakinig ko na yung usapan nila, nag-tago lang ako sa tabi ng mga gamit, nakatabon kasi yung mga gamit sa puting tela. Yung mga gamit dito may mga tabong puting tela, kaya nakapag-tago agad ako.
"Kumalma ka nga lola, isa lang yung nakatakas at nandito lang yun sa loob, hinahanap naman namin sya diba, hindi agad yun makaka-alis dito, saka may plano na sina Pearl, hindi lang sampu yung iaalay natin, madami sila." Boses ng isang lalaki.
Sila nga yung gumagawa nito, madami pala sila dito sa bahay, kahit natatakot ako, kailangan kong mailigtas sina Calvin.
"Bakit napaka-putik naman dito? Diba sabi ko walang dadaan dito sa likod, sinong dumaan dito?" Boses pa ng isang matanda.
Shit!
Kinuskos ko yung tsinelas ko doon kanina. Ipapahamak pa ako ng tsinelas na to. Siguro kailangan ko lang mag-yapak dito sa loob ng bahay. Iiwanan ko na lang yung tsinelas ko dito.
"Walang dumadaan dyan ah." Boses nung lalaki.
"Eh sinong dumaan dyan?" Yung matanda.
"Sorry, may kinuha kasi ako sa likod kanina, ako yung pumasok dyan." Boses ng isang babae.
Hindi kaya nakita nya ako.
Ang dami nila dito at hindi ko alam kung may mga kasama pa sila.
"Nasaan si Pearl?" Pagtatanong nung lalaki.
"Hindi ko alam, umuwi siguro." Yung babae.
"Sige na, hanapin nyo na ulit yung lalaking nakatakas." Sabi nung matandang lalaki.
Mamaya na siguro ako lalabas dito sa pinag-tataguan ko. Tapos yung sinasabi nilang madaming iaalay sino sino yun?
HAILEY
Nandito na nga ulit kami sa bahay. Tapos bukas na nga kami mag tatayo ng tent doon malapit sa may ilog. Inayos na din namin yung mga dadalhin bukas para mabilis na lang. Nagpaphinga kami, yung iba kumakain. Hinihintay pa rin nung nga boy's na mag message si Darius pero wala parin silang balita dito at hindi pa rin sya nag o-online. Pero nag-iwan naman sya ng message kahapon na uuwi na sya, nakauwi na naman siguro yun, di lang nag cha-chat samin dahil nga doon sa nangyaring awayan. Basta tuloy lang kami, wala namang problema eh.
DARIUS
Agad kong iminulat ang mga mata ko. Nasa loob ako ng isang kwarto at nakatali ang mga kamay at paa ko. Anong nangyari.
Agad kong inalala yung mga nangyari sakin nung gabing yun. Yung dalawang lalaki. Nasaan na ako.
Laking gulat ko na lang ng biglang bumukas yung pinto at may pumasok na babae.
"Hi, ikaw pala yung bago, ako nga pala si Rebecca." Pagpapakilala nung babae.
"Anong gagawin nyo sakin! Pakawalan nyo ko dito!" Sigaw ko.
"Wag ka ngang maingay, gusto mo na bang mamatay?" Sabi nung babae.
"Ano bang kailangan nyo?" Pagtatanong ko ng mahinahon.
"Buhay mo, wag kang mag-alala madami naman kayo dito." Sabi nung babae.
Nanginginig ang buo kong katawan at hindi alam ang gagawin.
Bigla namang may pumasok na lalaki.
"Ang ingay nyan ah." Sabi nung lalaki.
"Tumahimik na nga sya eh." Yung babae.
"Si Pearl? Nasaan na ba yun?" Yung lalaki.
"Baka inihahanda na yung plano." Yung babae.
"Edi na kay na Yuna sya? Papayag ba yun?" Yung lalaki.
"Siguro, mag-kaibigan naman sila eh." Yung babae.
Si Yuna? May kinalaman dito? Sinasabi ko na nga ba, masamang tao yung babae na yun, baliw. Baka kung anong gawin nila kay na Kaizer.
"Sige na, patahimikin mo yan, baka putulin ko yang dila nyan." Yung lalaki at tumingin sakin.
"Oo na." Itong babae at tuluyan na ngang lumabas yung lalaki.
ANGELA
May napakinggan akong sumigaw lalaki, pamilyar yung boses, alam kong malayo sya pero nandito lang din sya sa bahay. Sino yun?
CALVIN
May sumigaw na lalaki, sino kaya yun? May nakuha na naman siguro silang tao.
Kailangan hindi matuloy ang mga plano nitong mga baliw.
YUNA
"Ano Yuna papayag ka ba?" Si Pearl.
"Diba napag-usapan na natin to? Wala kayong gagalawin sa mga kaibigan ni Kaizer." Ako.
"Kahit dalawang tao lang o tatlo, madami kaming mamatay kung hindi namin magagawa yung pag sunog sa kanila, kami yung mamatay Yuna, kami." Si Pearl.
Nagsinungaling ako kay na Hailey, nagsinungaling ako na wala akong alam tungkol dito, pero ang totoo meron talaga, hindi ko na alam ang gagawin. Ginagawa nila ang pagsunog sa sampung tao kada taon. Sigurado din akong sila yung kumuha kay Odette at ngayon, gusto na nilang galawin yung mga kaibigan ni Kaizer.
"Ano na Yuna? Ayoko pang mamatay, dati tinutulungan mo naman kami diba?" Si Pearl.
"Sige tutulong ako, ganto aalis sina mama dito bukas sa linggo pa yung uwi nila, dapat bago mag gabi may tao na dito, magdadala ako ng dalawang tao dito sa bahay bukas ng gabi, may camping kasi kami sa may ilog bukas, sasabihin ko may nakalimutan ako at magsasama ako ng dalawang tao at kayo na yung bahala, wag nyo lang gagalawin yung mga nasa ilog, sasaktan ko yung sarili ko para kunwari may nangyaring masama at nawala yung dalawa, okay?" Ako.
"Maraming salamat Yuna, sige sasabihin ko na kay na Rebecca ang plano." Si Pearl at tuwang tuwa naman nya akong niyakap.
Ngumiti lang ako hanggang sa tuluyan na syang umalis. Unti unting nawala yung ngiti sa mga labi ko. Ano ng gagawin ko.
Tama ba yung desisyon ko?
TO BE CONTINUE.
YOU ARE READING
Haunted House 2: The Forest (COMPLETED)
HorrorHindi pa natatapos ang lahat. Imposibleng maulit yung mga nangyari dati. Pero posible ding maulit yun. Napag-planuhan nyong mag-bakasyon at sa gitna pa ng kagubatan. Hindi kayo ligtas kahit saan. May papatay sayo o ikaw ang mamamatay. Iaalay ka lang...