CHAPTER 13 - PAGTUTUOS

1.5K 15 2
                                        

AIDEN'S P.O.V

Biglang namatay 'yung tawag, kaya agad tumawag si Jeralene kay na Hailey, pero wala namang signal doon sina Hailey.

"Kailangan n'yo ng umalis dito, iaalay nila kayo sa demonyo bukas at hating gabi 'yun magaganap." Sabi ni Yuna kaya napakunot ako ng noo.

"Ibig sabihin totoo 'yung sinasabi ni Angela, 'yung kinuha 'yung mga kaibigan n'ya, tapos ngayon tayo naman 'yung balak nilang kunin." Sabi ko.

"Kailangan nating bumalik doon at pigilan ang masama nilang balak." Si Jeralene.

"Pero madaming mapapahamak sa inyo." Sabi naman ni Yuna.

"Kung sana sinabi mong mangyayari 'to, walang mapapahamak!" Sigaw ni Jeralene kay Yuna na ikinatahimik n'ya.

"Kumalma ka, Jeralene." Si Kai.

"Kumalma?! Anong kumalma? Halos mamatay kami ni Aiden dito dahil sa Yuna na 'yan, kakalma pa, ngayon lahat tayo nasa panganib na, sina Hailey nasa panganib doon, nag hiwa-hiwalay pa sila!" Galit na sigaw ni Jeralene.

"Isa ka pa e, bakit ba hindi n'yo sila sinama dito, bakit sinabi mong mag hintay a sila doon?! Jusko naman!" Sigaw pa n'ya kay Kai at kitang kita 'yung panginginig sa mga kamay ni Jeralene.

Hahawakan na s'ya ni Kai pero agad lumayo si Jeralene at lumapit s'ya samin ni Red.

"Huwag mo akong hawakan, akala ko magiging maayos na, may mas malaking gulo palang mangyayari!" Sabi pa ni Jeralene.

"Sige, kasalanan ko na, sa tingin mo ba gusto ko tong nangyayari?" Tanong naman ni Kai.

"Bakit? Ako ba 'yung may kasalanan? Ako ba? 'di ba hindi? Bakit sa'kin mo tinatanong 'yan? Itanong mo d'yan kay Yuna kung bakit nangyayari lahat ng 'to, gagawin pa kaming pain para iaalay sa mga demonyo demonyo na 'yan!" Galit na sabi ni Jeralene.

"Kasabwat kasi 'yang si Yuna nung Pearl na 'yun, lahat tayo pinahamak n'yan! Niloloko lang tayo n'yan at tama nga 'yung sinabi ni Darius, nasaan na ngayon si Darius, wala 'di ba? Hindi pa yun nakakauwi dahil sigurado akong kinuha na din 'yun nung mga lalaki!" Pagpapatuloy pa ni Jeralene kaya natahimik kaming lahat.

"Yuna, pumunta tayo doon sa sinasabing bahay doon sa may short cut, sigurado akong doon nila dadalhin 'yung iba, gagawa tayo ng paraan." Sabi naman ni Kai.

Tumango naman si Yuna at umalis na nga sila. Nag simula namang humagulgol ng iyak si Jeralene.

"Huwag ka ng umiyak, alam ko hindi pa huli ang lahat, gagawa din tayo ng paraan, pero sa ngayon, kailangan muna nating mahanap sina Lily." Sabi ko.

"Si-sige." Si Jeralene at pinunasan ang luha n'ya.

.
.
.

YUNA'S P.O.V

Sobra na 'tong nangyayari, matatapos din ang lahat at kasama ako doon. Pero hindi ko muna iisipin 'yun. Kailangan namin silang mapigilan.

"Sorry pinahamak ko pa kayong lahat." Sabi ko kay Kai.

"May kasalanan din ako."

"Ano ng plano mo sa girlfriend mo?" Tanong ko.

"Aisshh, galit lang 'yun at walang mangyayari kung mag aaway lang kami, magiging okay din kami at sa ngayon kailangan muna nating mag plano, magiging okay lang naman si Jeralene doon, kasama naman n'ya sina Aiden at Red." Sagot naman n'ya.

"Paano tayo makakapunta doon sa may short cut? May malapit ba tayong pwedeng daanan?" Pag iiba ng usapan ni Kai.

"Oo may alam akong daan." Sagot ko.

Haunted House 2: The Forest (COMPLETED)Where stories live. Discover now