So kiss me and smile for me, tell me that you'll wait for me, hold me like you'll never let me go. 'Cause I'm leavin' on a jet plane, don't know when I'll be back again oh babe, I hate to go~
-Leaving on a Jet Plane
(John Denver)IVAN
"Two Rufino kaffe, one pack of Marden bread, and butter. Here's your order Madam," maayos kong binigay ang mga bilihin niya't inabot ang bayad.
6:00 nang umaga at maaliwalas na sinag ng araw ang namayani sa buong kalangitan, habang ako nama'y payapang nagtatrabaho sa loob nitong bakery shop na pagmamay-ari ng papa ko rito sa bansang Norway.
Muli kong iginala ang paningin ko sa labas ng bakery at mukha namang wala pa masyadong paparating na customer, kaya hinayaan ko muna ang mga kasamahan ko na bahala muna'ng mag-asikaso. At ako nama'y pumanhik sa itaas na terrace para magpahinga.
Pero bago pa ako makaakyat ay napatigil ako sa hagdan nang madatnan ko ang step Mom ko na isang pure Norwegian. Nginitian niya ako bago magsalita, "Er du fortsatt søvnig?" tinatanong niya kung inaantok pa raw ba ako.
"Nei mamma, jeg vil bare hvile," Nginitian ko siya pabalik bago sumagot na magpapahinga lang ako, at tuluyan nang umakyat pa-itaas.
Nag inat-inat ako ng katawan at tinanggal ang aking apron matapos ay humilata sa mahabang sofa habang nakatingin sa mga nagtataasang gusali na nakapaligid sa labas ng malaking bintana. 'Itong araw na 'to, paniguradong hectic na naman.'
Sa loob ng 4 years na paninirahan ko rito sa Norway kasama si Papa at ang stepmother ko, hindi rin naging madali dahil malaking adjustment ang ginawa ko. Isa pa sa mga nagpahirap sa akin ay ang language nila. Hanggang ngayon nag-aaral pa rin ako maging fluent Norwegian.
Bale dalawang klase ang pinapasukan ko ngayon. Norwegian language school every Friday and Saturday, at kung dati ay nakapag-take ako ng IT course noong college kaya ako nakapag patayo ng computer shop, ngayon nama'y nag-aral ako ng culinary. Dahil nagkasunduan na kami ni papa na bilang nag-iisang anak... Ako ang sunod na magpapatakbo ng business niya, which is Bakery shop--pero ang business ni papa hindi basta isang cheap bakery! Marami na ring branches itong bakery shop na nakapangalan mismo kay papa sa iba't ibang lugar dito sa Norway, maging sa iilang bansa. Kaya medyo challenging sa 'kin kapag ako na mismo nagpa-takbo nito.
Hindi rin syempre makakalagpas ang mga alaala ko sa Pilipinas. Bago ako umalis, pinagkatiwala ko na muna kay Andrei ang computer shop. Sinabi ko naman sa kaniyang dadalawin ko siya kada-katapusan ng taon. Hindi naman ako nabigo dahil unti-unti na niyang napapalago.
Masakit man alalahanin... Pero masaya pa rin ako bilang isang single. No lovelife, focus on work.
Naalala ko na naman noong paalis na ako ng Pinas. Bago ako tumuloy sa airport dumiretso muna ako sa tapat ng rent house ni Savanah, para lang tumambay ng ilang minuto. Palubog na ang buwan nang mga oras na 'yon pero nanatili lang ako sa tapat ng pintuan niya. Hindi ko ginawang gisingin pa siya para lang mag-paalam.
Nakaka-bakla man sa iba kung pakikinggan pero gumawa pa talaga ako mismo ng mahabang sulat para sa kaniya at inilusot na lang doon sa gilid ng kaniyang pinto. Na-block na niya kasi ako sa lahat ng social media pati na rin ang number ko sa phone niya para siguro maka-move-on, kaya naisip ko gumawa na lang ng sulat.
Nakilala ko rin pala nang personal ang manliligaw niya bago ako umalis. Kung hindi ako nagkakamali, Leon ang pangalan nung lalaki-barkada rin nila. Inabangan ko talaga siya sa labas ng university nila para makausap ng masinsinan. Sinabi ko sa kaniya ang nakaraan namin ni Savanah, at pinaliwanag sa kaniya ang dahilan kung bakit kami nag-break. Ganoon pa man ay nilinaw niya rin sa akin na seryoso siya sa panliligaw kay Sav.
Hindi ko lang alam ngayon kung sinagot na ba siya.
Hindi ko rin alam kung kumusta na ba si Savanah? Kahit hindi naging maganda ang naging ending ng relasyon namin... Masasabi ko pa rin na she was a best girl!
Malamang licensed Nurse na siya ngayon. Kilala ko talaga ang babaeng 'yon. Hindi siya basta-basta nasuko sa pangarap niya. Kaso sinukuan niya ako, ibig sabihin no'n hindi niya ako pangarap. Nakakatawa lang kung iisipin.
Sa ngayon, parang ayaw ko na muna atupagin ang lovelife. Bukod sa sakit na pinagdaanan ko mula kay Savanah, may isa pang babaeng nanakit sa akin. Si Astrid, isang half Filipina-Norwegian na nakilala ko rito sa Norway nang minsang mapadpad ako sa Bergen City. Madalas kaming magkasalisihan ni Astrid sa lugar na iyon kaya hanggang sa 'di nagtagal naging close kami. Nakahiligan ko na kasi ang mamasyal kahit noong nasa Pilipinas pa ako. kaya iyon, from being strangers, turned into lovers.
Pero hindi rin kami nagtagal...
After a year, we broke up.
Hindi ko kasi matiis ang ugali niya. Napaka-childish, selosa, at higit sa lahat ang hilig magmura.
Niligawan ko siya kasi akala ko kaya kong baguhin ang ugali niya. Ilang beses ko na sinabi sa kaniya na maging matured at bawasan na ang pagmumura, pero itong si Astrid matigas talaga ang ulo. Mas lalo niya pang ginalingan.
Pinaka-ayaw ko pa naman sa mga babae ang mahilig magmura. Kaya ang ginawa ko? Hiniwalayan ko.
"Ivan?"
Napatayo ako nang biglang bumukas ang pinto at sumalubong ang wagas na ngiti ni mama. "Sønn, Astrid er i stuen. snakk med han," sabi niya nasa salas daw si Astrid, kausapin ko muna.
'Yan na nga ba sinasabi ko eh. Pupunta na naman ulit dito ang babaeng 'yan para magpa-impress kila mama't papa para balikan ko. Paano ko siya babalikan kung 'yung nakaka-turn-off na ugali niya hindi niya kayang iwan?
"Ja, mamma," sabi ko at sapilitang tumayo para pumunta sa salas.
Labag man sa loob pero kakausapin ko pa rin si Astrid. Nag-effort siyang pumunta rito at kahit hindi ko type ang ugali niya, ayaw ko namang mambastos ng babae.
BINABASA MO ANG
The Art Of Realization
Short Story𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱 ✓ A woman who fell out of love, and a Man who chose to let her go for a better, eventually made a wonderful art of realization. Sa pag-ikot ng mundo, dalawang tao ang napaglaruan ng tadhana. __________________________ 𝐒𝐇𝐎𝐑𝐓 �...