CHAPTER 3 - ITIM NA BABAE

3.1K 37 0
                                        

ANGELA'S P.O.V

Nandito na kami ni Calvin sa may tapat ng mataas na gate.

Naka padlock 'yun kaya hindi ko alam kung paano kami makakapasok. Aakyat na lang siguro, pero hindi parin nawawala yung kaba sa dibdib ko.

"Aakyat tayo, ako na mauuna." Agad na sabi ni Calvin.

"Paano pag dumating yung lalaki?" Kinakabahang tanong ko.

"Kakaalis pa lang n'ya, 'wag kang kabahan, parang hindi tayo umaakyat sa bakod a, parang magnanakaw lang tayo." Sabi naman ni Calvin.

"Pero iba to eh- Sabi ko pa.

"Makinig ka Angela, parang kagaya lang to ng ginagawa natin nina Lester, mag nanakaw tayo, aakyat sa bakod, lalaban at makikipag bugbugan kung kina-kailangan." Si Calvin.

Oo ganon yung ginagawa namin. Nag aakyat kami sa mga bakod at nag nanakaw, sanay din kami makipag away.

Sanay kami sa takbuhan pag hinabol kami ng mga pulis. Pero 'yun parang wala lang, pero pagdating dito kinakabahan ako ng sobra. Hindi naman kami pumapatay, nananakot lang.

Pero parang binabalik ng lahat ng 'yun sa'min, lalo na kagabi. Sa ngayon kailangan muna naming mailigtas sila at makaalis kaming lahat dito.

Nagsimula na ngang umakyat si Calvin at paakyat na sana ako ng biglang may babae ang agad na lumapit sa'kin.

"Sino ka? Sino kayo?!" Matataas na boses na tanong n'ya kaya lalo akong kinabahan. Hindi naman s'ya matanda at sa tingin ko ka edad lang din namin siya.

"Nasaan yung mga kaibigan namin?" Lakas loob kong tanong.

"Ahmh, kayo pala yung nakatakas, pwes ngayon hindi na kayo makakatakas!" Sabi n'ya at nag labas ng kutsilyo na ikinagulat ko. Hindi pa ako nakakaranas ng ganito maliban kay na Calvin.

Hanggang pananakot lang ako at pangtututok ng pamalo, pero iba na 'to.

"Angela tumakbo ka na!" Rinig ko pang sigaw ni Calvin, pero nabato lang ako sa kinatatayuan ko.

Sinusubukan namang tumaas ni Calvin pabalik pero hindi ko na alam.

Bigla ko na lang hinawakan yung kamay nung babae at pilit na inaagaw 'yung kutsilyo sa kan'ya. Pinipigilan naman n'ya akong gawin 'yun kaya agad ko s'yang tinulak dahilan para matumba s'ya.

Tuluyan na ngang nakaakyat si Calvin at agad s'yang lumapit sa akin. Sakto namang nand'yan na din yung lalaking kumuha kay na Lester kagabi na ikinagulat namin.

"Angela tumakbo ka na, humingi ka ng tulong at bumalik ka dito." Mahinang sabi sa'kin ni Calvin kaya mabilis akong tumakbo papalayo sa kanila.

Hindi ko na alam kung anong nangyari sa kanila basta tumakbo na lang ako ng mabilis.

.
.
.

CALVIN'S P.O.V

Tuluyan nang nakalayo si Angela at nagulat na lang ako ng may pinaamoy na kung ano 'yung lalaki sa'kin ng hindi ko namalayang at tuluyan na akong nawalan ng malay.

.
.
.

HAILEY'S P.O.V

Hapon na at nakarating na kami dito, nakatayo kaming lahat sa harap ng bahay nila, ang laki pala ng bahay ng Lola nina Kai. Baka bukas siguro kami pumunta doon sa may ilog na sinasabi ni Kaizer, pahinga muna kami sa ngayon.

"Magandang hapon po Lola." Si Kai at nagmano, kaya isa isa din kaming nagmano sa kan'ya.

Kakaunti lang ang bahay dito at malayo ito sa labasan kung nasaan ang palengke na tinatawag nilang bayan.

Haunted House 2: The Forest (COMPLETED)Where stories live. Discover now