Cuatro

63 5 16
                                        

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


‘Di mo na mababawi'ng iniwang
sakit sa mga salitang binitiwan mo. Hindi ba‘t ikaw na rin ang nagpasya, nagtakda, at siyang unang umiwas? Bakit nga ba ako ‘yong pinaasa?

–‘Di na mababawi
(SpongeCola)


IVAN

“For the whole seven years I never thought that I was a big distraction.”


Muli kong nilagok ang natitirang alak sa pangatlong bote na hawak ko. Kanina ko pa kinakakausap ang aking sarili tungkol sa nangyari sa amin ni Savanah. Seryoso, napagod siya sa akin? Hindi man lang niya tinanong kung napagod din ba ako? Tss.


Oo, nawalan din ako ng time sa kaniya dahil nga naging busy rin ako sa pinapatayo kong negosyo, pero bumawi ako! Ilang beses ko siyang sinuyo, hinatid-sundo, tinulungan sa mga subject na hindi niya maintindihan, tapos sa huli isa pala akong distraction?


Hindi ba sa kaniya uso ang salitang cool-off? Kung mukha akong distraction sa kaniya, puwede naman siya makipag-split ng panandalian lang ha? Edi pag natapos na niya ang pag-aaral niya, edi welcome siyang bumalik sa akin. Just simple as that!


As in break up! Relationship end ang hiningi niya. Parang napakadali lang sa kaniya talikuran ang lalaking seven years niya rin minahal, tss.


Sa loob ng seven years hindi ko pinlano o inisip man lang na makipag hiwalay sa kaniya dahil sa pagod na parehas naming nararamdaman. Sa totoo lang marami akong bagay na tinalikuran at pinagpalit para lang sa kaniya. Para lang sa 'yo Savanah!


Twenty-seven na ako, and in my current age I badly need to be matured! Sa pitong taon namin, nakaramdam ako ng pagod pero never ko siyang sinukuan, kasi simula't sapul nang maging kami, hindi ko siya tinignan as just a simple girlfriend, isang jowa-- tinignan ko siya as MY FUTURE WIFE that will complete my being.

Pero mukhang sa aming dalawa... Ako lang ang nag-seryoso.


“Good afternoon, Sr,” rinig kong bati ng isang staff sa bagong pasok na customer.


Pinanood ko sa gilid ng mata ko ang lalaking naglakad at pumuwesto sa tabi‘ng bintana. Agad naman siyang inasikaso ng isang staff at gaya ko... Pansin ko rin na sawi siya.

Nakakatawa lang. Bukod sa bar, ano pa ba puwede puntahan ng mga sawi?


Binuksan ko ang panibagong alak na nasa mesa at ‘di nagdalawang isip na tunggain ito. Pang-apat ko na ‘to, malakas na ba tama ko? Akala ko ba pag nagpaka-lasing ako makakalimutan ko siya? Mas lalo ko lang ata siyang dinamdam.


The Art Of RealizationMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon