Chapter 39: Flashback

564 15 0
                                    

Ryan POV

Di ko alam kung san ako dinala nitong mga tauhan ni Drake.

Nasan na kaya si Ash? Sana safe sya.

"Nagugutom ka na ba Ryan? O nauuhaw? Tell me what do you want.Dapat may energy ka naman kahit papano para sa laban mo mamaya" humalakhak pa sya pagkasabi non

"What I want? Pakawalan mo si Ashlyn ngayon na at tayo ang magharap gago ka!" pasigaw kong sabi sa kanya

Pinipilit kong kumawala sa tali.

May narinig akong parang sumisigaw na babae.

"Tanggalan nyo ng blindfold yan" rinig kong utos nya sa tauhan nya.

Tinanggal naman nila yung blindfold sa mata ko.Nakita ko si Ash na nasa kabilang upuan.Magkaharap kami pero medyo malayo sa isa't isa.Nakatali rin ang kamay at paa nya pati sa bibig may takip.

"Here's what you want.Pero di kita pagbibigyan sa gusto mong pakawalan sya!" sigaw ni Drake

Tinanggal nila yung nakatakip sa bibig ni Ash.

"Drake anong ibig sabihin nito? Akala ko ba okay tayo?" nagtatakang tanong ni Ash kay Drake

Natawa lang si Drake sa kanya.

"Akala mo lang yon! Sa una pa lang ayoko na sayo! Akala mo ba gusto kong magkaroon ng kaibigan na girlfriend ng mortal enemy ko!? Tandaan nyo to, lalo na ikaw Ryan.Wala kayong karapatang sumaya lalong lalo ka nang gago ka!" sabay suntok sa akin.

Napangiwi ako sa sakit.Naramdaman kong parang may dugo sa labi ko.

"Ano bang pinagsasabe mo Drake!? Di ko maintindihan.Bakit pati ako nadamay sa galit mo?" takang tanong pa rin ni Ash.

Hindi nya pwedeng malaman.Baka pag nalaman nya ayawan na nya ako.

"Do you really want to know huh? Let me tell you a story" natatawang sabi ni Drake at tumingin sa akin.

"Please Drake satin satin na lang yon.Di mo na kailangang sabihin kay Ash" pagmamakaawa ko.

Lumapit sya sa akin at hinawakan ako sa buhok ko tsaka pinatingala.

"Bakit!? Natatakot ka bang malaman ni Ash yung ginawa mo? Hindi ba dapat alam ng girlfriend mo kung anong klaseng tao ka talaga? Wag kang magbait baitan Ryan hindi bagay sayo!" galit nyang sabi at tsaka lumapit naman kay Ash.

Hinawi hawi nya yung buhok ni Ash at tsaka may ibinulong.

"Hey sweetie, gusto kong malaman mo na kriminal yang boyfriend mo." diretso nyang sabi kay Ash

Nagulat si Ash at tumingin sa akin at parang nagtatanong kung totoo ba yung sinasabe ni Drake.

"Wag kang maniwal—" naputol yung sasabihin ko

"Shut up! Totoo yung sinasabe ko."

Flashback...

"Bakit binugbog nyong magtotropa
yung kaibigan ko? tanong ko kay Drake.

"Kasalanan nya yon.Di ko sya ipapabugbog kung di nya nilalandi yung girlfriend ko." sabi nya

Nilalandi? What the heck!?

"Pwede nyo namang kausapin ng maayos pare eh para kusang lumayo hindi yung bubugbugin nyo agad.Porket walang laban yung kaibigan ko sa inyo." sabi ko

Parang nainis naman sya kaya lumapit sya sa akin.

"Why would I do that? Dapat may common sense na yang tanga mong kaibigan.Kung alam nyang may boyfriend na yung tao edi lumayo na sya.Eh kaso kalalaking tao malandi ri—" di nya natuloy ang sasabihin nya dahil agad ko syang sinuntok sa mukha.

Kami lang dalawa ang nandito dahil sinabe kong kakausapin ko lang sya.Kaso nakakainis na yung sinasabe eh.

Pinunasan lang nya yung dugo sa gilid ng labi nya at tsaka tumayo.

"Ganyang klase ka ba na kaibigan? Kakampihan yung mali.Tsk pare parehas pala kayong mga walang utak eh." pang aasar nya

Sa inis ko sinuntok ko ulet sya pero gumanti agad sya kaya dumugo din yung labi ko at napaupo ako sa sahig.

Di pa sya nakuntento kaya tinadyakan nya ako.

"Pakisabe dyan sa kaibigan mo.Sa susunod na landiin pa nya yung girlfriend ko.Tatapusin ko buhay nya." pagkasabi nya non tumalikod na sya.

Pero di pa sya nakakalayo ay tumayo ako at kinuha yung baril nya sa likod nya.

Tinutok ko to sa kanya.Sanay akong humawak ng baril dahil nga isa rin akong gangster.Kakayanin kong pumatay ng tao kapag gusto ko.

"Ulitin mo pa yang sinabe mo ako mismo tatapos sayo! " naiinis kong sabi habang nakatutok pa rin sa kanya yung baril.

Humarap sya sa akin.

"Edi iputok mo.Di naman ako yung makukulong eh." nakangisi pa nyang sabi "Go ahead, shoot me.Kaibigan mo walang utak pati ba naman ikaw? Sabagay ikaw nga nilalandi na yung girlfriend mo nagpapaloko ka pa rin.Eh kung landiin ko rin kaya si Cassie?" dugtong pa nya.

At talagang dinadamay pa nya girlfriend ko ha.

Sobrang napupuno na ako sa kanya.
Kinasa ko na yung baril ko at akmang ipuputok ko na sa kanya ng biglang may humarang.

Banggg (Basta tunog na to ng baril haha)

Naputok ko yung baril at natamaan yung babae.

Shit! Bakit pumutok!? Shit! Kinasa ko na nga pala.

Anong gagawin ko? Makukulong ako.

"Kish wake up! Kish please wake up!" ginigising ni Drake yung babae

"Don't worry love your safe.I love you... " pagkasabi ng babae ay pumikit na sya.

Nashock ako sa ginawa ko.Hindi ko naman talaga dapat ipuputok yung baril eh tatakutin ko lang dapat si Drake.

Damn! What did I do!?

Bigla akong sinapak ni Drake kaya napahiga ako.

"Damn you! You killed my girlfriend! Dapat kang makulong!" sigaw nya sa akin at tsaka ako sinuntok ng paulit ulit.

End of flashback...

"Ash, I'm sorry.Di ako kriminal.Di ko sinasadya yung nagawa ko." pagmamakaawa ko kay Ash.

Pero mukhang shock pa rin sya sa mga sinabe ni Drake.

"What is sorry if the damaged is done.You think mababalik mo pa yung buhay ng pinakamamahal kong babae? Hindi na diba!? That's why I don't want you to be happy! Hindi ko kayo hahayaang maging masaya kasama tong babaeng mahal mo.Ngayon, makikita mo rin kung paano mamamatay tong girlfriend mo at ipaparamdam ko sayo yung sakit na naramdaman ko noon!" sigaw nya

Tinutukan nya ng baril si Ash.Si Ash umiiyak lang.

Ash, please forgive me.Pangako maliligtas kita.

A/N: Sorry for the late update.I'm busy watching "Falling Into Your Smile" huhu

****

Copyright © Cristine Gonzales
(cristine_gnzls)

Accidentally In Love With A Gangster (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon