Diez

43 3 3
                                        

Sa hindi inaasahang pagtatagpo ng mga mundo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa hindi inaasahang pagtatagpo ng mga mundo. may minsan lang na nagdugtong, damang-dama na ang ugong nito~

-Tadhana (Up Dharma Down)


SAVANAH

We're now here in the town of Kirkenes, Norway. Makalipas ang apat na taon, ito pa rin kaming barkada, magka-kasama.


“Gwyneth, naman! Kita mong napaka-lamig ‘di ba?” angal ni Lucy kay Gwy na kanina pa namamato ng snow habang palakad-lakad.

Kau-uwi lang namin galing sa huling lugar na pinasyalan namin, kaya seven thirty na kami nagkayayaang bumalik sa Snowhotel na tinutuluyan namin dito sa Kirkenes.

“Mag-alarm kayo mamaya ha? Kapag talaga hindi natin naabutan ‘yung Aurora borealis mamaya, babalikan ko ex ko,” pagbibiro ni Bea.


‘‘‘Yan ganiyan ka karupok. Kaya talaga ambilis mo maloko,” asar naman ni Leon, sabay bato ng snow na sumakto sa mukha ni Bea.

At iyon ang naging simula ng rambulan nilang lahat. Samantalang ako? Ito, tahimik na naglalakad sa unahan nila. Ibang pakiramdam talaga ang bumalot sa akin nang makatuntong kami rito sa Norway.


Mula kasi nang maka-graduate kami at nakapag-tapos ng OJT, hanggang sa nagkaroon na kami ng kaniya-kaniyang trabaho ay talagang naging busy na kami. There are times na tatlo o dalawang beses na lang kaming magbabarkada magkita sa isang buwan. Well, simula highschool pa lang naman ay magkakaibigan na kami, at ayaw naman naming mawala ang pagsa-samahan namin mag mula pa noon, kaya gumawa kami ng paraan. Gumawa kami ng desisyon na sa loob ng isang taon ay puro travel ang gagawin namin, so every month different country naman ang aming binibisita.


Last month nag-travel kami sa Sweden na halos kalapit lang din nitong bansang Norway, ayon sa kaibigan naming si Lucy, na isang tourist. Nagkataon na November ngayon at napag-pasyahan namin na huwag na lang tumuloy sa next destination namin, which is in Denmark. Kasi December na next month ibig sabihin nalalapit na ang pasko at family ang dapat na kasama namin. Nakalulungkot man na hindi kami matutuloy sa Denmark--ang pinaka-paborito kong bansa, okay lang, atleast natuloy kami rito sa Norway nang safe.



Habang nagtatawanan at nagbabatuhan sila ng snow sa likod, ako naman itong nagmumuni-muni habang nakamasid sa paligid sa kalagitnaan ng paglalakad.

Parang kailan lang hirap na hirap pa ako magkandarapa sa deadline ng mga project, assignment, and school paper... pero ngayon pa-travel-travel na lang.

“Aray!” Taka akong lumingon sa lalaking nambato sa akin ng snow na sumakto sa aking ulo. “Problema mo?” tanong ko habang pinapagpag ang buhok.

The Art Of RealizationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon