Chapter 35 part 2: Kiss-zoned

614 24 8
                                    

Keith's POV

"Okay guys, game?" pinaikot na ni Suho oppar yung bote. Gaya ng usual rules ng spin the bottle, Kung kanino matatapat yung nguso ng bote, siya yung tatanungin at kung kanino naman nakatapat yung pwet nung bote, sya naman yung magtatanong. Papipilin muna kung Truth or Dare yung natapatan ng bote.

"Okay, ang unang sasalang sa hot seat ay si....... Chen! At ang magtatanong ay si Sehunnie." Banggit naman ni Suho oppar. Nakapabilog kaming naka-indian sit ngayon. OMGEE. This is it, well ang main purpose lang naman ng game na to ay ang mapa-amin si Kris at si Amber, though walang kaalam-alam ang EXO dito (except for Kyungie kase kasabwat na sya dito)

"Wala ikot ulit! Wala namang matinong isasagot tong si Chen-hyung eh." Sabe ni Sehun at nagpupumilit na ikot ulit ang bote

"BOOOOOM!" as usual, boy reaction Chanyeol bebs =______=

"So gusto mo ng seryosong usapan? Game." Seryosong pagkakasabe ni Chen. HUWAW first time!

"WHOAAAAAAAAAA" nganga kaming lahat eh. Pers tym kasing nagseryoso to. Kaiyak ;_;

"Umm... Okay hyung. Truth or Dare?"

"Truth."

"Sige...Kung papipiliin ka sa mga members natin, sinong gusto mong maging ikaw at baket?" seryoso ding tanong ni Sehun kay Chen

"Okay, first of all, thank you for that wonderful question Mr. Oh, well kung papipiliin ako kung sino ang gusto kong maging ako sa mga members natin at kung bakit, Pinipili ko ang sarili ko. Alam naman nating lahat na bukod sa kagwapuhan ko not to mention my angelic-voice, aba eh san ka pa? Actually nung bago tayo idebut, ako dapat ang visual ng EXO-M eh. Kaya lang sabe ko kay Boss Sooman, ako na nga yung lead vocal pati ba naman sa visual ako pa rin? Ako na lahat. E pano naman kayo diba? Ano na lang natira sa inyo? Si Chanyeol nga dahil walang mabigay na role sa kanya ginawa na lang reaction king eh. Actually dapat akin rin yun kaya lan-------"

"Tang ina mo manahimik ka." Sabe ni Baekhyun habang sinupalpal yung bibig ni Chen

"Pota bat kase yan pa yung inuna nyo." Sabe naman ni Chanyeol

"Sabe sa inyo eh, di yan matino kausap eh." Dagdag naman ni Sehun

"Jusko chen di ka na nahiya kina Victoria-noona, ibalik nyo na nga to sa kulungan, di nanaman napakain ng katol." Sabe ni Luhan tas yung dalawang leader napa-face palm na lang sa kagaguhan ni Jongdae. Pucha di na kayo nasanay XD

"Bakit baaaaaaaa? Mga insecure lang kayo saken eh! Kasi ang pogi ko!! Kase----"

"Asan na ba yung pamalo ko??!!" sabe ni Kris at pinilit pigilang magsalita si Chen, alam na, anlakas nanaman ng tama.

"Ehem!!! Okay moving on......ohhhh, Victoria noona and Baek" sabe ni Suho

"Yun! Uhhh...pwede naman personal questions diba?" tanong ni Baek

"Oo naman! Yan nga ang charm ng spin the bottle eh!" sagot naman ni Luna

"Sige sige ha. Umm.. Noona, ano namang reaksyon mo nung nalaman mong nagde-date pala si Tifanny noona at Nichkhun?" oo nga, curious din ako eh.

"Ahhh yun ba? Hahaha, what can I say? I'm happy for them!"

"Wehhhhh ang showbiz!!!" sabe naman ni Sulli at Luna

"Ehh diba po parang may something kayo ni Nichkhun?" follow up question ni Baek kay Vic-umma

"No, no wala kaming "something" hahha, I mean, Nung shinoot namin yung We got Married, I already knew about it. Siya mismo nagsabe saken na that time, nililigawan na pala nya si Tiffany unnie so ayon, nagpaalam pa nga ko kay Unnie nun eh. Yun lang yun. Sinunod lang namin yung script tsaka yung utos ng director hahaha." Sagot naman ni Vic-umma.

Living the Idol life (EXO Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon