ANGELA'S P.O.V
Nakarinig ako ng busina mula sa labas dahil ang lakas nito, agad akong sumilip sa bintana at nakita kong naglabasan 'yung mga taong nandito sa loob ng bahay.
Pagkakataon ko na 'to para maglibot, pero teka, sino kaya 'yung mga dumating.
Maya maya pa nakita kong inilabas nila sa sasakyan 'yung mga taong nakaplastic 'yung mga ulo, may mga bago na naman silang nabiktima.
Pinasok na nga nila 'yung tatlong nakaplastic 'yung mga ulo at sinunod 'yung dalawang duguan, patay na ba 'yung mga 'yun.
Teka, kailangan ko ng lumipat ng tataguan.
Agad akong lumabas at pumasok sa isang kwarto at dahan dahan itong i-sinara. Humarap naman ako sa likod ko at laking gulat ko ng may lalaking naka upo, nakatali 'yung kamay at mga paa n'ya at kung hindi ako nag kakamali si Darius 'to.
"D-darius?" Mahinang pagtatanong ko.
"Angela? Anong ginagawa mo dito?" Tanong n'ya Darius.
"Shh, huwag kang maingay, baka mapakinggan nila tayo." Ako.
"Dalhin natin sila sa basement!" Sigaw nung isang lalaki mula sa labas.
"Anong meron?" Tanong ni Darius.
"May mga bagong dating, naka balot 'yung plastic sa mga ulo nila tapos 'yung iba duguan." Sagot ko.
"Teka, pano ka napunta dito?" Pagtatanong ko.
"Nung gabing nag away away, nandoon ka 'di ba, umalis ako non' pero hinarang ako nung dalawang lalaki at binugbog ako tapos dinala dito." Kwento n'ya.
"Nung gabing din 'yun umalis ako at pumunta dito."
"Kaya pala nakabukas 'yung pinto nung lumabas ako, ikaw pala 'yung unang lumabas."
"Oo, kasi wala namang naniniwala sa akin, sa kinukwento ko tungkol dito, akala n'yo pa nga baliw ako 'di ba, pero hindi, nandito ako para iligtas 'yung mga kaibigan ko, papatayin sila kung hindi ko agad sila mahahanap." Ako, nakita ko namang yumuko si Darius.
"S-sorry hindi ako naniwala." Si Darius.
"Okay lang, lumipas na 'yun, kailangan nating maka alis lahat dito." Sabi ko.
Lumapit ako sa kan'ya para tanggalin 'yung tali sa mga kamay n'ya pero agad s'yang nagsalita.
"Hayaan mo muna ako dito, baka makahalata sila pag nawala ako." Sabi ni Darius kaya napatigil ako. "Hanapin mo muna yung mga kasama mo, pero sa ngayon, dumito ka muna, mag tatago ka lang d'yan sa loob ng kabinet kung may dadating man." Dugtong pa nito, at tumango naman ako.
"Mamayang hating gabi mag sisimula akong maghanap sa kanila." Ako.
.
.
.
KAIZER'S P.O.V
Napakinggan kong dadalhin nila kami ngayon sa basement.
Hanggang sa nadala na nga nila kami sa may basement. Tinanggal din nila 'yung mga plastic na nasa ulo namin maliban sa mga tali.
Laking gulat na lang namin ng makita sila.
Hindi lang pala kami 'yung nandito, may nauna na sa amin.
.
.
.
JHICIEL'S P.O.V
Ang tagal na namin dito sa basement na 'to, sina Angela at Calvin hindi na kami binalikan, nasaan na kaya sila, napahamak ba sila o iniwan na kami dito.
YOU ARE READING
Haunted House 2: The Forest (COMPLETED)
HorrorHindi pa natatapos ang lahat, imposibleng maulit yung mga nangyari dati pero posible ding maulit yun. Napag-planuhan nyong mag-bakasyon at sa gitna pa ng kagubatan. Hindi kayo ligtas kahit saan. May papatay sayo o ikaw ang mamamatay. Iaalay ka lang...
