Ash POV
Pinilit kong maging masigla para di mahalata ng mga kaibigan ko na matamlay ako.
Kagabi pa'ko walang gana.Ngayon nga papasok akong di nag breakfast eh.Hay ewan.
Ineexpect kong susunduin ulet ako ni Ryan sa bahay namin, pero wala sya.
Nag eexpect ba talaga akong susunduin nya ako?
fast forward
So andito na ako sa school ngayon.
"huy bes ang ganda nung bagong transferee sa kabilang section naten ah, she's like a goddess mygod!" salubong ni Jayza sa akin.
Transferee? Goddess?
"ngayon lang ba kayo nakakita ng maganda? hello araw araw nyo kaya akong kasama" pagbibiro ko sa kanila
Bigla naman silang natawa.Grabe kaibigan ko ba talaga tong mga to? Wala man lang support kahit konti.
"sige bes push mo yan" sabe ni Mael
"Confident level 99999 HAHAHA" pang aasar ni Mary
"Biro lang tara na pasok na tayo sa first sub baka malate pa tayo" aya ko sa kanila.
Ang boring talaga ng subject na philosophy.Nakakaantok.
Etong mga katabi ko naman sige lang daldalan about kpop.Ewan wala na naman ako sa mood.
Nga pala absent yung tatlong mokong ah? Bakit kaya?
Sa wakas natapos na den yung tatlong subject.
Kriiingg
Break time
"hoy hanap na kayong pwesto" Mael
"tara dun tayo sa dulo kumain" Mary
"Tara order na tayo" aya ni Jayza
Pumila na kami at namili ng makakain.
Natapos ng umorder yung tatlong kaibigan ko.Andun na sila sa pwesto namin kaya ako na lang ang hinihintay nila.
Nang matapos akong umorder ay naglakad na ako papunta sa mga kaibigan ko.Sa di sinasadyang pangyayare ay nabunggo ko ang isang babae at natapon sa kanya yung inorder ko.
Oh my g!
"what the fuck are you doing!? Tumitingin ka ba sa dinadaanan mo!?" tanong ng babae
Natataranta na ako kaya pinunasan kona agad yung natapon ko sa kanya.
Nakita kong may ibinulong pa sa kanya yung mga kasama nya.
"get off your dirty hands to me" sabe pa nya
"I'm really sorry hindi ko sinasadya" paghingi ko ng paumanhin pero tinignan nya lang ako mula ulo hanggang paa.
"Wait? Are you Ashlyn Monteverde?" tanong nya
Teka? Pano nya nalaman yung pangalan ko?
"Oo ako nga I'm sorry talaga"
"Hindi mo ba ako kilala? I'm Cassie Leigh, Ryan's girlfriend." Pagpapakilala nya sa akin na ikinagulat ko.
So sya pala yung Cassie? Pero wait? Girlfriend? I thought ex na sya ni Ryan? Ang gulo.
"And I heard the news na nilalande mo daw yung boyfriend ko? What a flirt" tumawa pa sya pati yung mga kasama nya.
Andami ng nakakarinig at nakakakita sa amin.Nakita ko yung mga kaibigan na lulusob na at naiinis kay Cass.Pero sumenyas ako na 'wag na kaya ko na to'
Di na'ko makapagpigil, pagkatao kona sinisira neto eh.
"Excuse me lang ha? First of all, don't call me flirt dahil hindi naman tayo close.And second of all, hindi ko nilalande yang boyfriend mo, sya yung lapit ng lapit sa akin.Hindi ko naman alam na may girlfriend pala sya tapos isang buwan ng nanliligaw saken." medyo iritado kong sabe na lalo nyang ikinainis.
Tuwang tuwa naman yung mga kaibigan ko sa gilid.Mapagkumbaba akong tao lalo na kapag ako yung may mali, pero kung pagkatao kona pinag uusapan dito aba! lalaban talaga ko kahit marami pang makakita.
Tumawa naman sya "Do you think Ryan is serious in courting you? Don't you know that they have a dare?"
Dare? Anong dare?
"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko.
"Eto tatagalugin kona sayo para mas maintindihan mo.Yung panliligaw sayo ni Ryan ay dare lang nilang magtotropa.So it means, Ryan is not serious in courting you.Una pa lang pinaniwala ka na nyang gusto ka nya and ikaw naman tong tanga at uto uto, naniwala.How sad? Sinasabe ko na sayo to habang maaga pa.Buti na lang 1 month ka pa lang niyang niloloko, oops I mean pinaasa.And please lang, iwasan mona si Ryan.Excuse us." pagkasabi nya non ay nag walk out na sya kasama ang mga kaibigan nya.
Nakita kong pinagbubulungan at pinag uusapan na ako ng mga tao dito sa school namin.
Wala akong kaalam alam na niloloko lang pala nila akong magkakaibigan?
Bigla na lang pumatak ang mga luha ko.
"shh hoy wag ka ngang umiyak dyan yare talaga saken yang sila Renz, pinagtulungan ka talagang lokohin." naiinis na sabe ni Mary
Bumalik na kami sa room at nag nagsimula na ang klase.Buti na lang hindi namin kaklase sila Cassie.
Natapos ang klase na wala ako sa sarili.Masyado akong nashock sa mga pangyayare.
"bes wag ka ng umiyak ha" pag aalala ni Mael
"kahit di mo sabihin alam naming gusto mona si Ryan pero para sa ikabubuti ng lahat, iwasan mo na sya ha? And binabawi kona pala yung sinabe kong maganda at goddess sya.Nagmukha syang impakta sa ugali nya duh" naiinis na sabe pa ni Jayza.
"see you tomorrow ingat kayo"
Nagbeso na kami sa isa't isa at tsaka umuwi.
****
Copyright © Cristine Gonzales
(cristine_gnzls)
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love With A Gangster (Completed)
RomanceSi Ryan Daniel Chua ay isa sa kinatatakutan ng lahat ngunit kinakikiligan din sa kanilang campus. Si Ashlyn Monteverde naman ang babaeng mahuhulog sa kanya ng dahil lang sa dare ng kanyang mga tropa. How sad? Posible kayang mahulog din ang loob ni...