Chapter 31: Friendship Over?

644 22 1
                                    

Ash POV

Grabe lang! Tatlong araw na akong di pinapansin ni Ryan.And tatlong araw na rin akong kinukulit nitong si Drake.

Kahit magkaklase kami di nya talaga ako pinapansin.Minsan nga sinasadya kong bagalan kilos ko kapag uwian para lang makausap sya pero ini snob nya ako.

Teka nga? Bakit ko ba sya kailangang pilitin na kausapin at pansinsin ako? Kung ayaw nya akong pansinin edi wag kala nya ha!

Tatlong araw na akong pinipilit syang kausapin ayaw pa din nya.Taas ng pride masyado daig pa babae.Parehas lang naman kaming may nasabing mali nung nakaraan ah pero mas mali sya, pinapaiwas nya ako kay Drake eh kakakilala pa lang naman namin.

Speaking of Drake ayun sya nasa labas ng room inaantay na naman ako.

"Wag mong sabihing sasabay ka na naman sa amin kumain?" tanong ni Jayza

Tumango lang si Drake at nakangiti pa.

"Hayaan nyo na mga bes" sabe ko sa kanila.

Pumunta na kami ng cafeteria at kumain na habang nagkukuwentuhan lang.

"Huy bes bat di pa rin kayo nagpapansinan ni Ryan? Kala ko ba okay na kayo?" tanong ni Mary

"aba malay ko sa gago na yon, pake ko ba sa kanya? bahala sya kung ayaw nya akong pansinin" iritado akong kumain at tsaka nagcellphone na lang

"Hayaan nyo na lang sya kung ayaw nyang pansinin si Ryan, kalalaking tao non arte arte.Si Ash na nga nagsosorry eh." parang naiinis na sabe ni Drake.

Uwian na.

Andito na ako sa bahay.At nagffb

Nang biglang magchat si Ryan.

Ryan Daniel Chua: Meet me at the park.May ibibigay lang ako.

Sa park? Ano namang nakain ng mokong na to at nakikipagmeet sa akin? Di ba galit sya sa akin? Hays bahala na nga saglit lang naman eh.

Nagpaalam ako kay mom na pupunta lang sa park saglit.

At the park.

Nakita ko syang nakaupo dun.Naka motor pala sya.

Pinuntahan ko agad sya.

"I'm here" matamlay kong sabi.

Napalingon naman sya.At inabot saken yung notebook ko.Oo nga pala, hiniram nya to saken nung okay pa kami.

Akma na syang aalis ng sigawan ko sya.

"PINAPUNTA MOKO DITO PARA LANG SA NOTEBOOK!? EDI SANA SA SCHOOL MO NA LANG BINIGAY! ISTORBO KA! " naiinis kong sigaw sa kanya.

"pwede ba wag ka ngang sumigaw dyan." walang ekspresyon nyang sabi

"Tapos ngayon papansinin mo'ko dahil sumigaw na ako!? Ano bang problema mo Ryan ha!? Nung nakaraang araw pa kita kinakausap pero inisnob mo lang ako!? Anong ginawa ko sayo" inis ko pa ding sabe sa kanya.

"Wala.Di ba sabe ko di na kita papakielaman.Wag mo na nga akong kulitin.Dun kana sa Drake mo." sabe pa nya

What did he say!? Drake ko? This sounds like he's a jealous boyfriend? No erase erase ano ba tong naiisip ko?
"Nakikipagkaibigan lang yung tao saken.Tsaka pwede ba kung may galit kayo sa isa't isa wag nyo na lang akong idamay.Parehas ko naman kayong kaibigan.Di ba pwedeng maging magkaibigan na lang din kayo?" medyo kalmado kong sabe.

Well, it hurts to call Ryan a friend.Anong magagawa ko? I think I'm really in love with him pero di ko na lang sinasabe.Kunware lang di na ako apektado kapag magkasama kami.Wala eh kasalanan ko bang ma inlove sa gangster na kagaya nya? Di ko naman mapipigilan tong nararamdaman ko para sa kanya.It's not may false because I accidentally In love with him.Ikaw ba naman pakitaan ng mga sweet moves kahit fake di ka ba mahuhulog?

"Edi makipagkaibigan ka.As what I've said the last time we talk, DI NA KITA PAPAKIELAMAN" talagang inemphasize pa nya yung salitang yon.At sumakay na sya sa motor nya. Papaandarin na sana nya ng bigla ko syang sinigawan ulet.Naiinis na ako eh.Edi wag na pakielaman!

"OKAY FINE! SABE MO EH.BINABABAAN KO NA YUNG PRIDE KO PARA LANG MAGING OKAY ULIT TAYO TAPOS IKAW PA TONG GALIT AT DI NAMAMANSIN!? KUNG TUTUUSIN NGA WALA NAMAN AKONG GINAWA SAYO PARA MAGALIT KA SA AKIN NG GANYAN DIBA? WALA NA PALANG PAKIELAMANAN HUH!? EDI OKAY MADALI NAMAN AKONG KAUSAP EH.FROM NOW ON, OUR FRIENDSHIP IS NOW OVER!" pagkatapos kong sabihin yun ay tinawag pa nya ako pero umalis na ako dahil naiyak ako.Di ko naman gustong sabihin sa kanya yon eh kaso naiinis na ako.

Bahala sya.

A/N: This is my last update muna.Hope you understand:)

****

Copyright © Cristine Gonzales
(cristine_gnzls)

Accidentally In Love With A Gangster (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon