Ash POV
Nandito pa rin ako sa di ko malamang lugar kung saan ba? At iyak pa din ako ng iyak.
Wala akong pake kung may makakita man saken basta ang alam ko lang nasasaktan ako ngayon.
"I heard it clear, he doesn't love me." bulong ko sa sarili ko habang patuloy pa rin sa pag iyak.
Nakayuko lang ako at napaupo na lang sa buhanginan ng biglang may nagsalita sa likod ko.
May sumunod sa akin?
"That's not true" sabi ng pamilyar na boses ng lalake
Di ako pwedeng magkamali.It's him.
Awtomatiko akong napalingon.Pinunasan ko agad yung luha ko at nagkunwaring hindi umiiyak.
"Anong ginagawa mo dito?" seryosong tanong ko sa kanya
"Edi sinundan ka." seryosong sagot nya din
Bakit naman nya ako kailangang sundan? Sinabe na nyang di naman nya ako mahal.So dapat wala na syang pake saken.
"For what?" tanong ko pa din
"Madilim na mamaya kung mapano ka pa.Kami lang ang huli mong kasama, baka mamaya pagbintangan pa kami kapag may nangyareng hindi maganda sayo." seryoso pa ding sabi nya
Hindi sya nag aalala sa akin.Nag aalala lang sya kapag may nangyareng masama sa akin at mapagbintangan sila.Napangiti ako ng mapait.
"Nakita mo na ako.Buhay pa naman ako.You can go now.I can manage myself." pagkasabi ko non tinalikuran ko na sya at umupo ulit sa buhanginan.
Pero ramdam ko pa din yung presensya nya sa likod ko.Bakit di pa din sya umaalis? Bahala nga sya dyan.
"Manhid ka ba Ash?" biglang tanong nya
All this time ako pa tatanungin nya ng ganon? Napatayo ulet ako at hinarap sya.
"Bakit ako yung tinatanong mo ng ganyan? Why don't you ask yourself?" naiinis kong sabe sa kanya.Feeling ko maiiyak na naman ako pero pinipigilan ko lang.
"Damn! You don't know anything!" sigaw nya sa akin
Anong di ko alam?
"Alam mo kung makikipag sagutan ka lang ulit sa akin iwan mo na lang ako dito.Gusto kong mapag isa ngayon Ryan pwede ba yon?" sabi ko sa kanya
"Bulag ka ba Ash? Kaya nga ako nandito because I care for you and gusto kong malaman mo na I love yo—" di na nya natuloy sasabihin nya
This time naiyak na ako.
"You care for me? You love me? Isa na naman ba yan sa dare nyong magkakaibigan? Or inutusan ka nila para sabihin yan?" tanong ko sa kanya at diretsong nakatingin sa mga mata nya habang umiiyak.
"Malinaw kong narinig na wala kang feelings sa akin.So ano yang mga sinasabe mo?" dugtong ko pa
Tumalikod sya sa akin at narinig ko yung sunod sunod nyang pagmumura.
"Damn! Damn! Damn!" sabi nya at humarap sa akin ulet
"All this time pala di mo pa rin ako napapatawad sa nagawa ko? And all this time iniisip mo pa din na dare lang lahat ng pinapakita ko sayo? Damn!" malungkot nyang sabe
Natahimik ako bigla.Mali sya napatawad ko na sya.Natatakot lang ako ulit na mapaglaruan.
"Di ko alam kung dapat ko pa bang sabihin sayo tong nararamdaman ko para sayo.Baka pag sinabe ko, di mo na naman ako paniwalaan tapos isipin mo na isa na naman to sa dare." malungkot pa ding sabe
"What do you mean?" tanong ko
"I think I like you Ash.No, I think I'm in love with you." diretso nyang sabi
Nagulat ako at naiyak.
"No! Hindi yan totoo.Baka naaawa ka lang sa akin dahil alam mong mahal na kita dati pa.And I heard it clear sa laro natin kanina you don't have any feelings for me." umiiyak kong sabe
"Damn that game Ashlyn! Hindi totoo yung sinabi ko kanina.Katulad ng sinabe mo laro lang yon, di natin kailangang seryosohin yon.Sinabe ko lang yon dahil nagselos ako sa sinabe ni Drake na gusto ka nya.Sana naman paniwalaan mo na ako this time.I really love you.Nagsimula na to nung ginagawa na namin yung dare sayo.I think gusto na din kita dati pa pero di ko lang masabe" lumapit sya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
Shock ako.Di ko pa din alam sasabihin ko.Totoo ba to? Nagseselos si Ryan? And totoo bang gusto talaga nya ako?
"Ash, do you still love me the way that I still love you?" tanong nya habang nakahawak sa kamay ko at nakatitig sa akin.
Di pa din ako sumasagot at nakatitig lang din ako sa kanya.
"Ash ano na? Naghihintay ako ng sagot sayo" sabi pa nya
"Yeah I still love you.Di naman nawala tong feelings ko para sayo eh kahit na alam kong pinaglaruan nyo lang ako dati." sagot ko sa kanya
Niyakap nya ako.
"Can you please forget the past.Ang isipin mo lang ay yung ngayon.I'm sorry kung di ko agad naamin sayo yung nararamdaman ko." tanong nya
Niyakap ko na din sya pabalik pero kumalas ako ng may maalala ako.
"Oh bakit?" takang tanong nya sa akin
"Nag kiss kayo ni Cassie kanina ah." sinungitan ko sya
"What the hell are you saying? Hindi kami nagkiss.She's the one who kiss me" sabi nya
"Okay" maasar nga lang haha
"Ash naman eh okay na tayo diba? Mag aaway na naman ba tayo?" tanong nya
Feel ko tuloy para kaming magjowang may LQ chos di pa nga sya nagtatanong eh.
****
Copyright © Cristine Gonzales
(cristine_gnzls)
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love With A Gangster (Completed)
RomanceSi Ryan Daniel Chua ay isa sa kinatatakutan ng lahat ngunit kinakikiligan din sa kanilang campus. Si Ashlyn Monteverde naman ang babaeng mahuhulog sa kanya ng dahil lang sa dare ng kanyang mga tropa. How sad? Posible kayang mahulog din ang loob ni...