Chapter Fifteen
~•~Sync’s Point of View
“Hoy, gumising kana. Nasa labas na ‘yong bus na sasakyan natin.” gising ni Klein kay Claude.
Nakalatay lang si Claude sa higaan habang tulog na tulog.
“Anong meron ba kasi?” bangon nito habang kinukusot pa ang mata.
“Ul*l! Vacation party natin ngayon.” gulat kami ng bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Onyx. Nasa likuran naman niya sina Veltrix at Sid.
“Loh?” gulat na tumayo si Claude at agad na inayos ang sarili niya. “Bakit kasi hindi niyo 'ko sinabihan kaagad.” pag mamaktul nito. Parang naging kasalanan pa namin.
Binatukan ito ni Klein, “Kanina pa kita ginigising pero anong ginawa mo? Hindi mo 'ko pinapansin.” ani pa nito.
Iling-iling lang ako habang nakatingin sa kanila, “Mauna na 'ko sa inyo, para madala ko na sa bus ‘tong mga gamit ko.” paalam ko sa kanila.
Matapos kong mag paalam sa kanila ay agad akong lumabas ng dorm at tinahak ang daan pababa sa may first floor, nasa second floor kasi ang dorm naming tatlo ni Klein at Claude.
“Ang bigat.” bulong ko habang hawak-hawak ang mga gamit na bitbit ko
“Here, let me help you.” rinig kong sabi. Tiningnan ko ito at si Knoxx lang pala.
Kinuha nito ang dala kong gamit at sinamahan ako pababa, “Bakit ka pala pumunta dito?” takang tanong ko sa kanila.
“Para makita ka.” may galak ito sa boses niya. Ngumiti pa ito sakin kaya ningitian ko na lang.
Alas tres palang ng umaga kaya kunti palang ang mga taong nandito sa may hotel na pinag do-dorm namin.
“Are you two in a relationship?” tanong ng isa sa mga receptionist.
Nakita ko ang mga receptionist habang kilig na kilig habang nakatingin lang sa amin ni Knoxx. Ako naman ay hiyang nakatingin lang sa kanila.
“Hindi pa. Pero malapit na.” nakangiting ani ni Knoxx sa mga receptionist.
Malakas na nag sitilian ang mga receptionist sa may counter. Nag paalam naman kami sa kanila at agad na lumabas ng hotel.
Bumungad sakin ang isang bus, malaki ito. Nakita ko ang kambal sina Yuri at Yuno habang kumakaway pa sa akin, kaya kumaway narin ako sa kanila pabalik.
Inilagay na ni Knoxx ang mga gamit ko sa tabi ng gamit niya, pagkatapos nun ay pumasok na rin kami ng bus.
Bawat upuan ay may tig da-dalawa ang makakaupo, lumakad kami ni Knoxx sa may bandang likurang upuan at doon umupo.
“Tabi tayo.” bungad sakin ni Saint habang nakangiti.
Tumingin naman ako kay Knoxx habang nakatingin ng matalim kay Saint.
“Gusto mo bang bali ang buto mo bago tayo makarating?” seryisong ani Knoxx pero tinawanan lang siya ni Saint.
“Eh...upo na tayo.” pag iiba ko habang hinihila si Knoxx sa isa sa mga upuan na nasa likuran nina Saint.
Umupo na ito at mukhang kumalma na, umupo ako sa bandang bintana kasi gusto kong makita ang mga tanawin habang bumabyahe kami sa pupuntahan namin.
Nasa tabi ko naman si Knoxx habang hinahawakan ang kamay ko at tinitingnan pa ito habang nakangiti.
“We're here.” bungad nina Claude pag ka pasok ng bus.
Kasunod naman nun ay nag si upuan na kaming nandito sa loob. Nakita ko pa na nakaupo si Klein sa tabi ni Dexus, naging awkward para sa kanila dahil may gusto si Dexus kay Klein.
BINABASA MO ANG
Knoxx Kraig Reigan
Romance[B×B] [MPREG] Status: COMPLETED OMEGAVERSE Former Title: Alpha Series #1: Owned By An Alpha. The story of Knoxx and Sync. - Knoxx Kraig Reigan is the only grandson of Mr. Rafhael Reigan known as the most richest business man's alive. Mr. Rafhael Rei...