CHAPTER 2 - PAGHAHANAP

4.4K 55 2
                                        

HAILEY'S P.O.V

Gabi na at nandito na kami sa bahay, kumakain na nga kami kasama si Jennie, dito na din matutulog si Kaizer, kinuha na rin n'ya 'yung mga gamit sa kanila.

"Excited na'ko bukas." Tuwang sabi ni Jennie.

"Agahan n'yo 'yung gising, dahil malayo pa yung byahe natin." Sabi naman ni Kaizer.

"Kayong tatlo ay mag-iingat ha, 'wag kung saan punta nang punta, ito Hailey o, rosaryo. Para gabayan kayo ng diyos kung saan man kayo magpunta at hindi kayo mapahamak." Sabi ni Mama at inabot sa'kin 'yung rosaryo at kinuha ko naman 'yun sa kan'ya.

"Mag iingat kayong lahat bukas, Kaizer ayusin ang pagdadrive." Dugtong pa n'ya.

"Opo, Tita." Ngiting sabi naman ni Kaizer.

Tumaas na ulit si Mama at kami namang tatlo nagpatuloy lang sa pagkain.

.
.
.

JERALENE'S P.O.V

"Tapos ka na ba d'yan? Maaga pa tayo bukas." Tanong ni Kai.

"Patapos na din 'to, matulog ka na." Sagot ko naman.

"Sabay na tayo." Si Kai.

"Sayang hindi pwedeng isama si John Fred." Dugtong pa n'ya.

"Oo nga e, tapos na ko dito, matulog na tayo." Ako.

"Tara na sa kwarto." Pagyaya ni Kai.

"Tulog na ba sila?" Tanong ko.

"Oo, I love you baby." Ngiting sabi ni Kai.

"I love you more baby." Sambit ko.

Agad naman akong hinalikan ni Kai.

"Ang sweet mo a." Asar ko.

"S'yempre, lagi na lang kasi akong busy, 'di na 'ko nakakabawi sa'yo." Sabi naman n'ya.

"Okay lang 'yun, I love you." Ako at niyakap pa s'ya.

"I love you so much, Jeralene"

Pumunta na nga kami sa kwarto at natulog.

.
.
.

ANGELA'S P.O.V

Inabot na nga kami ng gabi dito at nakipagpalit ako ng pwesto kay Calvin dahil ayaw ko na dito pumwesto sa may bintana.

Nakakatakot.

"Guyss?!" Si Lester at natataranta na

"Bakit?" Tanong naman ni Jhiciel.

"Anong nangyari?" Tanong din ni Harvey.

"Ayaw gumana nung preno!" Sigaw ni Lester na ikinagulat namin.

"Ano?!" Sabay sabay naming sigaw.

"Kumapit kayo!" Sigaw pa ni Lester.

Hanggang sa tuluyan na ngang bumangga 'yung sinasakyan naming van sa isang puno. Nawala din 'yung ilaw nito kaya dumilim.

Kinober ko agad yung ulo ko bago kami bumangga kaya hindi ako masyadong nasaktan.

"Ayos ka lang ba?" Agad na tanong sa'kin ni Calvin.

"Oo, ikaw?" Tanong ko rin.

"Okay lang din." Sagot naman n'ya.

"Yung iba? Okay lang ba sila? Natatakot ako." Sambit ko.

"Huwag kang maingay, may tao sa labas." Sabi ni Calvin na ikinagulat ko, kinabahan ako ng sobra.

Gusto ko ng umiyak dahil sa sobrang takot, nanginginig na yung mga kamay ko.

Haunted House 2: The Forest (COMPLETED)Where stories live. Discover now