𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱 ✓
A woman who fell out of love, and a Man who chose to let her go for a better, eventually made a wonderful art of realization. Sa pag-ikot ng mundo, dalawang tao ang napaglaruan ng tadhana.
__________________________
𝐒𝐇𝐎𝐑𝐓 �...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
SAVANAH
“And a happy new year... MERRY CHRISTMAS PO!”
Matapos ang huling linya ng kanilang pagkanta’y saktong paglabas ni Ivan mula sa pintuan bitbit ang isang garapon ng mga candy at isang gitara na nakasabit sa kaliwa niyang braso. Napangiti ako lalo na nang muntik nang mahulog ang suot niyang Santa hat na medyo nakatabingi na sa kaniyang ulo dahil sa kamamadali. “Nabitin naman ako. Dapat ulitin niyo. Pa’no ko kayo bibigyan nito?” biro niya sa mga bata habang nakaturo sa bitbit niyang mga candy.
Hindi matanggal ang ngiti ko habang pinanonood sila mula rito sa terrace. Rinig ang muling masigabong pagkanta nila kasabay ng paggigitara ni Ivan. Ito talagang si Ivan, imbis na ibigay na lang sa mga bata nang diretso ang mga pamasko, pinapahirapan pa. Pero ayos lang, at least nag-e-enjoy sila.
Napukaw ang tingin ko sa itaas imbis na panoorin ang mga bata. Malapit na mag alas sais ng hapon kaya ganoon na lamang kaaliwalas ang kulay kahel na kalangitan, that’s why I am so attracted to it. Ethereal never fails to amaze me every time I’d gaze on its beauty. Mas lalo ko pang dinama ang paligid nang humampas ang banayad na hangin kasama ng mga nagliliparang tuyot na dahon. Nakapepresko pa ang mahalimuyak na amoy ng mga puno.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagpikit nang unti-unting napakurba ang kilay ko nang mapansin na biglang na-iba ang kanta at ang pag-strum ng gitara. It was a Christmas song! What happened? Bumaba ang tingin ko sa kanila nang mapagtanto kong isang grupo ng mga bata ang nakikisabay sa awit at sa gitnang unahan nila ay si Ivan na patuloy sa paggigitara. Malawak ang ngiti silang nakatingala sila sa akin.
Ivan talaga!
Nakatatawa lang na halos si Ivan lang ang may kabisado sa kanta at sadiyang pilit lang na nakikisabay ang mga bata. Sige, kaya niyo ’yan! Naka-isip na naman ng panibagong ka-corny-han itong lalaking ’to. But admit it... It feels like having a butterfly in my stomach. Ilang beses mo na ba akong pinapakilig? Hindi pa rin talaga kumukupas ang charisma mo sa akin.
Hanggang sa huling stanza ng kanta, naroon pa rin ang nakapang-aakit niyang ngiti. “Hi, hon! You loved it?” tanong niya at nagawa pang kumindat habang hinihintay ang isasagot ko. “Ibigay mo na ’yan sa mga bata at umakyat ka na rito!” natatawa kong sigaw. Naka-ngisi lang siyang nagkibit-balikat at isa-isa nang ibinigay sa mga bata ang garapon ng mga candy.
Sumulyap pa ako sa ulap at nagpakawala ng isang buga ng hangin. Kailangan ko na rin pala bumaba para makapag handa, muntik na mawala sa isipan ko na malapit na magdilim. Habang pababa ako ng hagdan, nauna ko nang marinig ang pagbukas-sara ni Ivan ng pinto kaya mas lalo pa akong nagmadali.
“Nag-text na ba sila?” pambungad niyang tanong, saktong magkasalubong kami sa sala. “Ha? Wala pa,” sagot ko habang pumupunit ng piraso ng tissue para ipunas sa namamasang gilid ng mga mata ko. “Pero sure ako malapit na sila,” dagdag ko pa, at siya naman itong papalapit sa akin.
“Hmm... Ikaw talaga pinapahiya mo ako ro’n sa mga bata ha,” pagtatampo niya kasabay ng mahigpit na pagyakap sa akin patalikod. “Sinasabi mo? Pinauwi lang kita kasi makulit ka.” Sa sinabi ko mas lalo lang bumagsak ang kaniyang braso kaya mas lalo akong humagalpak ng tawa. “Honey... No. Honestly, I appreciated you,” saad ko bago pa siya tuluyang magtampo. Halata naman sa aming dalawa, he’s more clingy than me.
“Yeah but... Seriously, are you ready?” tanong niya habang nakapatong ang kaniyang baba sa balikat ko. Ito na naman tayo. Ilang beses mo nang tinanong sa akin iyan at halos parehas lang din ang mga sagot ko. “Of course!” desidido kong saad at mahigpit na kumapit sa kamay niyang nakabalot sa aking dibdib. “We already talked and dealt with it. We made a plan, right?” pagpapaalala ko sa lahat ng pinlano namin. Tutal kasal naman na kami. We have a right to seek freedom.
“Paano kung hindi sila pumayag--”
“MERRY CHRISTMAS! MR. AND MRS. MONTERO!” Naputol sa ere ang dapat na sasabihin ni Ivan nang biglang may pamilyar na boses ang umalingawngaw sa labas kasabay ng sunod-sunod na pagkatok. Marahang humiwalay ng yakap sa akin si Ivan at agarang lumakad nang may parehas na ngiti sa aming mga labi para buksan ang pinto.
“Sav!” mahigpit na yakap ang binigay sa akin ni ate. Sa likod naman ang nakangiting sina mama’t papa habang karga ang anak ni ate na si baby Neymar. Matapos ang mga yakapan namin ay nagmano naman si Ivan sa mga magulang ko bago tuluyang magsipasok sa loob. “Sakto lang po pala dating niyo,” unang wika ni Ivan. Muli kong inayos ang hapag-kainan at inatras ang mga upuan para sa kanila.
“Nasaan pala ang pinsan mo? Aba! Akala ko kasama iyon,” saad ni mama na mas piniling umupo muna sa katabing sofa. “Parating na po siya ma. Lagi naman po late ang lalaking ’yon.” Si Ivan na ang nauna sa aking sumagot. Tama nga naman. Kahit noong kasal namin ni Ivan, late din siya ng 15 minutes.
“Sinong late?”
“Tol!” walang sabi-sabing tumuloy si Andrei sa loob kaya ganoon na lamang ang tawa namin nang bigla siya batukan ni Ivan nang pabiro bago tuluyang magyakapan ang magpinsan. Ngayon ko lang napansin na kasama niya rin pala ang bunso niyang kapatid na si Ashley.
---
“Kayo’ng dalawa, sigurado na ba kayo sa desisyon niyo?” Lumipat ang tingin naming lahat kay mama nang magsalita siya. Alam ko namang may tampo pa rin siya sa amin ni Ivan, dahil sa ginawang plano namin. I know it’s hard for them and us to be separated but I know as well that our plan is for a better. “Maganda ang buhay sa Norway... pero mas masaya naman dito sa ’Pinas,” saad ni papa nang hindi man lang kami nagawang tapunan ng tingin, sa kadahilanang patuloy ang sunod-sunod niya sa pagsubo ng pagkain.
“Huwag ka mag-alala ’pa. Kapag natuloy na ang immigration namin sa Norway, we promise to set a schedule to visit you here. Siguro annually.” Tama ang sinabi ni Ivan. Malayo man ang titirahan namin, sigurado namang hindi namin sila makalilimutan. “At saka sa September pa naman po ang alis namin,” wika ko para mapagaan ang loob nila. Bigla kasi silang nababalot ng lungkot sa tuwing binabalita namin ang pag-alis namin.
“So ano nga! May nangyari na ba?” Singit ni ate sa gitna ng kainan. Naka-silip sa mukha niya ang bakas ng pagngisi. Sa ekspresyon niya pa lang alam ko na kung ano ang gusto iparating nito. “Nangyari?” inosenteng tanong ni Ivan habang pinapapak ang hawak na chicken. “Anong nangyari?” ulit niya pa na talagang akala mo pinalaking inosente.
“Nangyari! sex!”
Muntik na mabilaukan si mama, si papa nama’y ngumisi lang, si ate na bumida ang tawa rito sa buong apartment, at si Ivan na natigil sa pagnguya habang takang nakatitig sa loko-lokong pinsan niya. Kahit kailan talaga, walang preno ang bibig nitong si Andrei.
Pero sa totoo lang, napangiti ako habang hinihimas-himas ang aking sinapupunan. I shifted my gaze to Ivan, to see his reaction. “Well, I think this is the right time,” saad ni Ivan matapos umubo para kuhanin ang atensyon namin. Tumingin ako sa kaniya at sakto rin namang naka-tama ang paningin niya sa akin. Tila nag-uusap ang mga mata namin kung sino ba ang dapat na maghayag ng balita. Nag-angat lang ako ng kilay at muling sumubo sa pagkain ko. Siya nama’y tumango lang habang sa akin pa rin ang titig. Marahil na-gets na niya ang gusto kong iparating. Inilipat ko ang tingin kina mama’t papa para sabay na ihayag ang magandang balita. “Ma, pa...”