Dos

59 5 21
                                        

Just give me a reason, just a little bit's enough~ Just a second we're not broken just bent, and we can learn to love again~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Just give me a reason, just a little bit's enough~ Just a second we're not broken just bent, and we can learn to love again~

–Just Give Me a Reason
(Pink)


IVAN


“And finally, I'm done,” saad ko matapos sumulat ng tula para sa pinakamamahal kong si Savanah, habang hinihintay ang aking order dito sa loob ng 'kiss & Cake' shop.

I folded the paper and inserted it inside this cute envelope. Alam ko ganitong aesthetic ang paborito ni Sav. Isa pa, hindi naman ako magaling sumulat ng tula pero gumawa pa rin ako dahil ganoon ang gusto ni Savanah sa mga lalaki.


“Sr. Here's your order! 1,500 for this Tyrona minicake, 3,200 for Twinzy big bear and 2,000 pesos for this bouquet of D' Flora Gotic flowers. Bale 6,700 pesos po Sr,” saad ng babae na lumapit sa pwesto ko.

Napalunok pa ako bago dukutin ang aking wallet mula sa bulsa ng pantalon. Unti-unti naman nang lumalago ang itinayo kong computer shop and musical instruments shop malapit lang din sa tinitirahan ko kaya hindi naman ako nanghihinayang na binili ko ang mga ito para kay Savanah.

“6,700... here,” nakangiting abot ko ng bayad sa babae. Thousands of money just for this cake, teddy bear and flowers. expensive, right?

But I never felt any regret for buying this, because it's for her.



Bago ko paandarin ang motor, maayos ko munang inilagay ang mga regalo ko sa box na naka-puwesto sa aking likuran. Imposibleng hindi niya ito tanggapin. Noon pa lang na nililigawan ko siya, ganito rin ang inireregalo ko sa kaniya at napapansin kong... Sa lahat ng mga regalo ko, hindi siya nagsasawa. She loves to appreciate even a small things.

[I'm on my way, Love.]

Text ko sa kaniya habang traffic pa. Pansin kong ngayon ko na lang muli siya natawag na Love.



[Ge, Ingat <3]

Ilang minuto pa ang hinintay ko para lang dito sa matipid niyang reply.


For the past seven years, marami na talagang nagbago sa amin. Katulad na lang ng nangyayari ngayon, hindi naman siya ganiyan mag-reply. Where's the old Savanah? A woman that full of joy in eyes and overloaded with sweetness in heart?

Oo, kahit ako mayroong pagbabago't pagkukulang... pero bumabawi ako!




***

The Art Of RealizationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon