Ash POV
Nakababa na kami ng bus.Binigyan kami ng susi para sa tutuluyan naming kwarto.Apat na tao lang kada kwarto, puro babae tapos puro lalake ang magkakasama syempre.
Dahil kinulang na ng room, lima kaming nandito sa kwarto.Magkakasama kami sa kwarto nila Jayza at Mary, sa kasamaang palad kasama namin si Cassie dito pati yung isa nyang kaibigan.Kung nagtataka kayo kung bakit di namin kasama si Mael, yun ay dahil dun sya sa kabilang kwarto ka roommate sila Ryan, Daniel at Renz.Lalaki po si Mael ha baka akala nyo babae sya HAHA.Kpop fanboy sya kaya naging kaibigan namin.
"Malas naman natin ka roommate pa natin yang dalawang surot" bulong ni Jayza sa amin ni Mary
"Yaan nyo na no choice naman tayo eh" sabe ko sa kanila
"Yeah you're right makipagplastikan na lang tayo" medyo napalakas na sabe ni Jayza
Napatingin silang dalawa dito sa pwesto namin.
"If you're talking about us sana naman yung hindi naririnig.Making gossips behind our back? Such a loser." maarteng sabe ni Cassie
Maka loser naman tong surot na to tirisin kita ng buhay eh.
"Calm down Cass.Hayaan mo na lang sila.Pinapakita lang nila na low educated sila and not well mannered duh" maarte ding sabi ng kaibigan nya sabay taray sa aming tatlo
Nakita kong lalong nainis si Jayza.Sa magkakaibigan kase sya yung yung pinakapalaban sa amin.Medyo maldita to eh HAHA
"Kapal naman ng mukha mo para sabihin sa aming low educated at not well mannered kami! Bakit ikaw ba nagpapaaral sa amin!? Ikaw ba nagpapalamon sa amin? Hindi di ba!? So better watch your words and shut up your mouth bitch!" mataray at pasigaw na sabi ni Jayza bago nya tinarayan yung dalawa
Kitang kita sa mukha nila na napikon sila sa sinabe ni Jayza.Buti na lang tinawag na kami para lumabas kundi baka nagkasabunutan na kaming lima sa kwarto.
Nakaupo na kaming lahat dito sa may buhanginan at nakikinig sa sinasabe ng prof namin.
"So for today may gagawin tayong activities.By pairs itong laro na ito.So kada team meron tayong limang pairs.Kailangan babae at lalaki kada pair.We have Team A, Team B and Team C.Mamili na lang kayo kung sino sino ang representatives nyo." sabi ng prof namin.
Kanya kanya ng pili ng representatives ang mga estudyante.
Kateam ko si Mary, Mael,Renz at Drake.Ka team naman ni Jayza sila Cassie, Ryan, Daniel at yung isa pang kaibigan ni Cassie, si Faye."Okay our team are now complete.For team A the pairs are Ismael and Chloe, Renz and Mary, Drake and Ashlyn, Jhay and Jessie, Kian and Ana.Go to your place first"
Pumwesto na kami agad dun sa pwesto namin.
"The next is Team B the pairs are Jennie and Robert, Neriza and Jay, Anne and Vincent, Hanna and Joshua, Kisha and Brian, go to your place now."
Last team na
"And for the last, the Team C.The pairs are Cassie and Ryan, Daniel and Lia, Elizer and Faye, Kath and Justin, Marvin and Kesiah."
Pumunta na agad sila sa pwesto nila.Tsk partner ni Cassie si Ryan.
Inaayos na yung para sa gagawin naming activities ng biglang sumandal sa balikat ko si Drake.
"Pahiga muna medyo inaantok pa ako" sabi nya kaya hinayaan ko na lang
Napapansin ko ding kinukulit ng kinukulit ni Cassie si Ryan pero dedma lang buti nga haha.
"Our first game is Sack Race.Siguro naman alam nyo na tong lahat diba?" tanong ni prof
"Yes" sabay sabay naming sagot
"Be ready guys" pagkasabi non ay naghanda na kaming lahat.Sumuot na kami don sa malaking sako.
"Let's start the game in 3,2,1 Go!"
Agad na nagmadali ang lahat.Meron pang mga natutumba.Medyo nauuna na yung team B.
Sila Ryan at Cassie na sa team nila.Nakita kong hawak ni Ryan sa bewang si Cassie habang naglalaro ng sack race.Nakabalik na sila sa pwesto nila.
Kami na ni Drake sa team namin ang susunod na maglalaro.
"Kapit ka maigi" bulong ni Drake sa akin at nagsimul na kaming maglaro.Nasa kaligitnaan na kami ng laro ng bigla akong ma out balance kaya natumba kaming dalawa.Napaibabaw pa ako kay Drake.Pero agad din kaming tumayo.
Dahil sa nangyari natalo kami.
"Sorry guys natalo tayo" malungkot na sabi ko sa kanila
"Okay lang yan di nyo naman sinasadyang ma out balance, bawi na lang tayo sa next game." sabi ni Kian
Nanalo team nila Ryan pero parang di sya masaya at mukhang di nag eenjoy dito sa sembreak namin.
Hays tagal na rin naming di nagpapansinan at nag uusap.
Magiging okay pa kaya kami?
A/N: Sorry dahil medyo bumabagal na pag update ko.Medyo di pa kase okay.
****
Copyright © Cristine Gonzales
(cristine_gnzls)
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love With A Gangster (Completed)
RomanceSi Ryan Daniel Chua ay isa sa kinatatakutan ng lahat ngunit kinakikiligan din sa kanilang campus. Si Ashlyn Monteverde naman ang babaeng mahuhulog sa kanya ng dahil lang sa dare ng kanyang mga tropa. How sad? Posible kayang mahulog din ang loob ni...