Ash POV
Bwiset talaga yung lalakeng yon! Nakakainis! Di ko alam kung nanliligaw ba talaga o trip lang ako eh
Sa sobrang badtrip ko sa rooftop na lang muna ako tatambay.
"tara na ash kain na tayo" yaya nila Jayza sa akin
"oo nga di ka ba nagugutom?" tanong naman ni Mael
"kanina kapa nakabusangot dyan hahaha" pang aasar ni Mary
"sa rooftop muna ako bwiset kase yung ryan na yon" inis kong sabe sa kanila
"sige sabe mo eh" - Mary
"see you later na lang mamaya sa room" Mael
Pumunta na sila cafeteria, ako naman agad na pumunta sa rooftop ng school.
Wahh nakakafresh naman yung hangin dito.Sarap tumambay walang nang iinis.
"andito ka lang pala"
Di ko na kailangan kung sino yung nagsalita.Kakasabe ko lang kaninang walang nang iinis eh here we go again andyan na naman sya.
"pst di ka na naman namamansin, may problema ba?" tanong nya
"bat ka ba nandito!?" inis kong sabe
"bakit? sinong nagsabeng ikaw lang pwede dito? sayo ba tong rooftop? pinagawa mo? patingen nga ng kontrata? HAHAHAHA"
"bakit!? may sinabe ba akong sa akin!? nagtatanong lang ako" agad ko syang inirapan
"oo nga wala nga, bat ba galet na galet ka? inano kita dyan? HAHAHA may regla ka ba ngayon?"
Bat ba trip akong asaran nito ngayon? Kabanas eh.
"date ulet tayo bukas" dugtong pa nya
"date mo mukha mo HAHAHA!" tinawanan ko din sya kala nya di ko sya aasarin ah
"choosy pa gusto naman sus"
"wow ha kapal ng mukha talaga" kala naman nya gustong gusto ko sya kadate duh
"basta saturday naman bukas sunduin kita sa bahay nyo sa ayaw at sa gusto mo" at agad syang tumakbo
Nga pala isang buwan na syang nanliligaw saken pero di ko pa den sinasagot haha
"hoy teka lang di pa ako pumapayag ah siraulo ka!" pasigaw kong sabe
Anong klaseng pagyaya ng date yon? Sapilitan wala man lang halong romance.
Hays bahala nga sya sa buhay nya.
Someone's POV
Nakita ko si Ryan na paakyat ng rooftop kaya sinundan ko sya.
Then nakita kong may isang babae syang kinausap at nag aasaran pa sila?
Kailan pa sila naging close ni Ryan?
At niyaya pa syang magdate ni Ryan?
Nakita kong tumatakbo na si Ryan papalapit dito kaya agad akong nagtago
"Sorry girl back off! Ryan is still mine.Hindi ako papayag na magkagusto sya sayo." sabe ko sa isip ko at tsaka umalis.
****
Copyright © Cristine Gonzales
(cristine_gnzls)
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love With A Gangster (Completed)
RomanceSi Ryan Daniel Chua ay isa sa kinatatakutan ng lahat ngunit kinakikiligan din sa kanilang campus. Si Ashlyn Monteverde naman ang babaeng mahuhulog sa kanya ng dahil lang sa dare ng kanyang mga tropa. How sad? Posible kayang mahulog din ang loob ni...