Chapter Twenty Four
~•~
Knoxx’s Point Of ViewALAS dies na ng gabi at natapos nadin ang party. Nandidito lang kami sa labas ni Sync kasama ang ibang maid sa pag lilinis.
Sina Noona at Liam naman ay nasa loob ng mansiyon para tumulong kay Nanny sa pag lilinis.
Umuwi nadin ang ibang mga bisita kasama sina Xanthos at iba pa naming mga kaibigan.
“Young master, pwede napo kayong mag pahinga kasama ang kaibigan niyo. Kaya na namin ‘to.” Akmang bubuhatin ko na ang ibang plastic chairs subalit pinigilan ako ng maid namin.
“Nah, it's okay. I can handle this.” Sagot ko rito at tuluyan kong binuhat ang mga plastic chairs.
Lumakad na din ako sa bandang kanan kong saan ang stock house kong saan nilalagay ang ibang mga gamit rito. Nakita ko naman si Sync habang abala sa pag tutupi ng mga ginamit na palamuti sa party.
Habang pinag mamasdan siya sa ginagawa niya ay hindi ko magawang mapangiti. Pumasok sa utak ko ang unang pag Nikita namin, hindi ko man lang inisip na mag kakagusto ako sa kaniya.
“Smiling like a fool.” Napabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses ni Noona.
Napatingin naman ako sa bandang kaliwa ko kong saan ko narinig ang boses niya. Nakita ko siya habang naka crossed-arm na nakatingin sa gawi ko, lumakad naman ito papunta sa akin.
“May plano kana bang sabihin kay Lolo? Ilang buwan nalang at matatapos kana sa pagiging kolehiyo. Hindi din pwedeng manatiling papasok si Sync dahil sa kalagayan niya ngayon. Hindi makakabuti sa bata kapag patuloy siya sa pag aaral.” Tahimik lang akong nakikinig sa kaniya. “Wala ka nangmagagawa, Knoxx. Ikaw lang ang lalaki sa pamilya at sayo mapupunta ang kumpanya, hindi naman pwedeng si Liam ang mag aasikaso ng kumpanya dahil sa kumpanya palang ng mga magulang niya ay nahihirapan na siya.”
“Yeah. Hindi ko mona iisipin ang mga bagay na ‘yan, ang uunahin ko ay ang pagiging ama ko. Sa susunod na buwan ay manganganak na si Sync.” Napangiti ako. “Siya at ang magiging anak mona naman ang uunahin ko.”
“Hindi ko inaakala na mauunahan moko maging magulang.” Natigilan ako sa sinabi niya.
Tumingin ako kay Noona, kita ko siyang nakatingin sa mga bituing kumikislap sa itaas.
Bumaling ito sa akin. “Alagaan mo siyang mabuti. Mula pag ka bata ay ngayon ulit kitang na kitang masaya simula nawala sina mom at dad. Keep chasing your dreams, nandidito lang ako kasama mo.”
Tumalikod at kumaway hudyat na aalis na ito.
“I can't wait for my nephew.” Ani nito at tumingin sa akin ng nakakaloko. Pansin ko naman ang ibang mga maid namin na patingin dahil sa sinabi niya.
“Napaka----” Napatigil ako sa pag sasalita ng mapansin kong may nakatayo sa gilid ko.
“Mukhang seryuso ang pinag-usapan niyo, ha?” Bungad ni Sync habang pinupunasan ang kamay nito.
Lukad ako palapit sa kaniya.
“Hindi kana sana tumulong para hindi kana mahirapan. Baka anong mangyari sa baby.” Ani ko rito.
Binigyan ako nito ng malaking ngiti. “It's okay. You don't need to worry. I always cared about our child.”
-----
NANDITO kami ni Sync ngayon sa tabi ng pool habang ang mga paa namin ay nakababad sa malamig at preskong tubig. Dagdag pa nito ang preskong hangin at sinabayan ng magandang buwan at kumikislap na bituing sa kalangitan.
Dahil sa hangin ay umaalon ng bahagya ang tubig dito sa may pool dumagdag pa ang kislap nito dahil sa ilaw ng buwan.
Kaming dalawa nalang ni Sync ang nandidito sa labas. Nasa loob na ang mga maid at ang iba ay tulog na.
“Ang presko.” Lumanghap si Sync sa hangin kaya gumaya nalang ako. “Nice.” Ang saya ng tono ng pag sasalita nito. Dahan-dahan nitong hiniga ang ulo nito papunta sa balikat ko.
“Cold?” Tanong ko sa kaniya, umiling naman ito sa akin.
Nakahiga kang si Sync sa balikat ko habang ang mga paa nito ay nakababad sa tubig nitong pool. Naka-upo lang kami habang pinag mamasdan ang tubig na umaalon ng bahagya dahil sa hangin, lalong gumanda ito dahil sa reflection ng buwan sa tubig.
“Si Liam ba?” Tanong ko sa kaniya. “Si Liam ba ang dahilan kong bakit ka natakot mag mahal?”
Ramdam ko ang pag tango niya kahit hindi ako tumitingin sa kaniya.
“Yeah. Highschool ako at College siya nuon, hindi ko alam kong ano talaga ang relasyon namin sa panahong iyon. Nasaktan nalang ako nung nalaman kong ikakasal na siya, at hindi ko naman inaakala na kay Noona pala siya ikakasal. Simula nun hanggang naging college ako ay daladala ko ang takot na ‘yon. Takot akong baka mangyari ulit sakin ‘yon. Hindi ko inaakala na mawawala ang takot ma ‘yon dahil sayo, Knoxx.” Pansin ko ang masayang tono ng pag sasalita ni Sync.
Napatingin ako sa kaniya ng maramdaman ko ang pag palabas niya ng mabigat na pag hinga.
“Matagal na ‘yon at tuluyan nakong naka move on sa past na ‘yon.” Bumitaw ito sa pag kakayakap at bumaling sa akin. “Hey, Knoxx!” Tawag nito sa akin kaya napatingin ako rito.
Mag kaharap na kaming dalawa, inilabas naman nito ang pinky finger niya habang nakangiti ng malaki sa akin.
“Let's promise each other, okay?”
“Promise?”
“Yeah. Let's promise each other na hindi tayo mag kakahiwalay at huwag mokong iwan. Here show your pinky.”
Inilapit nito ang pinky finger niya habang bakas sa mukha niya ang saya.
How can I refuse if the one that I loved is doing this.
“I didn't regret that you are the one that I loved, Sync.” Kita ko ang mga kislap sa mga mata niya, na tila ba'y nasobrahan ito ng saya sa narinig niya.
Our pinky fingers are touches each other.
“Then, that's settled. Saksi ang anak natin sa mga ginawa nating mga pangako. You must take responsibility for that, Knoxx Kraig Reigan.” Nakangiti ito sa akin.
I kissed his forehead then giving him a tight hug.
“I will.” Bulong ko sa kaniya.
Niyakap niya din ang pabalik. Para kaming nasa kuwento, ang bidang nag mamahalin habang pinapalakas ang bond ng bawat isa. Nag yayakapan sa ilalim ng maganda at mailaw na buwan kasabay nito ang pag kislap ng mga bituin sa langit. Ngunit kapalit nito ay higit.
“W-what the hell is this!?”
Halos hindi ako---kami makagalaw pareho ni Sync sa kinaruruonan namin. Boses na alam ko kong kanina galing, boses na parating nakagapos sa akin.
Sa mga oras na ito ay hindi ko man lang maigalaw ang sarili ko. Hindi ko inaakala na dumating ang kinakatakutan ko.
“L-lolo...”
BINABASA MO ANG
Knoxx Kraig Reigan
Romance[B×B] [MPREG] Status: COMPLETED OMEGAVERSE Former Title: Alpha Series #1: Owned By An Alpha. The story of Knoxx and Sync. - Knoxx Kraig Reigan is the only grandson of Mr. Rafhael Reigan known as the most richest business man's alive. Mr. Rafhael Rei...