Ocho

43 3 3
                                        

‘Di ba nga ito ang ‘yong gusto? Oh, ito’y lilisan na ako. Mga alaala’y ibabaon, alakip ang tamis ng kahapon~

-Kathang Isip (Ben&Ben)


IVAN

Bakit ba napaka-aga ko nang magising? Pansin ko talagang marami nang nagbago sa akin nitong mga nakaraang araw. Masipag naman na talaga ako dati pa, pero mas lalo akong sumipag ngayon. Kung dati halos tanghali na ako magising pero ngayon halos maunahan ko pang sumibol ang araw. Ganito ba talaga kapag kaka-ahon mo lang sa pagiging sawi?


Kinusot-kusot ko muli ang kanang mata ko habang nakatanaw sa kawalan. Kaninang alas singko ng madaling araw pa ako gising, nang maisipan ko sana’ng mag dilig ng mga halaman kaso naalala ko umulan pala kagabi, kaya habang hinihintay na mag-liwanag, lumabas muna ako ng bahay at mas piniling humiga na lang sa aking motor.



Panibagong umaga… ‘Thank God, I'm still alive.’

Mahigit dalawang linggo na pala ang lumipas nang huli naming pagkikita't pag-uusap. Grabe ‘yung araw na iyon. Akala ko gagana ‘yung sinabi sa akin ni Olivia, na pag sinuyo ko si Savanah, babalik iyong dati naming relationship. Kaso ito… walang nangyari. Mas lalo niya lang ako nilayuan.


Ang bigat pala sa puso ang maramdaman mo na ang taong minahal mo nang ilang taon ‘di mo inasahang bibitaw rin pala.


“Kape ka muna. Lalim ng iniisip mo eh.”

Bahagya akong napalingon sa pinsan kong si Andrei na kararating lang. Iniabot niya sa akin ang isang tasang kape at naupo siya sa katabing duyan.


“Ayos ha, may pa-kape si mayor,” biro ko matapos umayos ng upo. Ngumisi lang siya’t humigop sa kape’ng hawak niya.

“Insan alam mo? Mukha ka ng Panda,” saad niya dahilan para muntikan ko na maibuga ang iniinom kong kape. “Laki na ng eyebags mo, mugtong-mugto pa mata mo. Halatang iyakin ka,” dagdag pa niya.


“Drei, hindi kasi ganoon kadali mag move-on,” sagot ko. “Sa sobrang tagal na namin ni Sav, kahit ikaw kapatid na rin ang turing mo sa kaniya. Kaya sobrang sakit lang talaga sa part ko ang pagka-wala niya,” dagdag ko pa. Iyon naman talaga ang dahilan ng 2 weeks kong pagmukmok.

Tao rin ako. At kahit sabihin mong lalaki ako, nasasaktan pa rin ako. Marunong din umiyak ang mga lalaki.


“Oo nga pala, tinawagan ako kagabi ni tito Jeff, bakit daw hindi ka na niya ma-contact. Eh alam ko namang nag-deactivate ka sa lahat ng social media mo kasi nga nag mo-move-on ka, kaya ang sabi ko na lang kay tito busy ka.” Nabigla ako sa sinabi niya kaya medyo napabangon ako dahilan kaya muntikan na mahulog ang motor.

“Bakit ka tinawagan ni Papa? Tungkol saan daw?” sunod-sunod kong tanong.

“Natanda na Papa mo. Syempre gusto niyang may mag-alaga sa kaniya. Kung ako sa ‘yo insan, sumunod na ‘ko sa kaniya. Tutal mas malaki naman ang kitaan sa Norway,” sagot niya at sinimulang itulak ang inuupuan niyang duyan.

Sa mga sinabi niya, matagal ko na ring napag-isipan iyon. Simula nang mamatay si Mama, nag-asawa na muli si Papa sa Norway, kaso nga lang hindi na sila nagka-anak ng step Mom ko. Kaya syempre bilang nag-iisang anak obligasyon ko rin naman siyang alagaan lalo na’t 71 year old na si Papa.


Kaso nga lang hindi ko magawang umalis dito sa Pinas dahil nakapag tayo na ‘ko rito ng business at ayaw kong rin namang iwan si Savanah.

Pero ngayong nang wala na kami… Baka ito na ang time na si Papa naman ang alagaan ko. At para syempre makapag move-on. New place, new life.


Tama… sure ako, ito na ang time na sumang-ayon sa gusto ni Papa. Mula sa bulsa'y dali-dali kong kinuha ang cellphone ko para tawagan si Papa.

“Uy--matapon!”

“Ay-sorry, Drei!” wika ko nang muntikan ko na masagi ang kaniyang kape sa kamamadali. Mga nakailang ring pa bago sagutin ni Papa sa kabilang linya ang aking tawag.

“Pa…”




***


SAVANAH

“Relax… Inhale.”

Maingat kong itinurok ang syringe na hawak ko. “Is it hurt?" tanong ko sa batang babae habang siya’y palihim na umiiyak. Pang-ilang estudyante na ba ‘to?

Nang matapos ay hindi na siya umimik pa, samantalang ngumiti naman sa akin ang mommy niya bago akayin ang anak at tuluyang umalis. OJT namin ngayong araw at isa ako sa mga na-asign sa primary school para sa libreng bakuna.


Buti nga hindi pa ako sumasablay sa dinamirami ng tinurukan kong estudyante kanina lang. Salamat at lumalaki na rin ang improvement ko sa pagsabak dito sa OJT. Sobrang hectic ng schedule ko sa mga nagdaang linggo, lalo na't hindi ko magawang iwan ang trabaho ko. Kapagod!


Patayan na kung patayan, basta maka-angat lang sa financial problem. Lumabas muna ako sa clinic at dumiretso sa canteen para bumili ng pagkain at kape. Naalala kong hindi pa pala ako nag-aalmusal.



“A-ate Sav?”

Agad akong napalingon nang may biglang tumawag sa pangalan ko. Nakaramdam naman ako ng konting kahihiyan nang makita ko kung sino ang tumawag sa ‘kin. “Hi... Andrei.”


“Musta na ate? Parang namayat ka ata,” tanong niya matapos ang kaunting pagtawa. Ewan ko pero mahahalata mo rin sa kaniya ang pagka-awkward nang magtama ang tingin namin.

“Ganoon talaga hahaha, busy eh,” sagot ko at pasimpleng umiwas ng tingin para hindi niya mahalata na uncomfortable ako. Tumango lang siya matapos ay yumuko.


“Bakit ka nga pala narito? ‘Di mo kasama pinsan mo,” pag-iiba ko ng usapan--na agad ko namang pinagsisihan dahil nasama na naman ang pangalan ng pinsan niya.

“Ah-eh, hinatid ko si Ashley, alam mo namang iyakin iyong kapatid ko hahaha. And si Ivan naman inaasikaso na niya ‘yung passport niya, tsaka nag-umpisa na rin ata siya mag impake ng mga damit,” diretso niya’ng sagot.


Nagulat ako sa sinagot niya tungkol kay Ivan. Passport? Impake? At saan naman pupunta ang lalaking 'yun? Alam ko mahirap mag move-on dahil kahit paano’y nagtagal din kami ng 7 years. Pero hindi ko lang malaman ang dahilan bakit siya aalis ng Pinas?



Yumuko ako at nag-ipon ng lakas para itanong kung saan pupunta si Ivan at kung ano nang kaganapan sa kanila. “Uhm… Andrei, alam kong alam mo naman ang nangyari sa ‘min ng pinsan mo, at alam ko talagang awkward ang pag-uusap natin ngayon. Pero… Okay lang ba malaman kung anong nangyari, bakit aalis si Ivan?" Naiilang ngunit lakas loob kong tanong.


“Doon na siya titira sa Norway. Nag-decide na siyang alagan ang Papa niya for good.”

The Art Of RealizationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon