CHAPTER 11 - PAGLILIGTAS

1.6K 17 0
                                        

AIDEN'S P.O.V

"Bi-tawan mo a-ako." Hirap na hirap kong sabi sa lalaking sumasakal sa'kin pero tuloy parin s'ya at hindi ako binibitawan.

Naluluha na ako sa sakit, nakadag-an pa s'ya sa ibabaw ko.

.
.

JERALENE'S P.O.V

Nakadapa ako sa sahig ngayon, rinig ko 'yung pag mumura nung lalaki sa taas, ano na kayang nangyari kay Aiden.

"Gusto mo na din bang mamatay? Huwag ka lang manlaban para di ka masaktan, baka magaya ka sa kaibigan mo sa taas." Pananakot sa'kin ng lalaking 'to.

"Sino ba kayo? Anong kailangan n'yo sa'min?" Kunot noo kong tanong.

"Iaalay namin kayo sa demonyo, huwag kang malikot dahil huhubaran na kita." Masaya n'yang sabi na ikinagulat ko.

Ibig sabihin.

Hindi.

Hindi pwede.

.
.
.

HAILEY'S P.O.V

"Kailangan na nating bumalik doon." Natatakot na sabi ni Akisha.

Kanina pa nakaalis sina Kai at Red, dito lang daw kaming lahat, pero hindi ko maintindihan bakit kami pinapaalis dito ni Yuna, mapapahamak daw kami.

Kailangan lang namin mag handa dahil baka maya maya may mangyaring masama. Kumusta na kaya sina Jeralene.

"Hindi pwede, sabi nina Kai dito lang tayo 'di ba." Sabi ni Cohen.

"Pero sabi ni Yuna, mapapahamak daw tayo dito, baka kung anong mangyari sa'tin." Kunot noong sabi ni Lily.

"Oo, mas alam ni Yuna 'tong lugar." Sabi naman ni Dylan.

"Di n'yo ba napapansin parang niloloko na tayo nung Yuna na 'yun? Kung mas alam n'ya 'tong lugar na 'to, sana kanina n'ya pa tayo tinulungang hanapin sina Bryson at Owen." Sabi ni Cohen.

"Ito na naman tayo." Si Naomi.

"Teka nga, kumalma muna kayo." Awat ni Kaizer.

"Kumalma? Mapapahamak na tayong lahat kakalma pa?" Sabi naman ni Lily.

"Huwag ka ng makisali sa kanila." Pigil ko naman kay Kaizer.

"Kampihan na? Pag boyfriend kakampihan agad?" Inis na tanong ni Lily.

"Wala akong kinakampihan, pinapatigil ko lang s'ya." Kunot noo kong sabi.

"Wow, basta hindi kayo masali sa gulo?" Tanong pa n'ya.

"Alam mo lalo mo lang pinapalaki 'tong gulo." Inis na sabi ko.

"Bumalik na lang tayong lahat." Singit naman ni Akisha sa usapan namin.

"Ganto na lang para walang gulo, umalis dito 'yung gustong umalis at mag paiwan 'yung gustong mag paiwan, mag papaiwan ako dahil sinabi ni Kai na dito lang tayo at huwag aalis." Sabi naman ni Naomi.

Natahimik ang lahat at walang kumilos ng biglang nag salita si Lily.

"Bakit ang tatahimik n'yo? Sige, mag kampihan kayong lahat, kanina kayo Dylan at Akisha gusto ng umalis dito 'di ba, tapos ngayon hindi kayo kumikilos, ano na? Sige, bahala kayo d'yan, mag sama sama kayo." Inis na sabi ni Lily at nag lakad palayo.

Nakakainis 'yung babaeng 'yun.

"Hahayaan na lang ba natin s'ya?" Pagtatanong ni Dylan.

"Ang kulit e, bahala s'ya, masyadong attention seeker, napaka taray pa." Inis na sabi ni Jennie.

Haunted House 2: The Forest (COMPLETED)Where stories live. Discover now