D.O's POVIt's been a month. (Isang buwan ng hindi naguupdate tong kupal na author na to. XD)
Isang buwan na kong hindi pinapansin ni Keith. And by that time, i was so sure of my own feelings.
I like her.
Pero anong gagawin ko? Gusto ko siyang makausap pero ayaw niya kong makita. I tried hard to approach her but she always refused to talk. (A/N: Ang toroy ni Keith masyadong pa-chix.)
The last talk we had, 2 weeks ago nung nakita ko siya sa lobby ng SM bldg.
"Umm.H-hoy..." kinalabit ko siya. Nakatayo kasi siya sa tapat ng elevator, siya lang mag isa.
She looked at me. Expressionless.
"Ano eh... Sorry..Ayun..pasensya ka na., kasi ano eh.. "
"A-at... Kasi.." hindi ako makapagsalita ng maayos. Hindi ko alam kung pano ko mapapaliwanag sa kanya na nagsisisi ako sa nagawa ko. Na dahil sa nagseselos ako kaya ko nagawa yun.
"Tapos ka na?" cold na pagkakasabi niya.
"H-huh? Ah..oo."
"Sige bye."
"Teka! Kausapin mo naman ako..."
"Kinausap naman kita ah. Okay na to. Sige na baka maabala pa kita." sabe niya
"Ano ba yan kasi eh. Ayusin mo naman." I shrugged
"Ako pa magulo ngayon ah? Alam ko naman na kakahinatnan nito eh. Mag sosorry ka, magiging okay for days tapos bigla mo nanaman akong hindi kakausapin. Okay na ko. Ayoko na ng paulit ulit, nakakabobo eh." (A/N: #Hugot!)
"Pakinggan mo muna kase ako." I insisted.
"Sensya na. Naiwan ko kase yung pake ko sa bahay eh. Yaan mo dadalin ko na sa susunod." sarcastic niyang sagot.
Okay. Di ako nakasagot agad. Barado ako dun e.
"Congrats ha? You've managed to make me feel like a worthless piece of shit again. Would you like an award for that?" I froze. First time i've ever seen her so cold like that.
"H-hindi naman sa ganun. Gusto ko lang s--" bumukas yung elevator.
"Bye Mr. Do." pumasok siya sa elevator at sinara ito. At ako? naiwan lang nakatayo doon.
BINABASA MO ANG
Living the Idol life (EXO Fanfic)
FanfictionIsa kang adik na fangirl (HAHAHAH) Nagpunta ka sa Korea para sa fan-meeting ng EXO. Dahil sa kashungahan mo, naaksidente ka. At pag gising mo, bumungad sayo ang mukha ng mga nachichismisang sila Victoria, Sulli, Luna at Amber ng girl group na f(x) B...