Chapter Four
~•~Sync's Point Of View
SIMULA nung pag aanunsyo namin sa gymnasium ay naging busy na ang lahat ng mag aaral dito sa unibersidad. Naging busy sa pag hahanda at pag lilinis sa buong campus, naging mahirap para sa amin dahil napakalaki ng unibersidad na ito.
Naging mahirap para sa mga atleta ang desisyon na ginanap, wala silang ginagawa araw-araw kundi ang mag ensayo. Kami namang Supreme students at mga stuff ng unibersidad ay naging busy rin, pabalik balik kami sa pag lilinis at pag titingin sa mga atleta na nag e-ensayo.
Bawat stuff at supreme student ay binibigyan ng sports na binabantayan namin, kaming apat nina Kyzzer, Onyx at Klein at nasa Basketball at Boxing kami. Ang apat naman na sina Sid, Claude, Dean at Veltrix at nasa golf at billiards. Ang ibang stuff naman ay nanduduon sa swimming.
Naging komplekado para sakin ang sport na napuntahan ko dahil nandoon ang lalaking kinaiinisan ko, gusto koman na lumipat ay wala akong magawa dahil desisyon ‘yon ng Dean.
“Sabi ng Dean ay dadalhan raw ng maiinom ang nasa basketball team,” basag ni Professor Go sa katahimikan, “Pati narin sa boxing,okay?” dagdag pa nito sabay alis.
Tumayo naman kaming apat at kinuha ang cool box na Puno ng Gatorade, kasama ko si Kyzzer tumungo sa basketball team at sina Klein at Onyx naman sa boxing team upang mapadali ang trabaho.
Pag dating sa basketball court ay nadatnan naming nakaupo sa court ang mga players na hingal na hingal galing sa training. Pag pasok namin ay biglang napatingin ang mga players sa kinaroroonan namin, napatigil kami pareho ng makita namin ang mga players dito na nag babago ang ekspresyon ng mukha nila na tila ba'y nakakita ng anghel.
Mabilis silang tumayo at tumakbo sa kinaruruonan namin ni Kyzzer, mabilis nilang binuksan ang dala naming cool box nag sikuha ng mga Gatorade. Ang iba naman ay ngumingiti pa sa amin kaya ningitian narin namin, sabay ng pag kuha ng maiinom nila ay binibigyan din namin sila ng towel upang punasan ang kanilang pawis.
Pareho kaming dalawa ni Kyzzer na napatingin sa court ng makita namin sina Knoxx at Xanthos na nakaupo sa court habang hingal na hingal.
“Ako na bahalang mag bigay ka Xathos.” ani ni Kyzzer sabay kuha ng towel at Gatorade.
Tumango nalamang ako sa kaniya at kumuha sa cool box ng isang Gatorade at kumuha narin ako ng towel.
Palakad-lakad lang ako patungo sa kaniya habang hawak-hawak ang Gatorade at isang towel, lumakad at patungo sa tabi nito at umupo.
“Here.” dalo ko ng Gatorade, kinuha niya naman ito at ininom ito.
Napatingin naman ako sa kaniya habang iniinom niya ang binigay kong gatorade, kita ko ang pawis galing sa mukha niya papunta sa katawan niya. Naka sando ito, kita ko ang makinis na balay nito at ang buti pa. Kahit may pawis ito ay naaamoy kopadin ang pabango niyo, ang linis niya tingnan.
“He's hot.” napatakip ako sa labi ko ng masabi ko ang mga katagang iyon.
Napayuko naman ako habang tinatakpan ang labi, “F*ck! What's gotten into you, Sync!?” inis kong asik.
Aalis na sana ako ng hawakan niya ang kawak ko, “What did you say?” nakangiting tanong nito, “Bakit namumula ang mukha mo?” dagdag pa nito.
“W-wala...” nauutal kong sabi. Aalis na sana ako ng hinawakan niya ulit ang kamay ko, “What now?” kunwaring asik ko.
“Towel?” nahihiyang binigay ko ang towel sa kaniya. Kita ko naman siya na nakangiti habang naka tingin sa akin, padabog naman akong umalis sa kinaroroonan niya.
BINABASA MO ANG
Knoxx Kraig Reigan
Romance[B×B] [MPREG] Status: COMPLETED OMEGAVERSE Former Title: Alpha Series #1: Owned By An Alpha. The story of Knoxx and Sync. - Knoxx Kraig Reigan is the only grandson of Mr. Rafhael Reigan known as the most richest business man's alive. Mr. Rafhael Rei...