CHAPTER THIRTEEN

7.2K 317 24
                                    

Chapter Thirteen
~•~

Knoxx’s Point of View

NAALIMPUNGATAN ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Nakakainis, normal pa bang tumawag sa ganitong oras? Agad ko naman itong kinuha para sagutin.

“Hello? It's 4AM in the morning! F*ct it!” bulyaw ko sa kabilang linya.

“You br*t!” napabalikwas ako sa kakahiga ng marinig ko ang boses ni Noona sa kabilang linya.

Lagot ka na naman ako mamaya sa kaniya. Ba't kasi ‘di ko tiningnan bago ko sinagot. F*ck it!

“Binago ang schedule ngayon kaya walang magaganap na championship match.”

“What? Ba----” Sasagot pa sana ako ngunit pinutol ito ni Noona.

“Si Lolo ang nag palit nun at wala akong kinalaman dun. Mamaya ay may gaganapin na welcome party d'yan sa mansiyon. Nasa closet mona rin ang susuotin mo mamaya.” ani nito at pinatay ang tawag.

Padabog ko namang binalik sa lamesa ang cellphone ko.

Kagabi ay hindi na 'ko kumain dahil nalaman kong dumating pala ang lolo. Hindi nako nagpakita pa sa dining area at nag rason akong pagod ako dahil sa laro kahapon. Panalo kami kaya makakalaban namin ang Brix---sina Zeus.

Hindi na ako dinalaw ng antok kaya lumabas ako upang mag pahangin.

Malaki ‘tong mansiyon kaya mga minuto pa bago ako makalabas dito. Napansin ko pa ang ibang mga maid dito ay may inaasikaso na.

Tinahak ko naman ang daanan papunta ng dining area upang kumain.

“Good morning young master."

Bati sakin ng mga maid na nadadaanan ko, ngumingiti lamang ako sa kanila bilang sagot. Minsan ay naiinis ako na tinatawag nila akong young master ayos lang naman sakin ang Knoxx nalang, pero pag narinig ng lolo ko na tinatawag nila ko sa pangalan ko ay matatanggal din agad sila.

Bakit kasi ako pa ang mamanahan niya ng mga kumpanya. Oo alam kong lalaki lang sa pamilya ang pwedeng manahan ng ganun, pwede naman ang anak nitong si Uncle, ang Dean ng unibersidad.

Minsan talaga hindi ko na alam ang nasa utak ng matandang iyon, kainis.

“Knoxx.” natatigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses ni Noona. “Samahan moko.” dagdag pa nito at agad na hinablot ang kamay ko.

Hawak-hawak ako ni Eonni habang pababa nitong hagdanan, ‘di kalayuan ay natanaw ko ang isang kotse sa labas ng mansiyon. That was the car I've wanted, a Lamborghini.

“Lamborghini?” namamanghang sabi ko sabay lapit rito.

Kulay itim ito katulad ng pinapangarap ko, may mga disenyo pa itong flare sa tabi nito. Sa loob nito ay may upuan na good-for-two.

“Pwede samin ni Sync.” I said amazingly.

“Sync, ha?” rinig kong sabi ni Noona at umubo pa. “Pag nanalo kayo sa laro, hindi lang ‘yan ang matatanggap mo. Bago ko ibibigay sayo ‘yan, siguraduhin mo munang ipanalo mo ang laro. Alam kong matagal mo ng pangarap ang ganitong kotse, pag natalo ka. Alam mo na ang mangyayari.” isang halakhak ang narinig ko sa kaniya habang pinapalibit sa kamay niya ang susi ng kotse at inilagay sa bulsa nito.

Umupo ako sa isa sa mga upuan dito sa labas ng mansiyon, tinitingnan ko lang ang pag labas ng araw. Huminga ako ng malalim upang langhapin ang sariwang hangin dito sa labas, matagal narin kasi nung huling nakaranas ako ng ganito.

Knoxx Kraig ReiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon