Keith's POV
Isang panibagong umaga nanaman. Gising na gising ako, grabe. Ang saya sa pakiramdam! :) Sa wakas di ko na kelangan magpanggap (Well, atleast hindi na sa f(x) at EXO). Di kami natulog kagabi, nagkwentuhan lang kame nila Amber tungkol sa buhay ko, s pagiging fangirl tapos tungkol din sa kanila. Binigyan nila ko ng tips tsaka tutulungan daw nila kong mahanap yung katawan ko kung nasan man yun.
At nga pala, sinabihan ko na rin sila na kung pwede pag kami kami na lang, tawagin nila ko sa pangalan ko (Keith) kasi minsan dalang dala na ko na ako talaga si Krystal eh. Sinabe ko na rin yung kay Kai sabe ko sabihin na lng din nya sa buong EXO since alam naman na din nila.
On the way na rin kami sa studio, itutuloy yung naudlot na recording kasi nga diba nagdrama ako nun kaya di pala si natuloy. At eto na rin ang first time na haharap ako sa EXO bilang Ako. Hindi na yung Sunbae nila .
"So guys, 2 days ago ininform kayo ng Manager nyo regarding sa collaboration right?" nasa studio kami, sa isang mahabang table andun lahat ng EXO pati kami tsaka yung production team.
"Yes po na-inform po kami, nabigay din po samin yung copy nung pre-recorded na tune nung kanta kahapon." sabe ng leader ng EXO-K, Si gramps.
"Good. Any comments?"
"Umm.. PD-nim, tanong ko lang po sana kung lahat po ba ng members magpa-participate sa kanta?" tanong ni Baek
"Umm, actually we were discussing it earlier kaya lang masayadong maraming members kaya it'll be hard for all of you to take part in it so we've decided to just have 2 members from your team for the collab song and 3 members naman from f(x)"
"Ohhhh.." lahat sila nodded in agreement.
"Sino po yung dalawang members?" tanong naman ni Suho
"We'll have D.O and Chanyeol." tapos lahat sila tiningnan yung dalawa
"Kami po?" sabe nung lalaking malaki mata habang nanlalaki yung mata (Medyo bitter ako kay Kyung -_-)
"Yes. Ikaw yung magiging ka-duet nila, and Chanyeol will play the guitar since the song is originally in acoustic yung song"
"Ohhh, eh PD-nim sino naman samin?" tanong ni Luna
"Krystal, Amber and you Luna-ssi"
"Ohh okay po."
"Okay no objections right?"
"Ne!"
"Sige, now we'll give you 1 day para pag-aralan and to practice the song, binigay na sa inyo yung copy diba? Tapos we will start recording the real thing tomorrow."
"1 day lang? Keri ba yun?" bulong ko kay Amber
"Oo te, may copy naman tayo pag mag-rerecord na eh hindi naman kelangan kabisaduhin hehe"
"Ohhhh."
"So let's start?" sabe ni Amber
Tapos lumabas na si PD-nim pati yung ibang staff, tapos maya maya umalis yung apat (Amber, Luna, Vic-umma tsaka Sulli) tawag daw sila ni Boss Soo Man. [Sinong niloko netong mga o? -_-]. Naiwan ako tsaka yung isang dosenang alien.
"Umm.. sige dun lang ako sa gilid baka naiilang kayo saken." sabe ko. Lam mo yun? Biglang tahimik yung paligid eh.
"Ummm. H-hinde..ano. Dito ka muna." sabe ni Chanyeol. EH AYOKO NGA. PAGTAPOS NYO KONG AWAYIN. T____T
"Hinde sige dun na ko." aww pa-hard to get. -____-
"Sorry Keith!" tapos tumayo sya at niyuko yung ulo nya. Di nagtagal si Sehun din tumayo.
BINABASA MO ANG
Living the Idol life (EXO Fanfic)
FanfictionIsa kang adik na fangirl (HAHAHAH) Nagpunta ka sa Korea para sa fan-meeting ng EXO. Dahil sa kashungahan mo, naaksidente ka. At pag gising mo, bumungad sayo ang mukha ng mga nachichismisang sila Victoria, Sulli, Luna at Amber ng girl group na f(x) B...