D.O's POV"Ughhh..." nagising ako, anong oras na ba? Tiningnan ko ang phone ko, alas tres na ng madaling araw.
Hindi na ganun kainit ang pakiramdam ko. Bumaba na siguro lagnat ko. Bumangon ako para kumuha ng tubig pero pagtingin ko andun sa may paanan ko si Moon Cake. (A/N: Si keith yun. Malandi kase tong si Kyungsoo eh, pumepet name din hahaah)
Oo nga pala. Siya pala nagbantay sakin. Nako, baka hanapin to sakanila. Dalawang gabi na tong dito natutulog eh. Nako naman to sila Chanyeol bakit hindi na lang siya pinauwi, kawawa naman to. Tch.
Kumuha ako ng kumot at isinapin sa kanya. I looked at her.
Hindi ko maintindihan. For some reason, gusto ko siyang makita. Yung as in totoong mukha niya.
Napahawak ako sa dibdib ko. At ambilis nanaman ng tibok nito.
Ano 'to. I think i'm having an allergic reaction...to her. (A/N: allergic reaction pa gusto. Lande. Hahah)
I went back to bed at nagtalukbong. Iba na to. Ambilis na palagi ng palpitation ko. Baka atakihin ako neto sa puso. Pinilit kong matulog. Siguro nasobrahan na ko sa pagod. Tama. Fatigue siguro to. Itutulog ko na lang. Wala lang to. T_T
>>Fast forward<<
A month later. Nag woworld tour naman ang f(x). Nasa japan sila mag iisang buwan na. Kami rin busy rin sa mga variety shows. Busy na sa kanya kanyang promotions.
"Hello bebs? O kamusta na?" sabe bigla ni Chanyeol, andito kami sa dressing room, may shinoshoot kasi kaming CF.
"Gara mo hahaha hindi ka nagrereply pag tinetext kita!" sigaw ulit ni Chanyeol.
"Uy! si Keith yan??" lumapit bigla si Baek
"Paka-usap naman oh!" sabe niya at nagpupumilit na agawin yung phone ni Chanyeol.
"O bebs kausapin ka daw ni Baek. Eto na nga wag kang atat!" tapos pinasa niya naman ito kay Baekhyun
"Besprennnn!! Konnichiwa! Genki desu ka?" sabe ni Baekhyun. Aba, may natutunan din pala to sa Japanese training namin dati. =__= at ayon patuloy ang telebabad nilang lahat. Pinagpasa pasahan na nila yung phone lahat kasi gusto siyang makausap. Bakit? Anong meron? Ganon ba sila kasabik sa kausap? T__T
Busy akong nagsusurf sa net. Walakompake sa kanila.
"Oy Kyung gusto mo din kausapin si Keith?" tanong ni Chanyeol pero yung phone nya andun pa kay Sehun
BINABASA MO ANG
Living the Idol life (EXO Fanfic)
FanfictionIsa kang adik na fangirl (HAHAHAH) Nagpunta ka sa Korea para sa fan-meeting ng EXO. Dahil sa kashungahan mo, naaksidente ka. At pag gising mo, bumungad sayo ang mukha ng mga nachichismisang sila Victoria, Sulli, Luna at Amber ng girl group na f(x) B...