Chapter 13: In Ryan's House

1.1K 41 0
                                    

Ash POV

After ng basketball ni Renz at Daniel ay sinamahan na nila ako papunta sa bahay nila Ryan.Ewan ko ba sa sarili ko? Nag aalala ako sa kanya bat naman kase nakikipag away pa e.Gangster nga pala.Nabalik ako sa katinuan ng pag iisip ko ng magsalita si Renz.

"Hey ash masyado naman atang malalim yang iniisip mo? Andito na tayo sa tapat ng bahay nila Ry ikaw na bahala sa kanya ha."

"wait ako lang talaga papasok dyan sa loob ng bahay? Eh hindi nga ako kilala dyan baka makasuhan pako ng tresspasing noh? Akala ko ba sasamahan nyo ko?" aniya ko

"Sinamahan ka na nga namin papunta dito hindi naman naming sinabeng sasama kami papasok ng bahay nila Ry at tsaka hindi nga kami pinapayagang pumunta nyan sa bahay nila except na lang kung sya magyaya" - Daniel

Potek ako lang talaga? As in!? Sabagay ako naman may gustong pumunta dito eh.

"ah sige thankyou sa paghatid ha" sabi ko ng nakangiti sa kanila.

Shemaay bat naman kinakabahan ako? Bat naman kase naisipan ko pang puntahan yung lalake na yon? bahala na si batman nandito na rin naman ako.
Grabe ang laki pala ng bahay nila Ryan, well mayaman naman yung family ko pero di ko yon pinagyayabang because I'm proud of what I have kung anong ibigay saken ayun lang.

Syempre nagdoorbell muna ako sa gate nila mapagkamalan pakong magnanakaw kung papasok ako agad diba?

"Yes miss? Ano pong kailangan nyo?" sabe ng babae eto ata katulong nila

"Ahm? Kaibigan po ako ni Ryan"

Pinapasok nya ako pero sa sala lang ng bahay nila.

"sige miss sabihin ko lang sir na may bisita sya saglit lang po ah"

"Ah okay I will wait here. Thank you!"

After 10 years bumaba na den yung katulong. Jok lang mga 5 minutes lang siguro.

"Ah miss.Akyat na lang daw po kayo sa taas.Dun pa sa kanang kwarto yung kay Sir Ryan.Medyo masama ho pakiramdam eh.Sige po inutusan pa akong magluto ni sir ng soup nya" sabe ng katulong

Agad naman akong umakyat pagkasabe ng katulong.Dami namang pinto san ba kase dito? Sa kanan daw eh? Katukin ko na nga.

Tok* tok*

"come in" mahinhing sabe ni Ryan.Halata nga sa boses nya na di maayos pakiramdam nya.

"Ahm? Gusto ko lang sana alamin lagay mo? Nasabe kase saken ni Renz at Daniel na napaaway daw kayo kagabe kaya di ka nakapasok ngayon kaya naisipan kong dalawin ka"

Tumingin sya saken at saka pilyong ngumiti? Tignan mo tong siraulo na to oh may sakit na nga nakuha pang mang asar tsk

"anong nginingiti ngiti mo dyang kupal ka?" tanong ko sa kanya

"Sa gwapo kong to tatawagin mo lang akong kupal? Halos magkandarapa na nga mga babae saken eh" Pagyayabang nya

Yung totoo? May sakit ba talaga to? Nakuha pang magyabang

"Namiss mo naman ako agad baby eh ikaw ha gusto mo na ko noh?" pang aasar nya.

Sheemaaay! Bat ganyan yang kupal na yan? Concern lang gusto agad? Gusto nga ba? Shet erase! erase! no! Dzuh bwesit na lalakeng to lakas mang asar.

"pwede ba manahimik ka dyan.Concern lang ako sayo gusto agad? Yabang mo talagang kupal ka."

"Ang cute mo baby HAHAHAHAHA"

"can you please stop calling me that kind of endearment we're not a couple and I have a name Ashlyn Alvejo!" Nakakainis kase eh

"sungit mo naman baby"

Natigilan kami ng umakyat ang katulong at ibinigay ang soup at gamot nya.Inutusan pakong pakainin sya aba kapal ng mukha may kamay sya diba.Pagkatapos nyang ubusin yung soup inabot ko sa kanya yung gamot at tubig nya. Nandito ako sa kama nya nakaupo at inaantay na inumin gamot nya kase pagkatapos non eh uuwi na ako baka hinahanap na ako sa amin.

"Mukhang medyo okay naman na pakiramdam mo. So uuwe na ako ha" Tatayo na sana ako ng bigla nya akong hatakin sa braso ko dahilan para mapatumba ako sa kanya at sa di inaasahan.....

A/N:Shemaay! Ano sa tingin nyo ang nangyare kay Ry at Ash? Sorry ngayon lang nakapag UD sensya na guyz ha tinatamad ako charot HAHAHAHA basta. So wait for the next chapter hihi kakilig.

****

Copyright © Cristine Gonzales
(cristine_gnzls)

Accidentally In Love With A Gangster (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon