ERI
Agad kong iminulat ang mga mata ko at, laking gulat ko na lang ng bukas na ang ilaw sa kusina.
"Ayos ka lang?" Si Cohen na ikinagulat ko. Hindi agad ako nakasagot.
"A-ahh, o-oo." Ako.
"Kanina ka pa kasi nakatulala at ang putla mo, nakakita ka ba ng multo?" Si Cohen.
"Ah wala, kanina ka pa ba?" Pagtatanong ko.
"Medyo, nagising lang ako kasi naiihi ako." Si Cohen.
"Ah sorry natanong ko pa." Ako.
"Hindi okay lang." Si Cohen.
"Kakagising mo lang? Ibig sabihin hindi ka kumatok kanina sa kwarto?" Pagtatanong ko.
"Huh? Kumatok? Hindi ako kumakatok doon ah, simula kanina pag-katapos nating kumain di na ako lumabas ng kwarto." Si Cohen.
Napaisip naman ako. Sino kaya yun? Sino yung naka-usap ko? Yung naka-usap ni Jeralene?
"Okay ka lang ba talaga?" Si Cohen.
"Ahh oo, bagong gising lang din kasi ako, baka napanaginipan ko lang yun kanina." Ako.
"Ahh, ano palang gagawin mo dito?" Si Cohen.
"Uminom ako ng tubig." Ako.
"Uminom? Eh wala ka namang ginamit na baso, pag-baba ko dito naka-tulala ka na, sige na nga uminom ka na dyan, nahihibang ka na." Si Cohen.
Pero naka-inom na ako kanina.
Uminom na lang ulit ako, yung basong ginamit ko kanina, nandoon pa din sa pwesto nya. Ano bang nangyayari?
"Tara na, sumabay ka na sakin." Si Cohen.
Kaya ayun sumabay na nga ako, hanggang sa makarating na ako sa kwarto namin. Tulog pa din yung mga girls. Humiga na ako at sa pag-kakataong ito, dinalaw na ako ng antok.
RUTH
Bigla akong nagising dahil nakaramdam ako ng lamig. Agad kong kinuha yung cellphone ko para tingnan kung anong oras na, also tres na pala.
Matutulog na sana ako kaso yung kumot ko wala, nalaglag pala. Sinilip ko muna yung kumot at laking gulat ko ng makita ko yung sunog na kamay may kung ano sa ilalim ng higaan ko. Agad akong kumurap at agad yung nawala. Hindi ko alam kung anong meron sa ilalim.
Dahan dahan akong dumapa sa higaan ko, sisilipin ko kung ano yun. Dahan dahan akong sumilip pero wala naman. Guni guni ko lang siguro yun.
Agad kong kinuha yung kumot at laking gulat ko na lang ng may humawak sa kamay ko. Yun yung sunog na kamay. Agad akong hinila nito kaya nalaglag ako sa higaan.
Nasa ilalim pa rin sya ng higaan, sunog yung mukha nya at nanlilisik yung mga mata.
Agad kong ipinikit ang mga mata ko at sumigaw.
"Aaaaaaahhhhh!" Sigaw ko.
"Gumising ka nga! Hoy!" Boses ni Lily na ikinagulat ko at napabangon ng wala sa oras.
"Multoooo!" Sigaw ko ng malakas.
"Huh? Anong sinasabi mo?" Si Akisha.
"Kwentuhan kasi kayo ng kwentuhan kagabi ng nakakatakot eh, yan tuloy nanaginip ka." Si Dylan.
"Okay ka lang? Bakit nandyan ka na sa sahig natulog?" Si Hailey.
"Nalaglag ka ba kagabi?" Si Jeralene.
Naka-upo ako dito sa sahig, habang yung mga girls naka-palibot sakin. Napakamot na lang ako ng ulo. Panaginip lang ba yun.
"Nanaginip nga lang ako haysst." Ako.
"Sige na bumangon ka na dyan, mag-tootbrush ka na." Si Jeralene.
"Mauuna na ako sa baba." Si Dylan.
Ngayon ko lang napansin na umuulan.
"Naulan pala, tuloy pa ba?" Pagtatanong ko.
"Pag-uusapan pa mamaya sa baba kaya bilisan nyo na." Si Jeralene.
Napansin ko namang kanina pa tahimik si Eri.
Ina-lala ko yung nangyari kagabi, hinawakan ako sa kamay nung babaeng sunog, agad kong tiningnan ang kamay ko at bakat pa yung pag-kakahawak nya sakin. Ang sakit din ng likod ko dahil sa pag-kabagsak.
ERI
Hindi kaya nakita din ni Ruth yun? Pero magiging tahimik na lang ako at wag ng banggitin sa kanila yung mga nangyari kagabi at yung tungkol kay Cohen, na hindi naman pala sya yung kumakatok at naka-usap namin.
Ayun na nga, nandito na kami sa baba at nag-uusap usap na. Wala yung ibang boys dito, si Jennie naman nag-luluto ng pan cake maya naisipan kong tulungan sya, pero makikinig pa din ako sa usapan nila.
"So guys ano, hindi tayo tuloy pag-punta doon sa tabing ilog kasi malakas yung ulan. Pero tuloy pa din yung pag-bili sa palengke. Sina Red, Owen, Bryson at Dylan yung pupunta diba, kasama na ako, ihahatid ko din kasi si Lola sa isang bahay malapit sa palengke, kaya tayo lang ang tao dito." Si Kai.
"Ngayon na ba aalis?" Si Dylan.
"Ahh oo, mag-handa na kayo, yung listahan." Si Kai.
"Ah wait, kukunin ko lang sa taas." Si Dylan.
DYLAN
Agad akong tumaas at pumunta sa kwarto. Agad kong kinuha yung listahan. Nakita ko namang nakabukas yung pinto ng c.r at nakita ko don si Ruth, nakatalikod sya sakin nag-to-toothbrush sya kaya nag-salita na lang ako.
"Paalis na kami." Pag-papaalam ko sa kanya bago tuluyang bumaba. Hanggang sa nakasalubong ko si Ruth, pataas sya.
"Oh Ruth, akala ko nasa c.r ka?" Ako.
"Huh? Kanina pa ako nandito sa baba, nauna ka lang kasi bumaba eh kaya hindi mo ako napansin." Si Ruth.
"Pero sino yun-" Hindi ko na natuloy ng tinawag na nila ako dahil paalis na.
Ang weird.
Baka isa sa mga girls lang.
RUTH
Anong nangyari doon.
Paakyat na nga ako at kasunod ko si Hailey.
"Pupunta ka sa kwarto?" Pagtatanong ko sa kanya.
"Ah hindi pupuntahan ko si Kaizer, sa kwarto nila, nandoon pa daw sya eh." Si Hailey.
"Wag! Nandoon pa yung ibang mga lalaki, mamaya mga naka-hubad lang sila doon at naka-boxer, eew." Ako.
"Syempre kakatok muna ako, ano ka ba." Si Hailey.
"Sasama na lang ako." Ako.
"Sige hahaha." Si Hailey.
HAILEY
Nandito na nga kami sa baba, kumakain kami ng pan cake. Yung iba hindi magamit yung cellphone nila kasi mahina yung signal, sa lakas ng ulan at nasa may gubatan pa kami.
Hihintayin na lang namin sina Kai na makabalik, para malaman kung anong sunod na gagawin namin.
ANGELA
Naka-alis na nga ako ng gubat, putikan na ako at basang basa na sa ulan, natanggal na din yung isang sapatos ko sa kakatakbo. Pero buti na lang nandito na ako sa may kalsada. Kailangan kong humingi ng tulong, pagod na pagod na ako. Gutom na gutom na, pero yung mga kaibigan ko doon, sina Calvin. Kailangan nila ng tulong ko. Umaasa sya sakin.
TO BE CONTINUE.
YOU ARE READING
Haunted House 2: The Forest (COMPLETED)
HorrorHindi pa natatapos ang lahat. Imposibleng maulit yung mga nangyari dati. Pero posible ding maulit yun. Napag-planuhan nyong mag-bakasyon at sa gitna pa ng kagubatan. Hindi kayo ligtas kahit saan. May papatay sayo o ikaw ang mamamatay. Iaalay ka lang...