Mary POV
yown nagka pov din sa wakas HAHAHA thank you author masarap sana ulam nyo.
Hi, my name is Mary Clarisse Alcala, 19.I'm pure Pilipino but feeling Korean haha chos.Btw I'm one of Ashlyn's bestfriend.Magbebestfriend na kami nila Jayza since 2017 and naging close kaming lahat because of Kpop.At nadagdagan kami ng new friends sa school, si Mael.Basta kpop fan matik magiging close namin haha
So today is sunday at nagkayayaan kami na magsimba and after non maggagala na kami.Minsan na lang kase kaming makagala ng matagal at magkakasama dahil nga busy kami sa school.
"Asan na ba si Ash? Kahit kelan talaga napakabagal kumilos ng babaita na yon." naiinip na tanong ni Jayza
Andito na kase si Mael at Jayza sa bahay namin, ang inaantay na lang namin ay si Ash.Sya talaga pinakamabagal kumilos kapag may lakad kami.Nagpapaganda ng bongga masyado.
"on the way na daw sya kakatext lang saken" sabe ni Mael
On the way pero nasa bahay pa yan pustahan
"isang sakay lang naman papunta dito wag kana mainip dyan jayza" sabe ko
After many many many hours
charot lang HAHAHA
After 20 mins nakarating na den si Ash
"tagal teh ha kala ko matutulog na lang tayo dito kila Mary eh" sabe ni Jayza kay Ashlyn.
"nagmadali na nga ako eh sorry na mga bes HAHA" hinihingal na sabe ni Ash.
"wag na kayong mag usap dyan tara na" singit ni Mael
Nagsimba muna kami.
Nang matapos ang simba ay naghanap na kami ng makakainan dahil magtatanghalian na den.
"so san nyo gusto kumain?" tanong ko sa kanila
"ay taray manlilibre sya" natutuwang sabe ni Ash
"sinong may sabeng manlilibre ako di ko pa birthday para ilibre kayo" sabe ko
"di naman kailangang birthday para manlibre anytime pwede ka manlibre kami lang to HAHAHA" pabirong sabe ni Jayza
"oo nga naman manlilibre na yan" sabe pa ni Mael
Tignan mo tong mga to anlalakas mang uto eh.Pero sige na nga lilibre kona sila may allowance naman akong nakuha kila mom and dad kahapon.
"manlilibre na yan! manlilibre na yan" sabay sabay pa nilang sabe
"oo na manahimik na kayo dyan pinagtitinginan na nila tayo oh.Kung di ko lang talaga kayo kaibigan eh" natuwa naman sila
"san nyo ba gustong kumain?" dugtong ko pa
"mag jollibee na lang tayo?" tanong ni Mael
"sige okay na yon.tara na" sabe ko
Pumasok na kami sa Jollibee at naghanap ng mauupuan.
"kami na ni Ash ang oorder, dyan na muna kayo" sabe ko
"anong oorderin naten?" tanong ko kay Ash
"yung beef steak with rice na lang kaya then drinks at burger?" tanong ko pa
"sige pare parehas na lang" pag sang ayon ni Ash
Nag order na kami at tsaka ako nagbayad.Bumalik na kami sa pwesto namin.Habang inaantay yung pagkain, eto na naman yung mga kaibigan kong may kanya kanyang mundo sa kakanood ng kpop at kdrama.
Dumating na yung inorder namin at sabay sabay na kumain.
"grabe nakakabusog thank you mary" sabe ni Mael
"thank you bes next time ikaw naman ililibre namin" sabe ni Jayza
"aba dapat lang HAHAHA" natatawang sabe ko
After naming kumain ay nagpahinga muna kami saglit.
"cr muna ako" paalam ni Ash
"ako din teka lang" habol ni Mael kay Ash
Habang hinihintay namin ni Jayza si Mael at Ash ay may nahagip ang mata ko.
"hoy jayza" tawag ko
di ako pinansin busy na naman kakanood ng kpop
"hoy!" tawag ko sa kanya ulet at hinampas sya
"aray puta ka bakit ba?" naiinis na sabe ni Jayza
"tignan mo diba si Ryan yon?" tinuro ko sa kanya
"nasaan?" tanong nya
"ayun oh! he's with someone?" tinuro ko dun papalabas ng Greenwich at may kasama syang babae.
"oh my g! oo nga si Ryan yon pero sino yung girl na kasama nya?" nagtatakang tanong ni Jayza
"I thought he's courting Ash? bat may kasamang babae?" nagtataka ring tanong ko
"Sabe kona babaero yan eh, sabagay gangster nga kase.Pero hindi naman tamang nanliligaw sya kay Ash tapos lumalandi pa sya sa ibang girl.Kailangan tong malaman ni Ash" naiinis na sabe ni Jayza
"anong kailangan kong malaman?" tanong ni Ash
Nakabalik na pala sila.
"nakita lang naman namin si---" di na natuloy ni Jayza yung sasabihin nya dahil tinakpan ko agad yung bibig nya.
" ah wala yon nakita lang namin sila Renz nagmamall din pala haha" sabe ko at tinignan ng masama si Jayza sabay senyas na wag munang sabihin.
"ah kala ko naman kung ano tara na mag arcades na tayo don sa wof" pagyaya ni Mael
"let's goo!" sabay sabay naming sabe
Sinulit namin hanggang gabi ang paggala at nagsaya lang.Hanggang sa napagod na kami at nagkayayaang umuwi.
A/N: Sorry for the late update.Keep reading.Thank you!
****
Copyright © Cristine Gonzales
(cristine_gnzls)
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love With A Gangster (Completed)
RomanceSi Ryan Daniel Chua ay isa sa kinatatakutan ng lahat ngunit kinakikiligan din sa kanilang campus. Si Ashlyn Monteverde naman ang babaeng mahuhulog sa kanya ng dahil lang sa dare ng kanyang mga tropa. How sad? Posible kayang mahulog din ang loob ni...