HAILEY'S P.O.V
Umaga na, araw na ng Huwebes ngayon at papunta na ulit kaming ilog, kasama na din namin si Yuna ngayon.
.
.
ANGELA'S P.O.V
Kagabi nakalipat ako ng mapapagtaguan kaya ito, nandito ako, hindi ko alam kung saan ako mag sisimulang mag hanap sa kanila.
.
.
CALVIN'S P.O.V
Kailangan kong malaman kung nasaan 'yung basement dahil nandoon sina Jhiciel, para mailigtas ko agad sila.
.
.
HAILEY'S P.O.V
Pagsapit ng tanghali.
"Ayos ka lang Yuna? Kanina pa kitang napapansing tahimik e." Pagtatanong ko kay Yuna.
"Ha, hindi a, medyo masakit lang 'yung ulo ko." Sabi naman ni Yuna.
"Baka dahil sa init, napakainit kasi, pasok ka muna kaya doon sa loob ng tent." Ako.
"Sige sige." Ngiting sabi naman ni Yuna.
"Masaya kaming nag ke-kwentuhan, 'yung iba naliligo sa ilog, nag gigitara naman 'yung iba, 'yung iba nag iihaw at kumakain, basta masaya lang.
Natigil ang lahat ng napansin ni Ruth na nawawala si Owen at Bryson kaya nag tipon tipon kami.
"Hindi ba kasama lang kanina nina Dwayne sina Owen at Bryson?" Tanong ni Lily.
"Sabi nila iihi lang daw sila e." Sagot naman ni Dwayne.
"Kanina pa ba sila wala?" Tanong din ni Dylan.
"Baka kung saan na pumunta 'yung mga 'yun." Sabi naman ni Jennie.
Naghintay nga kami hanggang sa inabot na kami ng alas sais ng hapon, pero wala pa rin sila.
Yung iba naghanap sa malapit pero hindi parin nila nakita sina Owen at Bryson.
"Gago nasaan na yung mga 'yun, hindi na bumalik." Si Kaito.
"Mag gagabi na o, kinakabahan ako." Sabi ni Ruth.
"Hahanapin namin sila." Sabi naman ni Kai.
"Babalik na ba kami sa bahay?" Tanong naman ni Naomi.
"Hindi, dito lang kayo, kami nina Red, Kaizer, Dwayne at Cohen ang mag hahanap sa kanila, tapos iwan na kayo dito." Sabi ni Kai.
"Kukuha lang ako ng flashlight para may magamit kayo." Sabi naman ni Yuna.
"Sige, sige, samahan mo na s'ya Aiden." Sabi pa ni Kai.
"O sige." Si Aiden.
"Sasamahan ko na din kayo." Sabi ni Jeralene.
"Sigurado ka? Mag ingat kayo." Si Kai.
"Oo, basta kailangan nating mahanap 'yung dalawa." Si Jeralene.
"Jusko, nasaan na ba kasi 'yung dalawang 'yun?" Nag aalalang sabi ni Ruth.
"Sinabihan na naman kasing huwag lalayo." Si Akisha at napa facepalm na lang.
"Baby, tawag ka lang kung may problema, pupunta agad kami." Sabi naman ni Red kay Aiden.
"Okay, sige." Si Aiden.
"Mag ingat kayo a." Sabi naman ni Ruth.
Nag simula namang maglakad papalayo sina Yuna, Aiden at Jeralene.
YOU ARE READING
Haunted House 2: The Forest (COMPLETED)
HorrorHindi pa natatapos ang lahat, imposibleng maulit yung mga nangyari dati pero posible ding maulit yun. Napag-planuhan nyong mag-bakasyon at sa gitna pa ng kagubatan. Hindi kayo ligtas kahit saan. May papatay sayo o ikaw ang mamamatay. Iaalay ka lang...
