NAOMI'S P.O.V
Nandito ako ngayon sa may tabi ng ilog. Umaga na, inabot na ako ng umaga dito. Tumigil na rin sa pag dugo 'yung balikat ko pero ang sakit pa din nito.
Hindi ko na alam ang susunod na gagawin ko. Pero may nakita akong malaking bahay doon sa may taas, luma na 'yun.
Alam kong may mga tao doon dahil may sasakyang bumusina kagabi doon.
May malapit na daanan dito ng mga sasakyan, susubukan kong humingi ng tulong.
.
.
RUTH'S P.O.V
Inabot na kami ng umaga dito, gutom na din kami. Hindi pa namin alam kung anong dapat naming gawin para makaalis dito.
.
.
HAILEY'S P.O.V
Inabot na kami ng umaga dito sa gubat, naligaw na yata kami.
.
.
ANGELA'S P.O.V
Nandito ako ngayon sa ibang kwarto, umalis ako kagabi kung saan nandoon si Darius.
.
.
NAOMI'S P.O.V
Nandito na nga ako sa may daanan ng sasakyan, inabot na ako ng dilim dito pero ni isang sasakyan walang dumadaan.
Pero didiretso lang ako hanggang makahingi ng tulong.
Delikado kung babalikan ko pa sila para hanapin, kung makakahanap ako ng tulong mas maililigtas pa sila.
.
.
JERALENE'S P.O.V
Patuloy lang kami sa pag lalakad sa gubat hanggang sa makadating kami dito sa may bahay bahay. Madaming mga bahay pero mukhang wala ng nakatira.
Puro mga lumang bahay na lahat ang nandito at mga inabandona na.
"Naligaw na yata tayo." Sabi ni Aiden.
"May tatlong tao doon." Turo naman ni Red.
Biglang pumasok 'yung isang lalaki doon sa loob at may kasama na s'yang babae. Dahan dahan silang lumapit sa amin hanggang sa namukaan na namin sila, si Dylan 'yung babae, tapos 'yung dalawang lalaki 'yung nakalaban namin doon sa bahay.
"Pakawalan n'yo s'ya!" Sigaw ni Aiden.
"Kayo 'yung mga nasa bahay 'di ba? Aba, hindi pa kayo tumakas." Yung lalaki.
"Mag babayad kayo sa ginawa n'yo sa'min." Sabi naman nung isa.
"Pakawalan n'yo s'ya." Sabi pa ni Aiden.
"Sumama na lang kayo sa'min para walang masaktan." Sabi naman nung isang lalaki.
Nakatutok 'yung kutsilyo sa tagiliran ni Dylan at umiiyak s'ya.
Kung nandito si Dylan, nandito din sina Lily at Ruth.
"Nasaan pa yung mga kasama n'ya?" Pagtatanong ko.
"Ah yung dalawang babae ba? Nandoon sa loob, sumama na kayo para walang masaktan." Sabi naman nung lalaki.
"Please, Jeralene, sumama na kayo." Pag mamakaawa ni Dylan at bakas sa mukha n'ya ang takot.
Nagulat na lang kami ng bigla n'yang sinaksak sa tagiliran si Dylan, tinadtad n'ya ito ng saksak hanggang sa tiyan. Bigla namang sumugod si Red at itinulak 'yung lalaki kaya natumba sila pati si Dylan.
YOU ARE READING
Haunted House 2: The Forest (COMPLETED)
HorrorHindi pa natatapos ang lahat, imposibleng maulit yung mga nangyari dati pero posible ding maulit yun. Napag-planuhan nyong mag-bakasyon at sa gitna pa ng kagubatan. Hindi kayo ligtas kahit saan. May papatay sayo o ikaw ang mamamatay. Iaalay ka lang...
