You'll always be a part of me, I'm part of you indefinitely. Girl don't you know you can't escape me, ooh darling cause you'll always be my baby~–Always be my baby
(David Cook)IVAN
‘MAHAL ko siya... Kaya ko siya pinoprotektahan.’
‘Mahal ko siya... kaya sinasabi ko sa kaniya ang mga mali niya.’
Muli kong ini-strum ang hawak kong gitara at hinawi ang buhok na humaharang sa aking mga mata.
‘Mahal ko siya... kaya hinahabaan ko ang pasensya ko para sa kaniya.’
Huminga ako ng malalim at nag isip-isip habang ang mga mata'y nanatili pa rin sa pagkaka-pikit.
Pero sa aming dalawa... Bakit parang ako pa ang nagmu-mukhang tanga?"
Paulit-ulit kong iniisip kung bakit hindi kami magkaintindihan. Tumayo na ako mula sa pagkaka-sandal sa sofa at isinantabi nang maayos ang aking gitara sa mesa.
Today's our 7th anniversary, so I will fetch her from her work.
Sa pitong taon namin magkasama, dumadating na sa punto ng relasyon namin ang panlalamig at hindi pagka-unawaan. Minsan may mga bagay na hindi ko naman gusto pero ginagawa ko... kasi iyon ang gusto niya.
Nung una masaya naman, kasi nga nagkakaintindihan kami. Busy man kami sa ibang bagay pero naglalaan kami ng oras para sa aming dalawa lang... Oras sa paglalambingan, oras sa pag kukwentuhan, at oras para mamasyal.
Pero ngayon unti-unti nang nawawala...
Bitbit ang bulaklak at dalawang helmet, nagmadali akong lumabas ng bahay at agad na pinaandar ang motor. Araw namin ito, kahit ano mangyari pupuntahan ko siya.
Hindi ko hahayan na tuluyang manlamig ang relasyon namin.
*
Naka-kalahating oras na ako kahihintay sa entrance ng building na pinapasukan niya habang pinaglalaruan ang isang bouquet ng bulaklak na binili ko para sa kaniya.
“Sr. Ayos lang po ba talaga kayo?”
Matipid na ngiti at tango lang ang isinagot ko sa guwardya na nag tanong. Ayos lang, kaya ko pa naman mag hintay.
Maya't maya pa'y natanaw ko na ang babaeng kanina ko pa hinihintay habang naglalakad palabas ng building. Agad akong tumayo at pinagpag ang pantalon habang hinihintay siyang makalapit sa puwesto ko.
“Happy 7th anniversary, Savanah,” bungad ko sa kaniya sabay ilang segundong halik sa kaniyang labi.
“Happy anniv,” maikli niyang sagot.
Iniabot ko ang hawak kong bulaklak, at matamlay naman niya itong kinuha mula sa aking kamay. Simpleng ngiti lang naman ang isinukli niya sa akin na agad din namang naglaho.
“Pasyal tayo? Tara!” Pinilit ko pa rin bigyan ng sigla ang pananalita ko even though I know she's not in her mood as of now.
Hindi na siya umimik pa nang kuhanin ko ang kaniyang shoulder bag at ako na mismo ang tuluyang nag bitbit nito hanggang sa makalapit na kami sa motor. Ngayon ay balak ko siyang dalhin sa paborito naming lugar, sa City Lights. It was already 9:00 in the evening, so expected to see the beauty of lights at night.
I've noticed this past few weeks that she's too busy in work, and also in her school papers, so I just want to lighten up her mood. Ayaw kong napapagod siya.
Habang minamaneho ko ang motor ay nanatili lang ang kaniyang mga kamay na nakapulupot sa aking baywang at nakasandal patagilid ang ulo sa kanang balikat ko. Sinulyapan ko siya sa side-mirror at halata sa mga mata niya ang pinaghalong pagod at kawalan ng gana.
Sa araw-araw na paghatid-sundo ko sa kaniya, nasanay na ako sa pinapakita niyang ugali. Pero titiisin ko pa rin... kasi mahal nga ko siya.
“Hey Sav, are you sick? It's our date!” Siniglahan ko ang tono ng pananalita ko para sana mabawasan man lang ang pagod niya. “Pupunta tayo sa City Lights! That's our favorite place, right?”
“Ivan, ‘wag ngayon. Pagod ako.”
Mediyo nabigla ako sa sinabi niya pero nag lakas-loob pa rin akong pakisamahan siya. “H-huh? May sakit ka ba? Gusto mo—”
“Ideretso mo na 'to pauwi. Gusto ko na matulog,” matamlay niyang sagot.
“Sige. Mas maganda siguro kung magpahinga ka muna. I love you,” saad ko na kahit sumikip ang puso sa sinabi niya, inintindi ko na lang kasi nga... mahal ko.
Katamtamang bilis ang pagpapaandar ko sa motor hanggang sa makarating na kami sa tapat ng rent house na tinutuluyan niya.
Walang gana siyang bumaba ng motor at tinulungan ko naman siya sa pagtanggal ng helmet. Nang matanggal ko ito, agad ko siyang binigyan ng halik sa noo at niyakap siya ng mga ilang minuto.
“Umuwi ka na, mag ingat ka ha? Bukas na lang siguro natin ituloy ‘tong date,” mahinang saad niya matapos ay agad na niya akong tinalikuran.
“I love you!” pahabol ko pa. Hinihintay ko siyang sumagot ngunit kahit man lang lingon ay hindi niya ginawa at nag tuloy-tuloy lamang siya sa paglalakad.
Hindi ko muna pinaandar ang motor at hinintay pa siyang makapasok ng tuluyan sa gate hanggang sa maisara niya ito.
Nang masiguro ko nang nakapasok na siya, doon ko na inumpisahan paandarin ang sinasakyan kong motor pauwi mag isa sa bahay.
*
“Sayang ang araw na ‘to... Balak ko pa naman siyang ipasyal because this is our time, our date…” mahinang saad ko matapos sumalampak sa sofa at tumitig sa kisame.
Katulad ko, pagod din ako sa trabaho lalo na't hectic ang schedule ko pero nag set talaga ako ng time. Cinancel ko iyong appointment ko sa manager na dapat makikipag deal sa skin para lang maglaan ng oras sa 7th anniversary namin pero... walang nangyari.
Mula sa katabing mesa ay kinuha ko ang gitara ko at sinimulang patugtugin ito sabay pumikit, humingang malalim at nag isip-isip... Oo, parehas kaming pagod pero lumalaban ako. Siya kaya?
Ang relasyon namin parang kape... habang tumatagal lalong nanlalamig. At baka pag tumagal, pumangit ang lasa. Itapon na lang.
No! Ang kape ‘pag lumamig pwede pa initin. So dapat ganoon din sa relasyon namin. Kapag nanlamig... Ibalik muli ang init.
Gagawan ko 'to ng paraan!
Ngayon, anong plano ko? Ayaw kong mawalan kami ng time sa isa't isa. Kung busy siya ngayon, ayaw kong kinabukasan ganoon na naman. I will never let coldness kill our relationship.
Ginanahan ako ng loob. Muli kong idinilat ang aking mga mata at ibinalik sa mesa ang gitara. Tumayo na ako't dumiretso sa banyo para muli'ng maligo. Kailangan kong mahimasmasan.
I opened the shower and began to feel the coolness of the flowing water hitting over my body.
Sumablay man ang plano ko para sa kaniya ngayon, babawi ako bukas.
BINABASA MO ANG
The Art Of Realization
Historia Corta𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱 ✓ A woman who fell out of love, and a Man who chose to let her go for a better, eventually made a wonderful art of realization. Sa pag-ikot ng mundo, dalawang tao ang napaglaruan ng tadhana. __________________________ 𝐒𝐇𝐎𝐑𝐓 �...