Tres

54 5 9
                                        

Oh, it's good to be true If our hopes and dreams come true, wish that I hadmore of this borrowed time if only it would last a lifetime~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Oh, it's good to be true If our hopes and dreams come true, wish that I had
more of this borrowed time if only it would last a lifetime~

-Borrowed Time
(Cueshe)



SAVANAH

“Feeling ko, napakasama kong tao,” bulong ko sa hangin.

Hapon nang lumabas ako sa university mag-isa dahil oras na ng uwian. Kung dati, nasanay akong may lalaking naka-motor na naghihintay sa akin sa tapat ng gate para sunduin ako... ngayon kailangan ko na masanay mag-commute mag isa dahil nga wala na siya.


Sobrang nakakapanibago.


But I can't blame him. I'm the one who chose to end our relationship. I chose to focus on my study over him. Actually, hindi naman nag kulang si Ivan sa akin. Kung iisipin, parehas kaming busy sa kaniya-kaniya naming buhay... Kung busy ako sa pag-aaral at pagtatrabaho, siya naman busy sa negosyo niya. Pero kahit ganoon hindi niya pa rin ako isinasantabi.

Ang hirap sa 'yo Ivan, palagi mo akong pinipili!

Pasensya na... hindi ko kayang gawin ang ginawa mo.

Sa sobrang sabik ko na maabot ang pangarap ko na maging Nurse... Nagawa kitang talikuran.

Pero may part pa rin sa utak ko na mas mabuting nakipag-break na ako sa kaniya para mas makapag-focus na ako sa pag aaral. Oo, mahal ko pa siya... Pero sa ngayon off muna ako sa lovelife, pag-aaral muna.

Ngayong wala nang Ivan sa buhay ko, kailangan ko na masanay mag isa. Wala nang hatid sundo, wala nang yayakap, hahalik, at magtatanong kung okay lang ba ako. Ito ang desisyon na pinili ko, mahirap man pero kakayanin ko.

Habang nag naghihintay ng masasakyan ay biglang lumakas ang ihip ng hangin dahilan para sumabay sa pag-alon ang aking buhok.

Mga ilang minuto pa ay may tumigil na jeep sa harapan ko kaya bago ako sumakay ay hinawi ko muna ang wala sa ayos kong buhok at dali-dali sumakay sa naghihintay na jeep.

Kailangan kong masanay. Bahala na! I'm now a single. Isa rin pala sa mga dahilan kung bakit ako nakipag break kasi... Napakasamang tao ko na ba pag inamin ko na...

Nagsasawa na ako sa kaniya?


I hate myself for being myself! sa loob ng seven years unti-unti nang nawawalan ng buhay ang relasyon namin. Last year ko pa gusto makipag-break sa kaniya pero wala pa akong sapat na dahilan kung bakit gusto ko makipag hiwalay. I don't want to feel him offended by saying that I'm getting tired of you.





‘T-teka—saang lugar na 'to?’ bulong ko sa aking sarili habang nagmamasid sa bintana ng jeep.

“Ate, Guadalupe na po 'to,” Napalingon ako sa katabi kong nagsalita. Mukhang narinig niya ata ang binulong ko.

“Huh?” ‘di makapaniwalang saad ko.

Napatango-tango lang naman ang babae na ngayon ko lang napansin na parehas pala kami ng uniform kaya halatang iisang university lang ang aming pinapasukan.

Patay! Hindi ko alam pauwi.

“Bababa ba kayo?” sigaw ng jeepney driver, dahilan kaya agad akong napalingon. Naunang bumaba ang babaeng katabi ko kaya sumunod na lang ako.

“Ate, wait! Saan ba sakayan pa-vito cruz?” tanong ko bago pa siya tuluyang makatawid. Kita ko na medyo natawa siya dahil siguro nahalata na niyang naliligaw ako.

“Doon ka sa kabilang kanto mag antay ng jeep. Mababasa mo naman 'yung Vito Cruz, so doon ka dapat sumakay,” nakangiti niyang paliwanag matapos ay tumawid na papunta sa kabilang kalsada.


Nakasanayan ko nang may nag hahatid sundo sa akin kaya ngayon ko lang nalaman na hindi pala ako marunong mag commute.

Wala akong magawa kun‘di maglakad-lakad papunta sa kabilang kanto na sakayan ng jeep. Grabe! Akala ko madali lang makipag-break sa seven years of being in a relationship.

Ang hirap mag move-on, lalo na pag may feelings ka pa sa kaniya. Pero wala! Pag-aaral pinili ko, so dapat panindigan ko ang desisyon na tinahak ko.

He's a distraction.

Malapit na ako sa kanto nang mapadaan ako sa Calixto Bar. Alas singko pa lang ng hapon pero bukas na agad sila. Ewan ko, pero may nag-udyok sa akin na silipin ang loob ng bar na ito sa pamamagitan ng glass wall. At sa hindi inaasahan—

Nakita ko siya...

‘Si Ivan,’ bulong ko't napatigil sa paglalakad.

Nasa loob siya ng bar at may tatlong bote sa kaniyang harapan habang nakatulala kawalan. Sa sitwasyon niya ngayon ay masasabi kong mukha siyang lugmok at halata rin sa mga mata niya na kagagaling lang niya sa iyak—at mukhang iiyak pa.

Gusto ko siyang lapitan at awatin sa ginagawa niyang pagla-lasing dahil baka kapag nasobrahan siya sa pag inom, masugod na naman siya sa ospital gaya na lang ng nangyari dati.

‘Sandali—’

Biglaan akong napatigil sa paglalakad at ngayon ko lang napagtanto na nasa harapan na pala ako ng pintuan nitong bar, hawak ang door handle at akmang bubuksan na ito.



“Savanah?” rinig kong tawag niya.

Dumiretso ang tingin ko sa puwesto ni Ivan at halatang pati siya'y nagtataka. Bakit nga ba narito ako? para awatin siya sa pag-inom? Hindi! Wala na, tapos na kami. Dapat wala na kaming pake sa isa't isa.


Umiling-iling ako at marahan kong ibinalik sa pagkakasara ang glass door at nakayuko akong tumalikod para maglakad papalayo.




“Sav!”

Hindi na ako lumingon pa nang tawagin niya ako nang pasigaw. Kapag kasi pinansin ko pa siya, paniguradong magtutuloy-tuloy iyon hanggang sa mahihirapan na naman akong pagtabuyan siya.

Hindi ko na natiis na mag-tagal pa sa lugar na ito kaya dali-dali na akong tumakbo at agad na pinara ang jeep na tumambad sa harapan ko.





***

“Ate, ang hirap…” hagulgol ko habang nakayakap naman sa akin ang kaisa-isa kong kapatid. Kanina ko lang inamin sa kaniya na nakipag-break na ako kay Ivan, at siya naman itong dumalaw sa rent house na tinutuluyan ko para damayan ako.

“Sabi mo sa kaniya distraction siya, ‘di ba?” tanong ni ate na mas nakapag-palakas ng iyak ko. “Mas pinili mo ang pag-aaral para lalo kang makapag-focus kaya dapat panindigan mo,” dagdag pa niya habang hinahagod-hagod ang aking likod.

“Ate, nahihirapan ako. Ano gagawin ko?” tanong ko. Akala ko kasi madali lang ang lahat. Kapag nakipag-break ako, tapos na ang problema... Mas lalo ko lang pala pinalala.

“Gusto mo na ba talaga siya kalimutan? sayang ang seven years,” tanong ni ate na may halong pag-aalala at sinseridad sa mata. “Mahirap pero... Oo,” sagot ko.


“I suggest... Mag travel ka.”

“Effective ba 'yun?” tanong ko at nag-angat ng tingin sa kaniya. Patuloy lang naman siya sa pag hagod ng buhok ko matapos ay bumuntong hininga.

“Titignan natin," sagot niya kasabay ng tipis na pagtango. “After mo mag-travel, at hindi ka pa rin makapag move-on… balikan mo siya!” dagdag pa niya na nakapag kunot ng noo ko.

“Pero kung after ng travel mo at talagang limot mo na siya… edi nag tagumpay ka.”

The Art Of RealizationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon