CHAPTER 6

1.2K 22 1
                                    

RED

Nandito na nga kami sa kabilang bahay nung lola ni Kai. Mamaya pa kami pupuntang palengke, ang lakas pa ng ulan eh. Baka gabihin nadin kami ng uwi kasi hihintayin pa namin  yung makakasama nung lola ni Kai dito. Mga pinsan nya yata yun saka tito. Di ko alam, basta yun yung napakinggan ko eh.

Malakas yung signal dito pero hindi ko pa rin ma-cha-chat si Aiden. Kasi mahina yung signal nya, hindi pa din sya makaka-reply.

Na-boboring na ako.

Pero yung naka-chat ni Kai na Yuna, buti may signal yun. Nakapunta na naman siguro yun doon kay na Aiden.

Maganda din yung bahay dito, pero mas malaki yung doon. 

CALVIN

Sobrang lakas ng ulan, nandito ako sa loob ng isang kwarto. Nakatali ang mga paa at kamay ko. Nakapiring din ako at may masking tape yung bunganga ko. Naramdaman kong may pumasok at naramdaman ko yung papalapit sa akin. Agad syang lumapit at sinimulang tanggalin yung piring ko at masking tape. Babae say, may dala syang pagkain.

"Papakainin kita kay-" Hindi nya natuloy ng nag salita ako.

"Papakainin mo pa ako eh, papatayin nyo din naman ako diba? Bakit hindi nyo na lang gawin yun." Ako.

"Sorry, pero hindi pa ngayon yung araw eh, yung mga kaibigan mo nandoon sa basement, wag kang mag-alala dahil lahat kayo mamatay, iaalay namin kayo sa demonyo. Susunugin namin kayo ng buhay, wag lang kayo manlaban para hindi kayo masaktan, pero kung manlaban kayo, bago namin kayo sunugin patay na kayo, mas okay din yun." Sya habang nakangisi.

"Ahh sa Biyernes pa naman yun mangyayari, bago mag alas dose ng hating gabi dapat nai-alay na namin kayo, sampu lang naman yung kailangan namin, anim na kayo apat na lang, pero mas maganda kung madami, nawala na ako sa mood pakainin ka, kainin mo na lang yan kung kaya mo, ako pala si Rebecca." Sya at lumabas ng natawa.

May pag-kakataon pa kaming tumakas kung sa biyernes pa yun, martes palang ngayon. Nasa basement lang naman sina Lester pero, sabi nya anim daw kaming nandito. Ako, si Lester, Jhiciel, Cleo, Harvey. Sino yung isa. Shit.

Mahihirapan din kaming lumabas dito, dahil bago nila ako kinulong dito nakita ko sila. Madami sila. Yung dalawang matandang lalaki, yung isang matandang babae, yung tatlong babae, si Rebecca na yung isa doon. Tapos may dalawa pang lalaki. Hindi ko alam kung may iba pa silang kasamahan.

Pero bago pa nila ako ipasok dito, narinig ko yung pangalan nung isa pang babae.

Si Pearl.

Tapos ngayon yung Rebecca. Kailangan ko ng gumawa ng plano.

HAILEY

Tanghali na pero napaka-boring padin, wala kaming magawa. Ang lakas pa din ng ulan. Kumain na din kami.

Maya maya pa may kumatok at pinag-buksan yun ni Jeralene, si Yuna at may dala syang ulam.

"Kamusta kayo? May dala akong ulam." Si Yuna.

"Kumain na kami eh, pero salamat." Si Jeralene.

"Nahuli pala ako hehe." Si Yuna.

"Kakain ulit ako." Si Ruth.

"Mukhang masarap nga yan." Si Darius.

So ayun, kumain ulit yung iba, ako hindi na busog na kasi ako sa kinain ko.

"Kwento ka ulit about doon sa mga babaeng sinusunog dito." Si Naomi.

"Yun nga, sinusunog sila dito, Kasi ia-alay daw sila sa demonyo, tuwing biyernes ng gabi, bilog dapat yung buwan, sampung katao yung iaalay nila. Bago mag alas dose ng gabi dapat nai-alay na nila at nasunog na yung mga alay, dahil kung hindi, sila ang masusunog pag sapit ng alas dose ng gabi. Nakipag-kasundo sila eh, kung wala silang mai-aalay yung sarili na mismo nila ang masusunog ng kusa." Si Yuna.

"Sabi na totoo yung mga nababasa ko eh." Si Naomi.

"Halimbawa kung, pito lang yung nai-alay nila pano yun?" Si Jennie.

"Dapat sampu kasi wala ding mangyayari, masusunog lang din sila, dapat sampu o higit pa yung i-aalay nila." Si Yuna.

Napatango naman si Jennie.

"Meron ding yung mga naka-bigting mga patay sa puno sa gitna ng kagubatan." Si Naomi.

"Sabi ng lola ko totoo daw yon, may na-ikwento na din syang ganon eh." Si Yuna.

"Teka, meron pa bang gumagawa nung mga, iaalay yung mga tao tas susunugin nila?" Si Aiden.

"Hindi ko lang alam, siguro naubos na sila, dahil sa wala silang mai-alay, nasunog na sila at namatay, at saka matagal na yun, wala na naman sigurong gumagawa noon." Si Yuna.

Madami pa silang pinag-ke-kwentuhan hanggang sa pauwi na ulit si Yuna.

"Ah mamayang alas tres dadalhan ko kayo ng meryenda." Si Yuna.

"Libre ba yan?" Si Ruth.

"Oo, minsan lang kayo dito eh." Si Yuna.

Tapos ayun nag-paalam na siya at umalis na.

Ang tagal nina Kai anong oras kaya sila makaka-uwi.

TO BE CONTINUE.

Haunted House 2: The Forest (COMPLETED)Where stories live. Discover now