KEITH's POV
"Keith sorry na ah. Bati mo na kame ah?" sabe ni bebs. Alas dos na ng madaling araw. Andito kami sa dorm ng EXO kasi medyo lumakas na yung snow. Dito na rin kaming lahat nagpatuloy mag celebrate ng Christmas.
"Okay na nga hahaha. Unli?"
"Ehhh kase antagal mo kaming di kinausap eh." sabe naman ni Baek
"Nakakainis kase kayo e haha. Inindian nio ko nung celebration ng bday ko."
"Eh kasi nga bespren...Diba nasabe ko na sayo diba? Di naman talaga namin sinasadya yun. Kaya sorry na." sabe ni Baek
"Okay lang, bawing bawi naman na ngayon eh."
"Oo nga e. Matapos yung lambuchingan nio kanina ni Kyung, ang drama nyong dalawa. Hahahah gusto nyo naman pala ang isa't isa, andami pang drama e." pang aasar nila Baekhyun. Automatic naman na nagkatinginan kami ni Kyungsoo at nahiya.
"Yiiieeeee~ Jusko Keith naiyak ako dun sa sinabe mo kay Kyung, yung sabe mo "I hate how I love everything about you." Tagos puso e. Ramdam kita." sabe naman bigla ni Luna
"Wag mo na paalala hahaha piste. E totoo naman..king ina neto ni Kyungsoo e pinaglalaruan ng feelings ko."
"Oy h-hindi ah. Ikaw nga yon e, Pag nanjan si J-hope para lang akong hangin sayo!" pagpoprotesta naman ni Kyungsoo
"Wow. Eh sino bang nauna? Ikaw nga nung anjan yung ex mo ni hindi mo nga ko matingnan, pagkatapos mo ko ikiss nung hinatid mo ko sa dor---" agad agad tinakpan ni Kyungsoo yung bibig ko
"KISS?! Bago pa man may aminan na naganap nagkiss na kayo?!" sigaw naman nila Sulli ambilis nagsilapitan ng mga EXO members na kanina busyng busy sa pagkaen.
"Kwento naman jan! Sino nagkiss?!" sigaw nila Chen
"Eh kasi alam nyo b---" tinakpan ulit ni Kyungsoo yung bibig ko.
"Uy ano ba! Wag mo nga takpan hayaan mo siya magkwento" utos ni Vic-umma tapos yon walang nagawa si Kyungsoo kundi hayaan akong ikwento yung kalandian niya. Hahaha
"Kase diba alam nyo ung gabi na tayo natapos sa practice tapos sinundo niya ko." sabe ko, naka focus silang lahat sakin tapos ang HunHan naman nakahawak kay Kyung para di niya ko mapigilan magkwento.
"Hinatid niya ko hanggang dorm tapos nung nasa pinto nako bigla siyang nagtanong kung ano daw ung gamit kong lipbalm."
"HAHAHAH plot twist! Bakla ang lolo mo. Apir tayo jan mareng kyungsaa" biglang nagboses beki si Chen at aktong makikipag apir kay Kyung
"Gusto mo umapir sa kamao ko?" tapos tinitigan niya ng masama si Chen. Lam nyo naman special talent ni Kyungsoo yan. 😂
"De joke lang po Boss." sabay atras si chen e.
"Hahahahhaha tapos ayon. Nilabas ko ung lipbalm sabe niya kung pede daw niya i-try."
"AHHHHHH TANG INA ALAM KO NA KASUNOD NIYAN! HAHAHAHAH IBA TALAGA GALAWAN NI KYUNGSOO E!! PANG KOREAN DRAMA!!" sigaw naman nila Baekhyun dahilan para lumubog sa kahihiyan si Kyungsoo.
"Hahahahhahaha o diba! Kiniss niya ko kinagabihan tapos kinabukasan makikita ko siya may kayakap na babae sa tapat ng dorm nila, tapos di niya man lang ako pinapansin, diba bebs??"
"Ah oo. Si Irene hahahha"
"Di niya man lang inexplain sakin kung bat niya ko kiniss tapos biglang d nanaman niya ko pinapansin. Tapos inindian niyo pa ko nung Bday ko, nalaman ko pa na kasama nyo ung babaeng yon. Halos araw araw ata magkakasama kayo nun, isa ka pa bebs! Ni hindi nyo man lang ako tinetext diba? syempre anong mararamdaman ko nun. Nakakatampo kaya sobra."
BINABASA MO ANG
Living the Idol life (EXO Fanfic)
FanfictionIsa kang adik na fangirl (HAHAHAH) Nagpunta ka sa Korea para sa fan-meeting ng EXO. Dahil sa kashungahan mo, naaksidente ka. At pag gising mo, bumungad sayo ang mukha ng mga nachichismisang sila Victoria, Sulli, Luna at Amber ng girl group na f(x) B...