SAVANAH
New home
“You have no rights to hurt my wife!” awtomatikong napalingon sa amin ang mga tao rito sa loob ng resto nang napa-lakas ang bulyaw ni Ivan sa papa niya. Tila ba tumabingi ang mukha ko nang maramdaman ko ang mabigat na palad ang humampas sa kaliwa kong pisngi. Nakita ko ang pinaghalong gulat at galit na reaksyon ni Ivan sa pangyayari. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Para bang binuhusan ako ng yelo sa panginginig, isama pa ang pagka-manhid ng kalahati kong mukha. “Savanah,” he called my name with full of worries on his face. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nahihiya ako! Nahihiya ako dahil marami na ang mga tao’ng naka-masid sa amin.
Seems like Ivan doesn’t even have a care from all the people that surrounds us. Kasunod ng paglapit niya sa akin ay naramdaman ko na lang ang nag-iinit niyang mga palad na humawak sa aking pisngi, kung saan ako sinampal. May mga sinasabi siya sa akin pero hindi ko maintindihan dahil sariwa pa rin sa isipan ko ang pagsampal sa akin ng ama niya. “Savanah, look... Look at me.” Kahit gusto ko siyang sundin, hindi ko magawa at nanatiling nasa mesa pa rin ang mga mata ko. Malamang dahil sa trauma.
“Ivan! Hindi ganyang babae ang pangarap ko sa ’yo. Nagawa ka na niyang iwan noon and don’t expect that she will never do that again!” singhal ng papa niya na si tito Jeff, hanggang ngayo’y matalim pa rin ang titig sa akin. Yes, I know the fault I have done. But I sincerely regretted it. The realization hits me, that’s why I’m with his son right now. Nag-aalalang lumapit sa akin ang step-mom ni Ivan kasunod ang paghagod niya sa aking likod para lang damayan at pakalmahin ako. “Pa, ang nangyari ay nangyari. And I will never let that past repeats itself!”
“Don’t mind him. Still hurt?” tanong ni tita Marthea, na pang-ilang beses nang hinipo ang pisngi ko. Kahit anong pagpumilit ko, wala ni isang salita ang kumakawala sa bibig ko. Tanging pagluha na lang ang naibigay ko, sapat na para malaman ang sagot sa tanong niya. Mahabang pagtatalo pa ang naging banatan nilang mag-ama hanggang sa may isang lalaki ang lumapit sa puwesto namin para maglakas loob na umawat. “Savanah... You’re pregnant!” Huli ko na namalayan na nasa tiyan ko na pala ang kamay ni tita Marthea, habang hinihimas ito. Sa paraang iyon kaya niya nalaman na nagdadalang tao ako.
“Yes ma’am... 2 months,” nanginginig na sagot ko. Hindi rin naman naka-ligtas sa pandinig ni tito Jeff ang sagot ko kaya ganoon na lang ang gulat niyang reaksyon. Bumaba ang titig niya nang dahan-dahan pababa sa aking tiyan para siguraduhin na totoo ang sinabi ko. “Savanah, aalis tayo!” binitbit nang mabilisan ni Ivan ang mga gamit namin kasunod ng paghatak niya sa kamay ko para layasan ang restaurant na ito.
“Nabigla lang naman siguro ang papa mo kaya ganoon na lang kung pakitunguan niya ’ko.” naka-sakay kami ngayon sa train papunta sa tinutuluyang bahay ni Ivan. As far as I know, that house was already owned by Ivan. Galing mismo sa bulsa niya ang pera’ng pinanggastos niya para sa bahay na iyon. “Kahit na. Wala pa rin siyang karapatan na saktan ka ng gano’n,” wika niya sa nag-aalborotong boses. I embrace him while holding his right hand. “Hayaan mo na. As your father, that’s how he protects you,” wika ko at isinandal ang noo ko sa leeg niya.
Maya-maya pa’y huminto na ang sa eksaktong lugar na titigilan namin. Dahil nga buntis ako, ayaw ni Ivan na pagbuhatin ako mg mabibigat kaya nagpasiya siya na buhatin na lang mismo mag-isa ang mga bagahe namin. Hindi naman gaanong nalalayo ang bahay niya kaya mula sa nilalakaran namin ay talagang tanaw na mula rito ang kulay puti at asul na bahay. “Ikaw lang talaga mismo nakatira mag-isa diyan?” paninigurado ko matapos ituro ang bahay. “Oo naman. Pero ngayon...” sambit niya’t binigyan ako ng nakalolokong ngiti. “Dalawa na tayo.” Napa-abante ako nang bigla niya akong sundutin sa tagiliran nang sambitin iyon.
“Tumigil ka nga! Isa!” banta ko na agad din naman niyang sinunod. Nagbatuhan pa muna kami ng nakalolokong ngiti bago muling lumakad. “Hon, pakuha naman ng susi sa bulsa,” utos niya nang saktong matigil na kami sa mismong gate. Dahil nga punuan ang dala niya, mas minabuti kong ako na lang ang tuluyang magbukas ng gate. “Welcome to my home!” sigaw ni Ivan, nang makapasok na kami za loob.
Maluwag at maaliwalas ang loob nito at kaunti lamang ang naka-balandrang mga gamit. Naglibot-liibot pa ako sa kabuuan nitong bahay habang si Ivan naman ay busy sa pag-aayos ng mga dalang gamit namin. Naagaw ang atensyon ko ang mga litrato na naka-patong sa ibabaw ng isang mahabang mesa. Tinignan ko ito isa-isa. The biggest frame was their family picture. You can see on that picture how cute Ivan is on his childhood. Ang iba naman ay graduation pic. ni Ivan, at mga litrato kasama si Drei.
I came into curiosity when I saw the last picture frame. It was Ivan and one unfamiliar girl. Base on what I see, they’re both happy on that pic. Hindi ko alam kung mag kamag-anak ba sila or what... pero bakit parang bigla akong nakaramdam ng tampo?
Bigla akong napatalon sa gulat nang marinig ko ang sunod-sunod na tunog ng doorbell. May bisita ba? Saan na naman ba nagpunta itong si Ivan. Patuloy pa rin ang tuloy-tuloy na tunog ng doorbell hanggang sa makalapit ako sa gate. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang isang babae. Teka-- parang siya ’yung babae’ng nasa litrato kanina. “Is Ivan, already there?” naka-ngiti niyang tanong.
“Astrid?”
“Ivan, you’re here! Na-miss kita.” Nanlaki ang mga mata ko kung paano yakapin ng babae ang asawa ko. Matalim at nagtataka akong tumingin kay Ivan, para klaruhin ang mga nangyayari ngayon.
BINABASA MO ANG
The Art Of Realization
Conto𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱 ✓ A woman who fell out of love, and a Man who chose to let her go for a better, eventually made a wonderful art of realization. Sa pag-ikot ng mundo, dalawang tao ang napaglaruan ng tadhana. __________________________ 𝐒𝐇𝐎𝐑𝐓 �...
