CHAPTER NINE

8.2K 344 13
                                    

Chapter Nine
~•~

Sync’s Point of View

HANGGANG ngayon ay hindi maalis sa isipan ko ang ginawa ko kahapon. Kusa nalang gumalaw ang katawan ko at binati siya sa unang panalo nila.

Matapos niya akong yakapin kahapon ay hindi ko maintindihan ang sarili ko, kusa ko itong niyakap pabalik. Kapag nakikita ko siya ay hindi ko maintindihan kung bakit mabilis ang pagtibok ng puso ko.

Ganitong ganito ang naramdaman ko nung nakilala ko si Liam nung grade 12 ako, umalis siya sa pilipinas upang puntahan ang mga magulang niya sa ibang bansa.

Grade 12 ako nun at kolehiyo siya nung nagkakilala kami sa isang café shop, simula nun ay nag ka mabutihan kaming dalawa hanggang umalis na siya at iniwan ako.

Nangako kami sa isa’t-isa na pag balik na pag balik niya dito ay papakasalan niyako. Pero nabalitaan ko na lang na ikakasal siya sa anak ng isang kilalang pamilya sa Korea.

Ilang buwan kong hindi matanggap ang mga nangyayari sa akin, si Klein ang laging nasa tabi ko sa mga oras na iyon.

Akala ko ay hindi ko na ito mararamdaman pa, pero nung nakilala ko si Knoxx...nag bago ang lahat. Aaminin ko na medyo nagustuhan ko si Knoxx, pero natatakot ako. Natatakot akong maiwan ako sa huli.

“Sync, are you okay?” napa balik ako sa reyalidad ng kausapin ako ni Klein. Napatango na lamang ako sa kaniya at ngumiti.

Kasalukuyan kaming nasa stuff room, naghahanda ng mga towel at maiinom ng mga players. Mabilis kong inihanda ang mga dadalhin ko ay ang sarili ko.

Nakita ko nang isa isa silang lumalabas kaya sumunod naman ako sa kanila, nauna na si Kyzzer sa gym kong saan gaganapin ang pangalawang laro nina Knoxx.

Binilisan ko ang pag lakad ko pero natigilan ako ng makita ko si Klein habang nakatingin sakin ng seryoso. Lumakad ito papunta sa akin.

“Bakit ganyan ang mukha mo?”

Natigilan ako sa sinabi niya. Nakatingin lang ito ng seryoso sa akin, “Si Liam ba?” napayuko ako sa sinabi niya. Walang ka emo-emosyong tumango ako sa kanya. Kahit kailan e alam na alam talaga ako ni Klein.

“Ilang taon nadin ‘yon. Wala na ‘yon. Kinalimutan kona ‘yon.” nakangiting ani ko sa kanya.

“Alam kong nagsisinungaling ka, Sync. Kaibigan kita kaya alam na alam kita. Alam kong may gusto ka kay Knoxx dahil yun ang napansin ko, pero takot kang sabihin. Takot kang mag mahal. At dahil lang sa mukong na Liam ‘yon.” seryusong ani niya, “Matagal na ‘yon pero presko padin sa isipan mo ang nangyayari, Sync! Alam kong hindi maalis alis sa isipan mo ‘yon! Matagal na ‘yon, Sync.”

Nabitawan ko ang mga dala ko ng biglang mawalan ako ng puwersa, nanginig ang mga kamay at paa ko. Maya-maya na lang ay tutulo na ang mga luha ko.

“Oo, matagal na ‘yon. Pero ang sakit padin, Klein. ” Hindi ko mapigilan ang luha ko sa pag labas, “Matagal kunang gustong kalimutan ang mga ‘yon pero...hindi nakikisabay ‘yong puso ko, e. Ginawa ko na ang lahat para kalimutan ko siya pero wala. Ilang taon na pero wala padin. Hindi ko nga alam bakit ako nagkaganito.”

Patuloy na dumadaloy ang luha ko, walang tigil ang panginginig ng mga kalamnan at paa ko. Nawalan ng pwersa ang paa ko dahil sa panginginig kaya napaupo ako.

Knoxx Kraig ReiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon