𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱 ✓
A woman who fell out of love, and a Man who chose to let her go for a better, eventually made a wonderful art of realization. Sa pag-ikot ng mundo, dalawang tao ang napaglaruan ng tadhana.
__________________________
𝐒𝐇𝐎𝐑𝐓 �...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ika'y biglang natauhan, umalis ka agad nang hindi nagpapaalam. Ang sabi ko hindi kita mami-miss, hanggang kailan ito matitiis~
–Halik (Kamikazee)
IVAN
[“Hon, samahan mo naman ako mamaya sa beauty shop. Ibang brand ng lipstick kasi yung na-order ko eh.”]
“Oh, ‘di mo type?” tanong ko sa kabilang linya.
[“Uhm, masisira kasi beauty collection ko pag may nahalong ibang brand. You know... Girly things hahaha,”] sagot niya, habang ako nama'y hirap na hirap na maisuot itong pantalon. [“So, ‘yun nga… Masasamahan mo ba ako?”]
“Yeah, sure! sasabihin ko lang kay Andrei na siya muna mag bantay rito sa comshop,” sagot ko, matapos ay ibinaba na niya ang linya.
1 month has passed when we broke up. Sa loob ng isang buwan ay hindi mapagkakaila na maraming nagbago at talagang maraming nangyari. Pero hindi ibig sabihin ay tuluyang naka-move-on na ako.
Nang una, talagang mahirap bitiwan ng relationship namin para sa akin. Simula noong nag-break kami ni Sav, halos araw-araw na ako tumatambay sa Calixto bar para ubusin ang pera sa paglalasing para lang tuluyang makalimot.
Until that naughty girl came. She made me realize the hurts of reality and the trip of destiny.
Matapos niya ako nakawan ng halik nang araw na iyon, hindi na niya ako tinantanan. Bawat punta ko sa Calixto bar naroon din siya. Hindi rin naman nagtagal na-fall kami sa isa't isa, hanggang sa naging kami eventually. Kinuwento ko sa kaniya ang past relationship ko and tinulungan niya naman ako makalimot.
“Tol, ikaw muna bantay,” saad ko nang maabutan ko ang tropa kong si Andrei na kapapasok lang sa aking computer shop. Nakangising tumango lang naman ang naging sagot niya sa akin.
“Grabe tol, ilang beses kayo mag date ni Olivia sa isang araw?” biro niya pa kasama ang sunod-sunod na pagtawa habang inaayos ang hawak niyang papeles na mukhang ipapa-xerox niya ata.
“Loko! Sasamahan ko lang sa Mall,” bawi ko at inayos na ang mga gamit para tuluyan nang makaalis.
***
“You're too early!”
Agad niya akong nilapitan sabay yakap at binigyan ng matamis na halik. “Hmm, Inom tayo mamaya?” malambing niyang tanong matapos bumitaw sa pagkaka-halik.