IVAN
Muling pagkikita
“Ibigay mo na ’yan kay Drei. Parang awa mo na. Hindi nga sa ’yo kasya ’yan.” Muling kinuha ni Savanah sa kamay ko ang rubber shoes na niregalo niya no’ng pasko sa akin. Maling size kasi ang napili niya at nagkataon na mas kasya iyon kay Drei. Sa liit ba naman ng paa ng lalaki’ng iyon paanong hindi magkakasiya.
“Mamaya na lang. Kung gusto mo bago tayo tumuloy sa airport, daanan natin bahay nila,” suhestiyon ko at bahagyang naupo sa katabing kama kung saan siya nagtitiklop ng mga damit na dadalhin namin. “Kaya nga kumilos ka na r’yan! Mas lalong tumatagal eh,” saad niya na may kasamang pagsiko sa tagiliran ko.
“Aray! Hon, masakit ’yon!” pag-angal ko habang naka-hawak sa bandang tagiliran kung saan niya ako siniko. “Mas lalo pang sasakit ’yan kapag hindi ka pa naligo,” pagbabanta niya kasama ang pinaghalong inis at ngiti na ekspresyon. Minabuti kong panoorin ang pagbabago ng reaksyon niya nang inilapit ko ang mukha ko sa kaniya at bumulong ng kung ano-ano sa kaniyang tenga. “Sinabing--”
Naputol ang dapat na sasabihin niya nang bigla ko siyang niyakap at binuhat mula sa kaniyang kinauupuan. As time goes by, her weight gets heavier. If I’m not mistaken, last time I carried this woman was when we were teenager. Kahit noong nagkita kami sa Norway hanggang sa maikasal, ngayon ko lang napagtanto na hindi ko na pala siya nabubuhat gaya ng dati. Idagdag mo pa na nagdadalang tao na siya. Hindi maitatangging malaki na rin ang sinapupunan niya after 9 months. Ito na rin ang buwan kung kailan siya manganganak.
Muli na naman akong napangiti nang pumasok na naman sa isipan ko na magiging ama na ako. “Excited ka na?” naka-ngiti kong tanong sa maamo niyang mukha. The expression of excitement flastered on her face as we staring at each other. Kahit na hindi niya sagutin ang tanong ko, alam ko naman kung anong resulta ng sagot niya.
“Ibaba mo ’ko! Baka ma-late tayo sa flight!” hiyaw niya nang hindi ko pa rin siya sinusubukang ibaba. I held her even tighter and playfully dragged her on the bed. Sa ginawa kong iyon, awtomatikong nawala ang pagtataray niya’t napalitan ito ng pagka-balisa habang nakatulala sa kisame. “Hey! Why you look so upset?” I asked before I parted the strand of her hair and giving a peck of kiss on forehead. “Ang lalim ng iniisip mo... May problema ba?” bahagya kong dinampi ang ilong ko sa mukha niya at marahang kiniskis ito para umuhin siya.
“Wala naman... Iniisip ko lang kung anong buhay ang naghihintay sa atin doon,” sagot niya nang hindi pa rin napuputol ang pagtitig sa kisame. Natigil ako sa paglalambing at pinagmasdan siya sa malalalim niyang mga mata. “That thought also crossed on my mind. Honey, just be positive! There has a huge possibility of succession for us.” Sa sinagot ko, mas lalo lang bumagsak ang kaniyang mga mata at hindi kalauna’y huminga nang malalim sabay buga sa hangin.
“Yeah, you’re right. Mahilig lang talaga ako mag-overthink,” sambit niya kaya ako naman itong niyakap siya nang mahigpit at sa pangalawang pagkakataon, hinalikan siya sa noo. “Tara na?” aya ko sa gitna ng aming titigan. “Maligo ka na!” utos niya at biglaang kumalas sa pagka-yakap ko. I just watch her cleaning the mess we have done. Knowing that I'm fully blessed by having her in my life is one of the pieces to complete the art of realization.
---
“Tol, hindi na talaga magbabago isip niyo? Welcome pa rin naman kayo rito sa Pilipinas, anytime.”
“Drei, napag-usapan na namin ’to. Nakalulungkot man... pero kailangan na namin maging independent.” Muli kong inagaw sa kamay niya ang hawak na wine at ibinuhos ang kalahati no’n sa hawak kong baso. Alas kuwatro pa lang ng madaling araw simula nang maka-alis kami sa apartment papuntang airport. Sinadya lang namin na bumisita kay Drei, dahil bukod sa ibibigay ko na nga ang sapatos, pahirapan pa kami ni Savanah na patahanin ang lalaking ’to sa pagtatampo.
“Basta tol, kapag naging businessman ka na sa Norway, ’wag mo kalilimutan na may pogi kang pinsan sa Pilipinas ha?” Muntikan ko na maibuga ang iniinom kong wine dahil sa sinabi niya. Kahit kailan talaga hindi nauubusan ng kalokohan itong pinsan ko. “Edi kapag nakaluwag-luwag ka na, ikaw naman bumisita sa amin,” saad ko kasunod ang munting pagtawa.
“Pero seryosong usapan, Ivan...” Natigil ako sa paglagok nang nag-iba ang tono ng boses niya. Kunot-noo akong naghihintay sa susunod na sasabihin niya. “Ganoon pa rin ba ang pakikitungo ni tito Jeff kay Savanah?” Sa pang-ilang beses na pagkakataon muli akong natigil sa tanong niya. Iyon ang tanong na pilit kong iniiwasan. I know my father was still angry with Savanah.
“Pag-uwi namin sa Norway, masasanay rin siya.” Literal na nasa baso lang ang titig ko nang bigkasin ang mga salitang iyon. Saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan namin ni Drei. Kahit siya tila ayaw paniwalaan ang sinabi ko. Kung kaya lang ibalik ni papa ang tiwala niya sa relasyon namin ni Savanah, hinding hindi na namin iyon wawasakin ulit.
“5:32 na. Wala ba kayo balak maghiwalay diyan?” natatawang wika ni Savanah nang makalabas siya sa CR. Doon na ako nagpasiyang tumayo at bitbitin ang mga dala naming maleta. Suminghap muna ako at pinakalma ang sarili bago lingunin ang pinsan ko. Bakas sa mukha niya ang kalungkutan at panghihinayang nang magkatinginan kami. “Sige na, lumayas na kayo! ’pag na-late kayo, ako pa sisihin niyo.” tinulak-tulak niya kami ni Savanah nang pabiro hanggang sa makalabas na kami sa pinto.
---
Mahaba-habang oras din ang byahe namin mula sa Pilipinas hanggang sa paglapag namin dito sa Norway. Kahit si Savanah sinulit talaga ang pagtulog buong byahe. “You okay?” tanong ko sa kalagitnaan ng paglalakad palabas sa airport. Bago tumuloy sa Hotel, naisipan muna namin ni Savanah na dumiretso sa katabing restaurant. Tumawag kasi si mama na dito raw kami magkita-kita.
“Why are you trembling? Natatakot ka?” Napansin ko kasing nanginginig ang kamay niya nang hawakan ko ito sa paglalakad. I know she’s thinking about my father. Ilang beses na kasi siyang nasindak ni papa, buhat ng nakaraan namin. She didn’t even drop any words and just slightly flashed an awkward smile, enough for me to know that she’s really terrified. “Don’t worry, I am here, okay?” wika ko para ibalik siya sa pagiging kalmado. As we entered to the restaurant, I never even let her go.
“Sila na ba ‘yan?” biglang tanong niya patukoy sa pumaradang kotse sa labas. As the moment I saw his familiar car, it is them. Tuwid kaming napatayo ni Savanah sa puwesto namin habang hinihintay ang pagpasok nila rito sa loob ng restaurant. Kapansin-pansin ang wagas na ngiti’ng ekspresyon ni mama, at ang seryoso’t malalim na mga mata ni papa. Mabuti pa si mama, even though she’s not my biological mother, her support still genuine unlike my dad. Mas lalo ko pa hinigpitan ang kamay ni Savanah na halos mamutla na sa pagiging kabado. Ilang hakbang na lang bago makalapit sa amin sila papa nang lingunin ko si Savanah para bigyan siya ng nangungusap na mga mata.
“Hei, jeg har virkelig savnet deg, Ivan,” bati sa akin ni mama na nangangahulugang I really missed you. Malawak ang ngiti ko nang ibalik ko ang yakap na ibinigay sa akin. “Hei, mamma! meet my wife, Savanah.” Hindi naalis ang ngiti ni mama nang ibaling niya ang tingin sa asawa ko. “Savanah, my step-mom... Marthea,” pagpapakilala ko sa kanila. Parehas silang may ngiti nang magyakapan na halos nagtagal ng ilang segundo.
Huminga naman ako ng malalim nang oras na para ibaling ang tingin kay papa. His indignant expression still manifested on his face while looking at Savanah. Ayaw ko na magpaligoy-ligoy pa kaya kahit ramdam ko ang namumuong tensyon sa pagitan nila, mas minabuti kong tumayo ng tuwid para basagin ang katahimikan. “Pa... si Savanah.”
Ganoon na lang ang pagkagulat namin nang biglang humampas ang palad ni papa diretso sa pisngi ni Savanah.
“Jefferson!”
BINABASA MO ANG
The Art Of Realization
Storie brevi𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱 ✓ A woman who fell out of love, and a Man who chose to let her go for a better, eventually made a wonderful art of realization. Sa pag-ikot ng mundo, dalawang tao ang napaglaruan ng tadhana. __________________________ 𝐒𝐇𝐎𝐑𝐓 �...