𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱 ✓
A woman who fell out of love, and a Man who chose to let her go for a better, eventually made a wonderful art of realization. Sa pag-ikot ng mundo, dalawang tao ang napaglaruan ng tadhana.
__________________________
𝐒𝐇𝐎𝐑𝐓 �...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
So as long as I live I love you. Will haven' and hold you, you look so beautiful in white. And from now 'til my very last breath, this day I'll cherish. You look so beautiful in white~
Beautiful in White (Shane Filan)
IVAN
‘So, this is it! This is the most important day of my entire life.’
Muli kong pinagmasdan nang may ngiti sa labi ang lahat ng mga bisita na dumalo sa importanteng araw na ito.
Hindi ko makakalimutan ang mga taong sumuporta at nag-tiwala sa amin. Bawat ngiti sa mga labi nila’y purong tatatak mismo sa alaala ko. Sa dinami-rami ng problema at pagsubok na nagdaan sa amin, hindi ako makapaniwalang narito na kami sa next level ng buhay. Paano nga ba kami napunta rito?
“Handa ka na, tol?” tanong ng pinsan ko, sabay akbay sa aking balikat.
Lumingon ako kay Andrei, ang aking best man. Hindi ko maitatanggi na itong lalaking ‘to ay sadyang nagkaroon ng napaka-laking halaga sa buhay ko.
Tinapik ko ang kamay niya’t sinabing, “Yes, tol!” Ngumiti lang siya’t ibinalik ang tapik sa akin. “Drei, salamat nga pala sa lahat,” saad ko’t tumawa. “You're the best bro, ever!” dagdag ko pa at pabiro siyang sinuntok sa bandang dibdib.
Natigil kami sa pagbibiruan nang tumunog na ang isang musika. Dahil doon ay sabay-sabay kamin napatingin sa napaka-laking pinto ng simbahan.
Nang bumukas ang pinto, isang napaka-gandang babae ang bumungad sa aming harapan…
Ang babaeng dahilan kung bakit narito ako ngayon.
Habang pinapanood ang bawat hakbang niya palapit sa akin ay hindi ko mapigilan ang aking mga luha at maiwasan isipin ang mga panahong nasa gitna pa kami ng problema.
Naalala ko na naman ang araw noong muli kaming nag-kita sa Norway…
——
*Flashback*
“Wow, congrats! Good luck sa journey mo. Sige, una na ako,” saad niya, sabay yuko at nilampasan lamang ako nang lakad.
Hindi ko inalis ang paningin ko sa kaniya habang pinapanood ang kaniyang bawat yapak palayo sa pwesto ko.
Eto iyong pakiramdam na akala mo fully moved-on ka na sa nakaraang pag-ibig mo, pero may parte pa rin pala sa puso mo na makara-ramdam ng kaunting kirot pag nakita mo ang actual na pag-layo ng taong minsan mo ring minahal.
Nasa malayo na siyang puwesto pero hanggang ngayo’y sa kaniya pa rin naka-tanaw ang aking mga mata.
‘Savanah, wala na tayo... Pero bakit nasasaktan pa rin ako?’
Masakit, nakapang-hihinayang, pero wala akong magawa kun’di hayaan siya at ibalik na lamang ang tingin sa daan na dapat kong daraanan.
Hindi pa ako nakalalayo ng lakad ay sadiyang hindi ko mapigilan ang aking sarili, at sa pangalawang pagkaka-taon, muling napalingon sa kaniya.