Cinco

55 6 11
                                    

I just hope you're lying next to somebody

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I just hope you're lying next to somebody. Who knows how to love you like me. There must be a good reason that you're gone. Every now and then I think you might want me to come show up at your door. But I'm just too afraid that I'll be wrong~

-We Don't Talk Anymore
(Charlie Puth ft. Selena Gomez)



SAVANAH

I'm sorry, I need to forget you. But maybe after I reached my dream, and if we still have feelings towards each other… Then I'll give you my heart again.


“Ready ka na?” tanong ni Ate nang makapasok sa kwarto ko.


“Hmm, opo…”


“Naghihintay na sina Bea, kasama ‘yung iba mo pang barkada, bilisan mo na diyan,” paalala niya kaya agad kong isinara ang aking bag pack at sumunod na pababa sa sala.


“Beh! Excited na ‘ko! Pero make sure na okay ka lang talaga ha?” bati sa akin ng kaibigan kong si Bea nang makababa na ako. “Oo naman! Mas magandang ideya na mag travel akong kasama kayo para naman mas madali akong maka-move-on,” sagot ko.


“Sige na, bumyahe na kayo habang maaga pa. Bantayan ninyo kapatid ko ha? Ingat.” Humalik na ako kay ate sa pisngi matapos niyang mag salita. Saka nagmadali agad kaming lumabas ng bahay para makasakay sa Van na pagmamay-ari din mismo ng barkada namin.


“Leon, puwede ba ako sa passenger seat?” paalam ko sa may ari ng Van, na agad naman siyang napa-payag.


“Hala! Sav, akala ko ba tabi tayo? Ayaw mo na sa ‘min?” pabiro kong hinampas si Lucy, sa sinabi niya. “Baka kasi makatulog ka sa gitna ng biyahe tapos bigla ka sumandal sa balikat ko. Tulo laway ka pa naman,” biro ko kasabay ng munting pagtawa.


Hindi naman sa ayaw ko sila katabi. Gusto ko lang maupo sa unahan para makapag isip-isip sa desisyong ginawa ko. Tama ba na iniwan ko siya at tinuring na isang distraction? O dapat sinama ko siya sa pangarap ko?



Pero kasi na-aagaw niya ang time ko na dapat nilalaan ko sa pag-aaral!

Sorry Ivan.


“Mako, after 1 hour ikaw naman mag-drive ha?” paalala ni Leon, sa isa sa mga barkada namin na nasa likuran. Simpleng tango lang naman ang isinagot ni Mako, dahil busy siya mag-type ng kung ano sa kaniyang cellphone.


Anim lang kaming nagkayayaan na mag travel on the way to Batangas… Ang lugar na sa loob ng seven years hindi pa namin napupuntahan ni Ivan. Walang hirap na napasama ko sila sa balak kong pag-travel. Pag dating kasi sa galaan, walang inaatrasan ang mga ‘yan. Si Bea na nakikipag-daldalan kay Gwy, si Lucy at Mako na mag kalandian sa pinaka-likod, at si Leon na tahimik na nag mamaneho sa gilid ko.


The Art Of RealizationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon