NAOMI'S P.O.V
Nakarinig ako ng sasakyan na padating mula sa likod ko kaya agad akong tumigil at lumingon.
Kumaway ako ng kumaway hanggang sa namukhaan ko 'yung driver nito.
Yung babae, 'yung babaeng nasa ilog 'yung driver nung sasakyan. Hindi pwede, s'ya 'yung babaeng nag utos kay Dwayne na barilin si Kaito at kasama n'ya pa si Dwayne.
Hindi pwede.
Nag simula na ulit akong tumakbo kahit nanghihina na ako.
Pakinig kong bumubusina pa 'yung sasakyan sa likod ko at nag patuloy lang ako sa pag takbo sa gitna ng daan.
.
.
DWAYNE
Sabi ni Pearl pupunta daw kami sa kabilang bahay, dahil may susunduin kami doon pero, biglang may isang babae ang nakatayo doon at kumakaway na ikinagulat ko.
Si Naomi 'yun.
"Hindi ba ayun 'yung tumalon sa ilog?" Tanong ni Pearl.
"Oo." Sagot ko.
Nag simula namang tumakbo si Naomi.
"Nag pakita pa talaga s'ya ah." Si Pearl at malakas na binusinahan si Naomi.
"Babanggain mo ba s'ya?" Tanong ko.
"S'yempre ano pa bang dapat gawin." Si Pearl at mas binilisan 'yung pag papaandar sa sasakyan.
.
.
NAOMI'S P.O.V
Naiiyak na ako, malapit na sila sa akin, naririndi na ako sa busina.
Agad akong lumingon at nakita kong nag iba ang direksyon ng sasakyan at malakas na bumangga 'yun sa may puno na ikinagulat ko, napatigil naman ako sa pag takbo.
.
.
DWAYNE'S P.O.V
Malapit na kami kay Naomi kaya nakiagaw ako sa manibela kay Pearl at pilit inililiko 'yun papunta sa ibang direksyon.
"Anong ginagawa mo?!" Gulat na tanong ni Pearl.
Hindi ko s'ya pinakinggan hanggang sa bumangga kami ng malakas sa puno.
.
.
NAOMI'S P.O.V
Si Dwayne tinulungan n'ya ako, nakita kong iniliko n'ya 'yung manibela.
Teka, sunog ba :yun, bakit may usok doon, anong nangyayari.
"Naomi!" Sigaw ng pamilyar na boses kaya agad kong nilingon 'yun si Ruth, kasama n'ya sina Jeralene, Aiden at Red.
Agad naman silang tumakbo papunta sa akin.
"Ayos ka lang ba? anong nangyari sayo?" Pagtatanong ni Jeralene.
"Oo, ayos lang ako." Kinuwento ko naman sa kanila lahat ng nangyari simula doon sa may ilog.
Nag kwento din sila tungkol sa nangyari sa kanila pati 'yung kay na Dylan at Lily.
Maya maya pa isang kotse ang kasalubong namin kaya humarang kami sa gitna nito at tumigil naman 'yung sasakyan.
May bumabang lalaki at babae, mag asawa yata sila.
"Jusko mga bata, anong nangyari sa inyo? Ayos lang ba kayo?" Pagtatanong nung babae.
"Tulungan n'yo po kami." Naiiyak na sabi ni Ruth.
"Tumawag po kayo ng pulis." Sabi pa ni Aiden.
"Anong nangyari sa inyo?" Tanong naman nung lalaking kasama n'ya sa sasakyan.
"Hindi po kasi kapanipaniwala 'yung nangyari sa amin." Sabi naman ni Red.
Tumawag na nga sila ng pulis at ambulansya.
.
.
ERI'S P.O.V
Kita nga namin mula rito na nag labasan na sina Hailey at kasama na nila 'yung iba, may mga tao ring hindi pamilyar ang mukha sa'min at nakita din si Angela.
Agad naman kaming lumapit sa kanila at 'yung iba sa kanila sugatan.
Nakita na din namin sina Kai at Yuna, pati si Darius kasama nila, hindi nga s'ya nakauwi kaya hindi s'ya makapag message sa'min.
Sina Jeralene lang 'yung wala dito.
Bigla naman kaming nakarinig ng huni ng ambulansya at pulis, pati ng bumbero na papunta dito.
.
.
HAILEY'S P.O.V
Inabot na kami ng umaga dito dahil sa pag hahanap ng mga bumbero sa ibang katawan at nag imbestiga din ang mga pulis sa nangyari.
Isa isa kaming nag kwento sa kanila lahat ng mga nalaman at nangyari sa'min.
Nag hintay nga kami ng umaga dahil sabi nung matanda na maglalaho sila pag sikat ng araw at ito na nga, walang nangyari, hindi sila nag laho.
Kalokohan lang ang lahat dahil mga baliw sila, sinusunog nila 'yung mga taong walang kalaban laban dahil sa mga paniniwala nila. Marami na silang nabiktima dahil sa mga kabaliwan nila.
Kaya tuluyan na silang hinuli nung mga pulis.
Sinabi rin nung pulis na nauna nang na i-rescue sina Jeralene, Naomi, Ruth, Red at Aiden.
Si Bryson at Cohen wala na, ganun din si Dylan, nakita s'ya na tadtad ng saksak. Si Dwayne namatay din kasama nung Pearl dahil nabunggo sila sa puno.
Paalis na nga kami sa lugar na 'to at mag babayad sila sa ginawa nila.
Si Yuna nakasama n'ya 'yung pamilya n'ya at nagulat din s'ya sa nangyari dahil hindi naman pala totoo 'yung mangyayari sa kanila pag hindi sila nag alay ng tao sa demonyo.
Nabilog nung mga baliw na 'yun ang isipan nila kaya nagawa n'yang tulungan 'yung mga 'yun.
Dinala nga nila kami lahat ngayon sa hospital at dito kami nag kita kita nina Jeralene.
.
.
JERALENE'S P.O.V
"I'm Sorry." Si Kai at agad lumapit sa akin para yakapin ako.
"May sugat ka sa kamay, kailangan gamutin 'yan." Sabi ko.
"Ayos lang ako, sorry sa ginawa ko." Sabi pa ni Kai.
"Naiintindihan kita, huwag ka ng mag sorry."
Nag kaayos na nga kami ni Kai, at sinabi n'ya na rin kung anong nangyari kay Yuna.
Ginagamot na 'yung iba sa amin, buti nailigtas kami at salamat doon sa tumulong sa amin na iniinterview ng mga reporter ngayon.
.
.
LILY'S P.O.V
Nasa hospital ako ngayon, ibang hospital, hindi man lang nila ako tinulungan.
Iniwan nila ako dahil akala nila patay na ako, pero hindi.
Nag kakamali sila.
~END~
YOU ARE READING
Haunted House 2: The Forest (COMPLETED)
TerrorHindi pa natatapos ang lahat, imposibleng maulit yung mga nangyari dati pero posible ding maulit yun. Napag-planuhan nyong mag-bakasyon at sa gitna pa ng kagubatan. Hindi kayo ligtas kahit saan. May papatay sayo o ikaw ang mamamatay. Iaalay ka lang...
