Chapter 48: Finally, Kyungsoo happened to me

758 29 12
                                    

CHANYEOL's POV




"Ganun po ba noona. Sige pakisabi na lang dumaan kami." bigo kaming naglakad pabalik sa dorm. Nagpunta kasi kaming dorm ng f(x). 3 araw na rin naming sinubukang kausapin si bebs eh.



"Yeol-ah, mukhang galit pa rin talaga si Keith ah. Haaay. Hindi niya din sinasagot mga text at tawag natin. Mukhang seryoso na siya this time." sabe naman ni Baek.



Hindi kami nakaattend sa birthday niya diba? After kasi nung awardings kinausap kami ni Irene may pinakilala siya saming American investor, Kinukuha kaming guest dun sa newly opened na club nila. Naka-oo na rin si Manager hyung nun hindi naman niya kasi alam na hinahabol namin yung bday ni bebs.

Sabe nung american investor saglit lang kami ime-meeting, kaso natagalan kasi napahaba yung usapan nila Manager hyung pinag usapan pa yung magiging kontrata kung sakali.



Mag e-eleven pm kami natapos sa meeting, nag aaya pa nga si Irene na mag club daw kaso humindi na kami. Naghanap pa kami ng mabibilhan ng cake kaso ang daming tao. Christmas rush kaya hindi na kami nakabili ng cake tapos kamalas malasan nga naman, nagka-conflict naman sa daan. SOBRANG TRAFFIC. As in. Halos hindi umuusad. Andaming saradong daan kaya no choice kundi sa national road kami dumaan.



Nung nakarating naman na kami sa clubhouse, wala na sila Keith. Mag aalas-dos na rin kasi ng madaling araw eh. Naka ilang missed call sila Keith samin tsaka Luna noona, ang naging mali lang namin, binigay kasi namin lahat nung cellphone namin kay Manager hyung bago mag umpisa yung awardings eh tapos nabawi na lang namin ulit nung nandito na kami sa village. Tas yun na.



Nakausap namin sila Amber noona, sobrang sumama daw loob ni Keith, kasi konti lang yung ininvite niya tapos buti pa daw ang BTS nakarating, nabanggit pa pala nila na kasama namin si Irene kaya daw lalong nagalit si Keith.

Nagseselos daw siya kay Irene. Kaya pala netong mga nakaraang linggo umiiwas siya samin. Haaaaaaaay.



I feel so bad. Nagiguilty ako. To think na bestfriend ko pa naman si Keith. Tapos lahat pa kmi di nakapunta sa bday niya. Baka akala niya pinagpalit na namin siya kay Irene. Kinausap na rin namin si Kyung tungkol dito kasi nga simula nung dumating si Irene, nauudlot yung plano niyang mag confess kay Keith.



"Oh? Yeol-ah! Ano nakausap nyo na?" sumalubong samin sila Suho hyung. Umiling naman si Baek kasi di nanaman namin nakausap si Keith.



"Awww. Nako..galit talaga siya satin. Ilang beses ko na siyang tinatawagan eh tsaka tinetext wala eh." sabe din ni Sehun, umagree na rin ung ibang members. Lahat kami 3 araw na siyang cinocontact.



"Kyung, ano na bang plano mo? Baka akalain ni Keith na nagkabalikan na kayo ni Irene kaya siya lumalayo satin." tanong ni Baek

Living the Idol life (EXO Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon