TARA, USAP TAYO
So if you'd still go, I'll understand Would you give me something just to hold on to? and if you'll stay I'll hold your hand 'Cause I'm truly, madly, crazily in love with you~
-Stay
(Cueshé)SAVANAH
One 'o clock in the midnight and not shockingly saying that I'm still awake. Mula sa pagkaka-dungaw sa aking bintana ay tanaw ko ang makulimlim na kalangitan, tahimik na lugar, at malamig na simoy ng hangin ang tumatama sa akin.
Day-off ko ngayon sa work at wala kaming klase kaya malakas ang loob ko ngayong mag-puyat. Gusto ko lang naman bigyan ng pansamantalang oras ang sarili para mag muni-muni. Oo, mahal ko ang trabaho't pag aaral ko at sabik na sabik na akong masungkit ang aking pangarap. Pero hindi naman kasi puwedeng lunurin ko ang sarili ko sa nakaka-stress na school works. I also need time to relax, as what I'm doing right now.
Mali ang desisyon ko na madaliin ang pangarap ko bilang maging isang licensed nurse. Naalala ko lahat ng nagmamadali ay nagkakamali.
I took a sip from my milk and gently placed it again on my right side table after.
Napatingala ako sa kalangitan at pinagmasdan ang nagliliwanag at nagkikislapang mga bituin.
Kumusta na kaya siya?
Kasi kung ako ang tatanungin... Oo, okay na 'ko. After one month of tears, here I am already moved-on na. Sana siya rin.
Napatingin ako sa aking gilid at sakto namang tumambad sa akin ang isang gitara na nakasabit sa pader. Bukod kay Ivan, may isa pang tao ang mahilig tumugtog ng gitara. Walang iba kun'di si Leon.
Si Leon na kau-umpisa pa lang manligaw, binusted ko na agad.
Noong nakipag-break ako kay Ivan, sinabi ko na agad sa buong barkada ko na ayaw ko na muna pumasok sa kahit anong relationship dahil ayaw ko ng distraction para mas lalo ako makapag-focus sa pag-aaral.
Pero ang loko... hindi pa rin ako tinantanan sa panliligaw at sinabi niyang hindi raw siya magiging distraction sa 'kin. Kaya ako na ang gumawa ng paraan. Ako na mismo ang lumayo sa kaniya.
Pero inaamin ko, sa loob ng isang buwan, sobrang hirap para sa akin ang maging totally moved-on. Grabe!
Ilang oras pa ako nakadungaw rito sa bintana bago ako dalawin ng antok. Tuluyan ko nang inubos ang natitirang gatas na kanina pa nanlalamig sa tasa at agad itong iniwan sa lababo. Bukas ko na lang huhugasan.
Bago pa ako tuluyang makahiga sa kama, naisipan ko munang sumulat sa aking diary bago magpatangay sa daloy ng antok. Mula sa maliit na cabinet ay kinuha ko ang ballpen at diary ko. Matagal-tagal na rin pala nang huli akong sumulat dito.
Dear diary,
Ang lupit talaga ng tadhana. Bakit kahit anong iwas ko sa trip ng mapaglarong pag-ibig, gumagawa pa rin si tadhana ng paraan para--
"SAVANAH!"
'Teka-sino 'yon?' bulong ko sa hangin dahil sa biglang may sumigaw ng pangalan ko mula sa labas ng bintana.
"SAVANAH, PWEDE BA MAG-USAP TAYO?"
Saglit kong ibinalik ng tiniklop ang sinusulatan ko at agad na tumakbo papunta sa bintana para silipin ang pamilyar na boses na walang tigil sa pagsigaw.
"Sav," pabulong niyang saad nang makita ako.
Nang matigil siya sa kasisigaw ay parang huminto ang ikot ng mundo. At sa kalagitnaan ng gabi't malamig na simoy ng hangin ay nanatili lamang ang aming mga mata sa isa't isa.

BINABASA MO ANG
The Art Of Realization
Short Story𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱 ✓ A woman who fell out of love, and a Man who chose to let her go for a better, eventually made a wonderful art of realization. Sa pag-ikot ng mundo, dalawang tao ang napaglaruan ng tadhana. __________________________ 𝐒𝐇𝐎𝐑𝐓 �...