Ash POV
Nashock ako sa nalaman ko.
Totoo ba talagang napatay nya yung girlfriend ni Drake?
Kaya pala ganun na lang sila kagalit sa isa't isa.
"Ash, I'm sorry.I promise maliligtas kita dito ng buhay" sabi ni Ryan
No response.
"Tsk napakadrama mo naman Ryan." sigaw ni Drake.
Pumunta si Drake kay Ryan at bigla itong sinuntok sa sikmura.
Nakita ko namang napangiwi si Ryan dahil sa sakit.
"Wag kang mag alala.Papahirapan muna kita sa ngayon.Gusto ko namang makita mo muna yung girlfriend mo bago ko sya patayin sa harapan mo." nakangising sabi ni Drake kay Ryan.
Pagkatapos pumunta naman sya sa akin.
"At ikaw naman, chill ka lang muna dyan." tumawa pa sya habang hinahaplos yung buhok ko.
Kita ko namang galit na galit na si Ryan.
"You asshole! Don't ever touch my girl! Ako na lang patayin mo tutal ako naman pumatay sa girlfriend mo diba!? Wag mo ng idamay si Ash dito!" sigaw ni Ryan.
It means totoo talagang napatay nya yung girlfriend ni Drake? Shit.
"Did you heard that clear? She killed my girlfriend.Anong feeling ng may kriminal na boyfriend?" tanong sa akin ni Drake.
Tahimik lang ako at di nagsasalita.Di ko alam kung magagalit ba ako kay Ryan o maawa sa sitwasyon namin ngayon?
"Bantayan nyong maigi yang dalawa na yan ha" utos ni Drake sa mga tauhan nya.
"opo boss"
—
Nakatulog yung mga tauhan ni Drake.
Tahimik lang kami ng biglang may dumating.
Sila Renz at Daniel? Anong ginagawa nila dito?
Tinatanggalan ni Renz ng tali si Ryan habang tinatanggalan naman ako ng tali ni Daniel.
"Pano nyo nalamang nandito kami? At tsaka delikado dito.Sana tumawag na lang kayo ng pulis." bulong ko kay Daniel.
"Shh basta pinlano namin to nila Ryan kanina pa bago sya pumunta dito.Tumawag na kami ng pulis pasunod na yon" bulong din sa akin ni Daniel
Nakalasan na ako ng tali habang tinatanggal pa nila yung kay Ryan.
Itetext ko sana sila Mary ng biglang may umagaw ng phone ko at tinutukan ako ng baril.
"Do you think makakatakas kayo?" boses ni Drake
"Ano pang hinihintay nyo? Tapusin nyo na yang mga yan!" sigaw pa ni Drake
Hawak lang ako ni Drake habang nakikipagpatayan na sila sa mga tauhan ni Drake.
Nakikipagsuntukan si Renz at Daniel habang si Ryan naman pinagtutulungan habang hawak sya ng mga tauhan ni Drake.
Renz POV
Shit natamaan ako sa panga.Ang sakit non ah.
Kumuha ako ng isang dos por dos at ipinukpok sa isang kasamahan ni Drake.
May lumapit pa sa aking kalaban kaya pinukpok ko ulit sa ulo pero nakailag sya.Bigla nya akong sinuntok sa sikmura kaya nabitawan ko yung hawak kong dos por dos.
Hindi ako makatayo sa sakit.Gusto kong tulungan si Ryan.
Nakita kong parang hahampasin nila si Daniel kaya pinilit kong tumayo agad at kinuha ang hawak ko kaninang dos por dos.Bago pa nila mapukpok sa ulo si Daniel at naunahan ko sila.
Pinilit naming labanan yung mga tauhan ni Drake kahit nanghihina na kami.
Lumapit kami agad kay Ryan at pinagtulungan yung iba pang kalaban.
"Nasan na ba yung pulis Daniel?" tanong ko
"Ewan ko sinabi ko na yung location" sabi ni Daniel
Nakikipagbugbugan pa rin kami kahit nanghihina na talaga kami.
"Mga pre kayo na munang bahala dito.Kailangan kong hanapin si Ash." paalam ni Ryan sa amin
"sige pre ingat ka"
Ryan POV
"Magpakita ka Drake! Wag kang duwag gago ka! Ilabas mo si Ash!" sigaw ko
Hinahanap ko pa rin si Ash.Kinakabahan ako baka kung ano nang ginawa ni Drake kay Ash.
Patuloy pa rin ako sa paghahanap ng may marinig akong sigaw ng babae sa madilim na parte nitong taguan ni Drake kaya agad akong pumunta dun.
Dun ko nakitang hawak nya ang buhok ni Ash ng sobrang higpit at pinagsasampal kaya sumisigaw sa sakit si Ash.
"Damn you Drake! Wag mo ng idamay si Ash sa away nat—" naputol yung sasabihin ko dahil tinutukan nya ng baril si Ash.
Umiiyak lang si Ash at halatang natatakot na.
"Sige magsalita ka pa! Makikita mo talaga kung pano mamatay tong babae na to!" galit na sabi ni Drake.
Shit! Wala akong laban sa baril na hawak nya.Anong gagawin ko?
Iyak pa din ng iyak si Ash.
"shut up!" sigaw nya kay Ash tapos sinampal ulit
Dahil sa inis ko lumapit ako kay Drake at akma syang susuntukin ng bigla nyang iputok yung baril.
"Ryaaaan!" sigaw ni Ash
Napahiga na lang ako.
Narinig kong may dumating na pulis kaya biglang tumakbo si Drake at nagmadaling umalis.
"Ryan! Please wag mokong iwan" sabi ni Ash habang umiiyak.
Ngumiti lang ako sa kanya.
"Sabi ko naman sayo maliligtas kita.I'm sorry Ash" sabi ko sa kanya
Nanghihina na ako dahil sa bala na tumama sa akin.
"Shh wag ka munang magsorry kailangan kitang madala sa hospital" umiiyak pa ding sabi ni Ash
Dumating na din sila Renz at Daniel.
"What happened?" tanong ni Renz kay Ash
"Nabaril sya ni Drake.Tumawag na kayo ng ambulansya!" natatarantang sabi ni Ash.
Nagmadali naman silang tumawag ng ambulansya.
"dadating na yung ambulansya wag mokong iiwan ha" sabi ni Ash
Tumango na lang ako sa kanya pero unti unti ng pumipikit yung mata ko.
"Ryan! Ryan! Ryaaaan! Please wag mokong iwan! Wake upppp! Ryan please wake up"
****
Copyright © Cristine Gonzales
(cristine_gnzls)
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love With A Gangster (Completed)
RomanceSi Ryan Daniel Chua ay isa sa kinatatakutan ng lahat ngunit kinakikiligan din sa kanilang campus. Si Ashlyn Monteverde naman ang babaeng mahuhulog sa kanya ng dahil lang sa dare ng kanyang mga tropa. How sad? Posible kayang mahulog din ang loob ni...